Chapter 74: Brand New Car

3 2 0
                                    

"Yeheeey! Nanalo kami!" masayang sambit ni Roxanne.

Hindi akalain nina Karen at Edward na sila pala ang magmamay-ari ng sasakyan na matagal nang naka-display sa labas ng grocery. Sila ang luckiest shopper.

—————

"Atraso? May atraso sila sa inyo?" tanong ni Olivia.

"Oo, insan. May atraso sila sa anak kong si Roxanne. Dahil, inagaw ni Karen ang pinakamamahal niya, si Edward." tugon ni Vicky.

"Alam ninyo po tita, talagang mga lahing mang-aagaw talaga 'yan sina Leslie at 'yung ate niyang si Karen. Kahit noon pa, mga problema na namin sila. Maybe, it's time na ibalik sa kanila ang lahat ng ginawa nila sa atin." sambit ni Joana.

"Well, that sounds great. You know what, kung dalhin ko kaya rito si Roxanne so you can talk." tugon ni Vicky.

"Sure, tita. That will be nicer." ani Joana.

—————

"Anak, ngayon lang ba kayo nakauwi? Bakit ang tagal-tagal niyo?" tanong ni Magda nang makitang kauuwi lang ni Karen.

"Nay, this is my luckiest day! Ang saya-saya ko po, Nay!" masayang tugon ni Roxanne.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Magda.

"Nay, meron po kaming bagong sasakyan!" tugon ni Roxanne at tumalon-talon.

"Talaga? Saan kayo bumili?" tanong ni Magda.

"Nay, natatandaan niyo po ba 'yung sasakyan na ipinapapremyo ng Supreme Supermarket? Kami 'yung pang-five hundred thousand na customer, nay! Kami ang nanalo ni Edward!" tugon ni Roxanne.

"Congrats, anak! Congrats sa inyong dalawa!" masayang sambit ni Magda.

Biglang bumaba si Leslie ng hagdan. Napansin niyang masaya ang kaniyang ate.

"Oh, ate, saya mo ah?" tanong ni Leslie.

"Les, nanalo kami ng sasakyan! Nanalo kami ng brand new car!" tugon ni Roxanne.

"Talaga, ate?! Congrats!" sambit ni Leslie sabay yakap sa kaniyang ate.

—————

"So, what's your plan?" tanong ni Vicky.

"Well, I'm going to kill Karen. Kailangan na niyang mamatay." tugon ni Karen.

"How are you going to do that?" tanong naman ni Fred.

"Basta, bahala na. Wala akong pakialam kahit na makulong ako basta gusto kong makaganti sa pesteng Karen na 'yan." tugon ni Karen.

"Anak, nag-iisip ka ba? Kapag nakulong ka, edi mas lalong magkakalapit sina Karen at Edward! At ikaw ang magmumukhang masama sa harapan nila! Hindi mo ba naisip 'yon?" sambit ni Vicky.

"Oh, I'm sorry. I didn't think of that. Sabagay, you're right. Oh, I know! I know what to do! So dapat, si Karen ang makulong! Para kapag nakulong siya, makita niyang pinapalitan ko siya sa buhay ni Edward!" tugon ni Karen.

"Oh, eh bakit hindi mo pa siya patayin? Para tuluyan na siyang mawala at maging permanente ka na sa buhay ni Edward." sambit ni Vicky.

"No, no, no. I don't want to kill Karen. I want her to see kung paano ko agawin ang asawa niya. I want her to see kung paano magdusa." tugon ni Karen.

"So, paano mo siya maipapakulong? Eh, wala ka namang maisasampang kaso sa kaniya 'di ba?" tanong ni Fred.

"Well, I can kill someone para siya ang pagbintangan. Kuya, I need your help." tugon ni Karen.

"Oh, sure. Sige. Sino ba 'yang someone na 'yan?" tanong ni Fred.

