Chapter 2: Pagtataka

53 3 2
                                    

Napatingin si Magda kay Leslie.

"Anak, may nabanggit ba sayo ang tatay mo kung sino ito?" tanong ni Magda.

"Wala po, Nay. Wala po siyang nababanggit sa akin." tugon ni Leslie.

"Sigurado ka? Kahit pangalan ng taong hindi mo kilala?" tanong ni Magda.

"W-wala po talaga, Nay." tugon ni Leslie.

Napaisip si Magda. Sino kaya ang babaeng nasa litrato?

Ibinulsa ni Magda ang litrato.

"Anak, uhm, ako na ang bahalang kumausap sa tatay mo mamaya. Ako nalang ang bahala. Sige, kumain na tayo. Parating na ang ate mo." sambit ni Magda.

Inihanda na ni Leslie ang mga pagkain sa lamesa. Sakto ay biglang dumating sina Karen at Edward.

"Magandang hapon po, tita." bati ni Edward.

"Naku, Edward, magandang hapon din." tugon ni Magda.

"Ay nay, andyan po ba si Tatay?" tanong ni Karen.

"Ay naku, anak. Nakalimutan ko nga palang sabihin sayo, nag-overtime nga pala ang papa mo. Mamayang alas 10 pa ng gabi ang uwi niya." tugon ni Magda.

"Ay, sayang naman po, Nay. Hayaan niyo po, hihintayin nalang namin siya." sambit ni Karen.

"Naku, anak. Eh, baka gabihin kayo kapag hinintay niyo pa siya." tugon ni Magda.

"Hindi po, Nay. Ayos lang po sa amin ni Edward." sambit ni Karen.

"Opo, tita. Ayos lang po sa amin." tugon ni Edward.

"O sige, kung ganon, kumain na tayo. Eto, may ice cream, spaghetti, tsaka cake." sambit ni Magda.

"Salamat po, tita. Nag-abala pa po kayo." tugon ni Edward.

"Naku, wala 'yun. Eh siyempre alam kong bibisita kayo. Nakakahiya naman kung walang pagkain, 'di ba?" sambit ni Magda.

"O siya sige po, Nay. Kumain na po tayo." tugon ni Karen.

----------

Inabot na ng gabi sina Karen at Edward sa bahay nila Magda. Alas 10 na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi si Rico.

"Nak, nagtext ba sayo ang tatay mo na gagabihin siya ng uwi?" tanong ni Magda kay Leslie.

"Ah, Nay, hindi po eh. Wala pong text sa cellphone ko. Hindi po kaya may pinuntahan lang?" tugon ni Leslie.

"Hindi ko alam, anak. Hanggang ngayon, naiisip ko pa rin 'yung litrato ng babae na nakita mo kanina. Hindi kaya siya ang pinuntahan niya?" tanong ni Magda.

"Hindi ko rin po alam, Nay. Tanungin nalang po natin si Tatay mamaya pag-uwi niya." tugon ni Leslie.

"Mukhang ganun na nga." sambit ni Magda.

Inabot na ng alas dose ng madaling araw si Magda kakahintay kay Rico. Nakatulog na sina Karen at Edward sa kanilang sofa.

Tulog na silang lahat maliban kay Magda. Naghihintay ng text o tawag kay Rico.

Napatingin si Magda sa labas nang biglang nag-park ang sasakyan nila sa harapan ng kanilang bahay. Dumating na si Rico.

Binuksan ni Magda ang pinto at sinalubong si Rico.

"Rico, bakit ginabi ka na ng uwi? Hindi ba, alas 10 ang tapos ng shift mo?" tanong ni Magda.

"P-pasensya ka na, Magda. Kasi, nasira 'yung sasakyan. Kinailangan ko pang ipagawa." tugon ni Rico.

"O siya, kanina pa naghihintay sina Karen at Edward sa pagdating mo. Nakatulog na nga sila sa sofa eh." sambit ni Magda.

"Ano? Bumisita ang anak mo? Sayang. Hindi ko alam. Nag-overtime pa kasi ako eh." tugon ni Rico.

"Kaya nga. Halika na, pumasok na tayo sa loob." sambit ni Magda.

