Chapter 78: Maling Kriminal

3 2 0
                                    

"Joana? Ano na namang balak mo? Sasaktan mo na naman ba si Leslie?" tanong ni Mindy.

"Well, I'm back because of one reason. I am back dahil sisimulan ko na ang paghihiganti ko kay Leslie." tugon ni Joana.

"Paghihiganti? Bakit, anong ginawa ko sayo? Wala akong ginagawa sayo, Joana!" sambit ni Leslie.

"Anong wala? Ang taray-taray mo naman, Leslie! Ano ka, biglang nagka-amnesia? Don't you remember what happened at the mall the past few weeks?" tanong ni Joana.

"Joana, kung ano man ang nangyari sayo noon sa mall, kasalanan mo 'yun! Ikaw ang nagplanong tumulak sa akin sa second floor, pero hindi ka nagtagumpay!" tugon ni Leslie.

"Oh yes, Leslie. I planned to push you on the second floor. Kasi, I thought na ikaw ang mamamatay. Pero hindi ko akalain na ikaw pala ang papatay sa akin! Alam mo, magpasalamat ka dahil buhay pa ako!" sambit ni Joana.

"Oo, buhay ka pa dahil isa kang masamang damo! At ang mga masasamang damo, matagal mamatay!" tugon ni Leslie.

"Masamang damo? Ako?" tanong ni Joana.

"Oo, masamang damo ka." tugon ni Leslie.

"Ah, masama pala ha, pwes, patutunayan ko sayo!" nagulat si Leslie nang bigla siyang sampalin ng malakas ni Joana.

"Walanghiya ka! Pero alam mo, hindi kita papatulan. Kasi kapag pinatulan kita, magiging masama na rin ako. Kapag pinatulan kita, wala na rin akong pinagkaiba sayo. At ayokong tumulad sa ugali mong kasing dumi ng pag-iisip mo!" tugon ni Leslie at biglang nagwalkout.

—————

"Friend, hindi ba ikaw 'yung nasa TV? Oh my gosh, friend! Talagang nakulong si Karen?" sambit ni Mystie.

"Oh yes, Mystie. And I'm so happy na nawala na siya sa buhay ko. And now, Edward needs a shoulder to lean on, and you know what I mean. Ako lang ang makakatulong sa kaniya." tugon ni Karen.

"Pero friend, hindi ka ba nakukunsensiya sa mga ginagawa mo? Friend, ibang-iba ka na! Hindi na ikaw 'yung Roxanne na nakilala ko noon!" sambit ni Mystie.

"Oh yes, Mystie. Hindi na nga ako ang Roxanne na nakilala mo noon. Because the Roxanne that is in front of you now, is more tough, braver, and beautifuler." tugon ni Karen.

"Friend, mali 'yung grammar mo. It's more beautiful, at hindi beautifuler." sambit ni Mystie.

"Wow, himala, nag-iisip ka na pala ngayon, Mystie! Well, talagang minali ko 'yon so I can see if alam mo kung ano ang tamang grammar." tugon ni Karen.

"Pero friend, hindi na yata tama 'tong ginagawa mo. Hindi ka ba naaawa kay Karen?" tanong ni Mystie.

"Ba't ako maaawa? You know what, Mystie, wala sa vocabulary ko ang awa. And I don't care kung nahihirapan si Karen ngayon. I don't care kung mamatay pa siya." tugon ni Karen.

—————

"Villanueva, may bisita ka." sambit ng pulis.

"S-sino pong bisita ko?" tanong ni Roxanne.

"Si Magda Raymundo. Andiyan siya sa labas." tugon niya.

Nang marinig niya ang pangalan ng kaniyang ina, kaagad siyang napatayo sa kaniyang kinauupuan.

"Kuya, gusto ko siyang makita." sambit niya.

Kaagad siyang pinalabas ng pulis sa kaniyang selda. Natuwa siya nang makita ang kaniyang ina.

"Nay?" sambit niya at kaagad niyang niyakap ng mahigpit ang kaniyang ina.

"Anak, Karen, miss na kita!" tugon ni Magda.