"Pwede namang isa sa mga magulang niya, or pwede rin naman si Bella or si Ariana." tugon ni Karen.

—————

"Nay, Leslie, andyan na 'yung kotse namin sa labas!" masayang sambit ni Roxanne.

"Talaga? Patingin nga!" tugon ni Magda.

"Sige nga, ate. Patingin din ako!" dagdag pa ni Leslie.

Dali-daling tumakbo si Karen patungo sa labas ng kanilang bahay. Dumating na ang bago nilang sasakyan. Sa paningin ni Karen, kumikintab-kintab pa ito sa sobrang kinis.

"Ang ganda!" natutuwang sambit ni Magda.

Narinig ni Rico ang ingay sa labas. Tinignan niya kung ano 'yon.

"Ano ba 'yang ingay na 'yan? Anong nangyayari..." napatigil si Rico nang makita ang isang magandang sasakyan.

"Kaninong sasakyan 'yan? Ang ganda!" tanong ni Rico.

"Tay, napanalunan po namin ni Edward. Alam niyo po 'yung sasakyan na papremyo ng Supreme Supermarket? Kami po ang nanalo!" tugon ni Roxanne.

"Talaga? Ang galing naman! Naku, congrats, anak!" ani Rico.

Bigla namang bumaba ng sasakyan sina Edward at ang lalaking kausap nito.

"So sir, sa inyo na po ni Mrs. Katrina Pineda nakapangalan ang sasakyang ito. Pwedeng-pwede niyo na pong gamitin. Enjoy your brand new car!" sambit nito.

"Thank you very much, sir!" tugon ni Edward.

"Hon, ang ganda ng kotse natin!" sambit ni Roxanne.

"Oo nga, hon. Naka-rehistro na ang sasakyang 'to sa pangalan natin. Alam mo, mabuti na lang at namili tayo doon. At least, may kapalit na ang sasakyan kong nasira." tugon ni Edward.

"Oo nga, hon. Mabuti na lang talaga." ani Roxanne.

Napatingin si Karen sa kaniyang bulsa nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tumatawag si Bella.

"Teka lang, sagutin ko lang 'to."

"Hello, insan, napatawag ka?" tanong ni Roxanne.

"Oo, insan. Pumunta kayo rito mamaya. May kaunting salo-salo. Birthday kasi ni inay kahapon eh hindi kami nakapag-handa." tugon ni Bella.

"Ay oo nga pala, sige. Pupunta kami d'yan mamaya." sambit ni Roxanne.

"Oo, insan. Nasabihan ko na rin si Ariana. Pupunta rin siya mamaya." tugon ni Bella.

"Sige, sige." ani Roxanne at ibinaba ang telepono.

"Sinong tumawag? Si Bella ba?" tanong ni Magda.

"Opo, Nay. Tumawag si Bella. May kaunting salo-salo raw po mamaya sa bahay nila kasi birthday kahapon ni tita. Mamaya raw po sila maghahanda." tugon ni Roxanne.

"O, edi ayos. Magdadala tayo ng pagkain mamaya. Leslie, Karen, tulungan ninyo akong magluto." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay."

—————

"Ano, are you ready for your plan tonight?" tanong ni Fred.

"Oh, yes. I'm so ready. I can't want to see Karen behind bars." tugon ni Karen habang hawak-hawak niya ang isang baril.

"Friend, wala bang break 'yang paghihiganti mo? Hindi ka ba talaga napapagod, ha?" tanong ni Mystie.

"Mystie, kung ayaw mong sumama, edi 'wag. Pero ako, itutuloy ko ang plano. No matter what happens." tugon ni Karen.

"Are you sure na gusto mo 'tong ituloy?" tanong ni Fred.

"Of course, kuya. Bakit, pati ba ikaw, magba-backout?" tugon ni Karen.

"No, I was just asking. Sige na, let's go na." sambit ni Fred.

"Come on! I can't wait to attend someone's funeral!" tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now