Mahimbing na ang pagkakatulog nina Karen at Edward sa sofa kaya naman ay hindi na ito ginising ni Magda. Inabot na sila ng umaga doon.

Nagising si Karen at hindi niya namalayang doon pala siya nakatulog.

"Naku, inabot na kami ng umaga. Hay naku." bulong ni Karen sa sarili.

Sakto namang nagising din si Magda at nakita niyang gising na rin si Karen.

"Anak, gising ka na pala." sambit ni Magda.

"Nay, bakit po hindi niyo kami ginising kagabi? Anong oras po ba nakauwi si Tatay?" tanong ni Karen.

"Nakita ko kasi na mahimbing na mahimbing na ang tulog ninyo ni Edward kagabi kaya hindi ko na kayo inistorbo. Alas dose na ng madaling araw nakauwi ang papa mo eh." tugon ni Magda.

"Naku, eh bakit daw po? Hindi po ba, alas 10 ang tapos ng shift niya?" tanong ni Karen.

"Nasiraan daw siya ng sasakyan kaya raw ipinagawa pa niya. Kaya ayun, natagalan siyang makauwi." tugon ni Magda.

"Ah, okay po, Nay." sambit ni Karen.

"Nak, anong gusto mong kainin ngayon?" tanong ni Magda.

"Kahit ano lang po, Nay. Uuwi na rin po kami maya-maya." tugon ni Karen.

----------

"Ang bait talaga ng nanay mo no, isipin mo, pinaghanda pa tayo ng pagkain." sambit ni Edward.

"Ganun talaga 'yun. Kahit na walang okasyon naghahanda 'yun palagi." tugon ni Karen.

"Alam mo, ang swerte mo sa nanay mo. Kasi, mahal na mahal ka niya. Eh 'yung nanay ko, ni isang tawag wala akong natatanggap. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa kanya sa States eh." sambit ni Edward.

"Nasaan ba 'yung nanay mo?" tanong ni Karen.

"She's in California. Matagal na siyang nasa abroad. It's been a while since nung last siyang umuwi dito." tugon ni Edward.

"Eh 'yung dad mo?" tanong ni Karen.

"He died when I was a kid. He died in a lung cancer. Buti nalang na nandito pa rin si Mama para samahan ako." tugon ni Edward.

"Alam mo, maswerte ka pa rin, Edward. Kasi meron ka pa ring nanay. Meron ka pa ring natitirang magulang." sambit ni Karen.

"'Yun nga eh. Pero mas maswerte ako sayo, dahil naging hon kita." tugon ni Edward.

"Ayun, nako, eto na. Humugot na. Lab na lab mo talaga ako, ano?" sambit ni Karen.

"Of course, hon. I will always love you until I die." tugon ni Edward.

"Me too, hon. Tutuparin ko ang pangako ko sa 'yo." sambit ni Karen.

Magkalapit na sina Edward at Karen sa isa't-isa ngunit bigla itong nasira dahil biglang sumingit si Janice.

"Ay ma'am, sir, ready na po ang pagkain ninyo." sambit ni Janice.

"Hay nako, Janice. Okay na sana eh." tugon ni Edward.

"Ay naku, sir, sorry po. Pasensya na po." sambit ni Janice.

"No, no. It's okay. C'mon, Karen. Let's eat." tugon ni Edward.

----------

"Nay, natanong niyo na po ba kay Tatay kung sino 'yung babaeng nasa litrato?" tanong ni Leslie.

"Hindi pa anak eh. Hahanap muna ako ng magandang tiyempo." tugon ni Magda.

Natahimik sina Magda at Leslie nang biglang bumaba ng hagdan si Rico at nagsalita.

"Oh, ano bang pinag-uusapan ninyo dyan? Ano 'yang tiyempo-tiyempo na naririnig ko?" tanong ni Rico.

"Ah, Rico. May gusto lang sana akong itanong sayo." tugon ni Magda.

"At ano naman 'yon?" tanong ni Rico.

"Ah, inutusan ko kasi kahapon si Leslie na maglinis. Eh, sinabi ko sa kaniya na linisin niya ang kwarto mo. Nakita ni Leslie ang litrato ng isang babae. Kilala mo ba kung sino ang babaeng 'to?" tanong ni Magda habang pinapakita ang litrato ng babae.

Natahimik si Rico. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now