Chapter 6: Laban ni Karen

24 2 0
                                    

Biglang tumunog ang telepono ni Karen. Tumatawag si Magda.

"Nay, napatawag po kayo?" tanong ni Karen.

"Oo anak, papunta kami dyan ni Leslie. May mga dala kaming mga pagkain." tugon ni Magda.

"Talaga po, Nay? Sige po, Nay. Abangan ko po kayo dito." sambit ni Karen.

"Sige, anak. Malapit na kami." tugon ni Magda.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sina Magda at Leslie sa mansyon nina Karen.

"Nay! Leslie!" bati ni Karen.

"Oh, anak, eto, may mga dala kaming pagkain." sambit ni Magda.

"Salamat po, Nay. Nga pala, nasaan po si Tatay?" tanong ni Karen.

Hindi makasagot si Magda. Hindi niya alam ang sasabihin niya.

"Ah, ate, may pasok kasi si Tatay. Nag-overtime siya." sambit ni Leslie.

"Ano ba 'yun, palagi nalang overtime. O siya sige, kumain na po tayo." tugon ni Karen.

Nagkatinginan sina Leslie at Magda.

"Sige na, anak. Kain na." bulong ni Magda kay Leslie.

Uupo na sana sina Karen, Leslie, at Magda sa upuan nang biglang sumakit ang puson ni Karen.

"Aray!" sambit ni Karen.

"Anak, okay ka lang?" tanong ni Magda.

"Nay, bigla pong sumakit 'yung puson ko. Aray!" tugon ni Karen.

"Nay, dalhin na po natin si ate sa ospital." sambit ni Leslie.

"Sige na po, Nay. Dalhin niyo na po ako sa ospital. Masakit na masakit na po talaga." tugon ni Karen.

"O siya sige, anak. Dadalhin ka na namin sa ospital. Janice!" sambit ni Magda.

"Ma'am, bakit po ma'am?" tanong ni Janice.

"Janice, sabihin mo sa sir Edward mo na dinala namin si Karen sa ospital ha. Sumasakit kamo ang puson." sambit ni Magda.

"Sige po, ma'am, ako na po ang bahalang magsabi kay sir." tugon ni Janice.

Dali-daling dinala nina Magda at Leslie si Karen sa ospital. Ipinatignan nila si Karen sa doktor.

"Base sa mga results ng mga tests na ginawa natin sayo, there is a possibility that you have this condition called endometriosis. Ito ang condition na ang mga tissue na nasa loob ng uterus mo ay tumutubo sa labas nito. Once na tumubo ang mga tissue na 'yan sa mga sensitive area ay magcacause ito ng pain. Ito rin ang nangungunang dahilan ng infertility sa mga babae." paliwanag ng doktor.

"So dok, ibig sabihin po ba nito, pwede pong hindi na ako mabuntis?" tanong ni Karen.

"Yes. There is a possibility." tugon ng doktor.

"Eh, dok, ano po ba ang pwede nating gawin para sa may mga ganyang kondisyon?" tanong ni Magda.

"Mayroon po tayong mga medications na pwedeng ibigay. 'Yung iba po, nirerecommend na magpa-surgery. 'Yung iba pong sugery ay successful, while some are not." tugon ng doktor.

----------

"Nay, paano na? Paano na 'yung mga niregalo sa akin ni Bella? Hindi ko na 'yun magagamit kasi hindi na ako magkakaanak." umiiyak na sambit ni Karen.

"Anak, huwag kang mawalan ng pag-asa. Malay mo, hindi talaga 'yun 'yung kondisyon mo. Paano kung nagkamali lang sila?" tanong ni Magda.

"Oo nga, ate. What if, mali lang 'yung na-diagnose nila sayo? Hindi ba, nagyayari din 'yun minsan?" dagdag pa ni Leslie.

"Pero Nay, Leslie, malinaw ho 'yung sinabi ng doktor. May endometriosis po ako, at posibleng hindi na ako magkaroon ng anak." tugon ni Karen.

"Anak, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Malay mo, magkaroon ng himala 'di ba? At saka, hindi ka naman bibigyan ng Diyos ng pagsubok kung hindi mo kakayanin." sambit ni Magda.

"Tama si Nanay, ate. Hindi ba nga, may kasabihang, "Never give up?" Kaya ate, huwag kang mawawalan ng pag-asa. Nandito lang kami palagi ni Nanay para sayo." tugon ni Leslie.

"Salamat sa inyo, Nay, Leslie. Pinapalakas ninyo ang loob ko." sambit ni Karen.

----------

"Ma'am, ano pong nangyari sa check-up ninyo kanina?" tanong ni Janice.

"Uhm, Janice, sana huwag ka munang maingay kay Edward. Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya tungkol sa kanina." tugon ni Karen.

"Ano po bang nangyari ma'am?" tanong ni Janice.

"Janice, meron akong endometriosis. At posibleng, hindi na ako mabuntis." tugon ni Karen.

"Naku, ma'am. Baka naman po, nagkamali lang ang mga doktor. Hindi po ba nangyayari 'yun, ma'am?" tanong ni Janice.

"Sana nga, Janice. Sana nga, nagkakamali lang sila. Umaasa pa rin ako na hindi totoo lahat 'to." tugon ni Karen.

----------

Pagkatapos ng reunion nina Robert at Edward ay umuwi na sila sa kani-kaniyang bahay. Nadatnan ni Edward si Karen na nakaupo sa sofa at parang malungkot.

"Hi hon! How are you? Bakit parang ang lungkot mo?" tanong ni Edward.

"Nothing, hon. I just want to ask you a question." tugon ni Karen.

"What question?" tanong ni Edward.

"What if, kunwari malaman mong hindi na ako magkakaanak. Would you still love me?" tanong ni Karen.

"Of course, hon. Bakit mo naman natanong?" tugon ni Edward.

"Edward, sana kapag nalaman mo ang totoo, sana matanggap mo pa rin ako." sambit ni Karen.

"Ano bang totoo, Karen?" tanong ni Edward.

"Edward, meron akong kondisyon. Meron akong endometriosis. Mahirap na akong mabuntis. At, maaaring hindi na kita mabigyan ng anak." umiiyak na sambit ni Karen.

"Halika, hon. Huwag kang mag-alala. Maaari namang mali lang ang diagnosis sa 'yo ng mga doktor. That happens, right?" tanong ni Edward.

"Pero, Edward. Natatakot pa rin ako. Natatakot ako na, na baka iwan mo ako kasi hindi kita kayang bigyan ng anak." tugon ni Karen.

"Hon, huwag mong sabihin 'yan. I will never do that. Hinding-hindi kita iiwan. Pero, hindi naman ibig sabihin na hindi ka na pwedeng maging ina porket hindi tayo magkakaanak. We can adopt, right?" tanong ni Edward.

"Pero, Edward, iba pa rin kapag galing sa akin ang bata. Pero sinabi naman ng doktor na, na may paraan pa naman daw." tugon ni Karen.

"Paraan? Anong paraan daw?" tanong ni Edward.

"Sinabi ng doktor, may mga medications daw na ibinibigay. Pero may iba raw na nagpapasurgery. Pero hindi raw 100% chance na magiging successful ang operation." tugon ni Karen.

"Hon, you don't need to worry. I know na, darating din ang panahon, magkakaanak din tayo. Huwag lang tayong mawawalan ng pag-asa." sambit ni Edward.

"Salamat, Edward. Pinapagaan mo ang loob ko. Pinalalakas mo ang loob ko. Salamat." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchМесто, где живут истории. Откройте их для себя