"Nay, miss ko na rin po kayo, Leslie, Tay, gusto ko na pong makalabas dito." sambit ni Roxanne.

"Anak, huwag kang mag-alala. Kumuha na ako ng abogado. Heto, siya si Atty. Mendoza." pagpapakilala ni Rico.

"Hello po, Atty. Mendoza. Nice to meet you po." sambit ni Roxanne.

"Nice to meet you rin, iha. Kamusta ang lagay mo rito sa loob?" tanong ni Atty. Mendoza.

"Ayos lang naman po ako, Atty. Pero, wala pa po ako masyadong pahinga. Hindi pa po ako gaanong nakakatulog. Gusto ko na pong makalabas dito." tugon ni Roxanne.

"Matutulungan kita, iha. Magtutulungan tayo. May pruweba ka ba na magpapatunay na hindi talaga ikaw ang pumatay sa iyong tita?" tanong niya.

"Wala po eh. Hindi ko rin po talaga alam kung sino bang pumatay sa kaniya. Atty, hindi ko po kayang gawin 'yun sa tita ko. Siguro nga po, may gustong manira sa akin kaya nangyari 'yon." tugon ni Roxanne.

"Manira? Sa tingin mo, sinong gustong manira sayo?" tanong ni Atty. Mendoza.

"Ang mga Villanueva." sagot ni Roxanne.

—————

"Grabe ka talaga, friend! Hindi mo ba naisip, na baka ikaw ang pinaghihinalaan ni Karen na pumatay sa tita niya?" tanong ni Mystie.

"Edi paghinalaan niya. Wala naman siyang ebidensiya na ako ang nagpapatay sa tita niya dahil hindi niya naman tayo nakita. And besides, ang daming pwedeng gumawa nun sa kaniya." tugon ni Karen.

"Pero friend, mahirap na. Paano kung makahanap sila ng paraan? Paano kung may hidden CCTV sa bahay at hindi lang natin alam? Paano kung may nakasilip sa bahay nila nung gabing 'yon?" tanong ni Mystie.

"Oh my gosh, I need to prepare myself for that. Hindi pwede! Hindi pwedeng masira ang mga plano ko! Hindi ako pwedeng mabuko!" tugon ni Karen.

—————

"Sige, iha. Don't worry. Tutulungan kita na linisin ang pangalan mo. Basta magtiwala ka lang." sambit ni Atty. Mendoza.

"Salamat po, Atty. Sana nga po, mahuli na kung sino ang totoong pumatay kay tita. Dahil maling kriminal po ang pinagbibintangan nila. At sigurado ako, na malayang-malaya pa rin ang taong pumatay sa kaniya." tugon ni Roxanne.

"Anak, huwag ka nang mag-alala. Tutulungan tayo ni Atty. sa kaso mo. Gagawin niya ang lahat." sambit ni Magda.

"Sana nga po, Nay. Sana nga po, makuha na ang hustisya sa pagkamatay ni tita Amy. Hindi ko na po kaya dito sa kulungan, Nay." tugon ni Roxanne.

"Anak, huwag kang susuko. Bayaan mo, mamaya, pupunta kami sa burol ng tita mo. Papakiusapan ko si Bella. Baka magbago ang isip niya." sambit ni Magda.

"Nay, sarado po ang isip niya. At hindi ko po alam kung makakausap niyo siya." tugon ni Roxanne.

"Kahit na. Gagawin ko pa rin ang lahat para kausapin siya."

—————

"Condolence, friend. Alam mo, hindi ako makapaniwala sa nangyari sa nanay mo. Parang, ang bilis lang ng pangyayari. Nung isang araw lang, nandun pa tayo sa bahay ninyo, nagcecelebrate." sambit ni Ariana.

"Kaya nga, hindi nga rin ako makapaniwala. At mas lalong hindi ka maniniwala sa sasabihin ko." tugon ni Bella.

"Ha? Bakit? Ano bang sasabihin mo?" tanong ni Ariana.

"Si Karen ang pumatay kay inay!" tugon ni Bella.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now