Chapter 111: Eskapo

2 0 0
                                    

Hindi pa tapos magbilang ng pera si Vicky nang biglang lumapit ang lalaking nakatingin sa kanila kanina.

"Hoy, holdap 'to! Ibigay ninyo sa akin ang mga pera ninyo! Kung hindi, sasaktan ko 'tong apo mo!" sambit ng lalaki.

"Ano? Anong holdap? Hindi pwede! Hindi mo pwedeng kunin ang pera namin! Ito na lang ang meron kami! At tsaka, anong apo? Excuse me, anak ko siya!" tugon ni Vicky.

"Wala akong pakialam sa inyo. Akin na 'yang pera mo kung ayaw mong mawalan ka ng anak!" sambit ng lalaki habang itinututok ang kutsilyo sa kanilang mag-ina.

"Hayop kang demonyo ka! Hindi ako papayag na kunin mo 'to! Pera namin 'to!" sambit ni Roxanne.

"Wala akong pakialam! Akin na 'yan kung ayaw niyong maging duguan!" tugon ng lalaki at dali-daling tinangay ang pera nina Roxanne at Vicky.

"Nay, paano na tayo? Wala na tayong pera! Wala na tayong mapupuntahan!" sambit ni Roxanne.

"Kasalanan 'to lahat nila Karen! Kung hindi nila tayo pinalayas, edi sana, hindi tayo mahihirapan ng ganito. Hindi tayo magdurusa ng ganito. Humanda sila. Humanda silang lahat sa panibagong delubyong paparating sa kanila. At sisiguraduhin kong magdurusa silang lahat." tugon ni Vicky.

—————

"Oh, nay, Roxanne, napadalaw kayo?" tanong ni Fred.

"Oo, anak. Napadalaw talaga kami. May bad news kami sa'yo." tugon ni Vicky.

"Bad news? What bad news?" tanong ni Fred.

"Napalayas na kami sa bahay, kuya. At guess what kung sinong nagpalayas sa amin?" tugon ni Roxanne.

"S-sino?" tanong ni Fred.

"Edi si Karen at 'yung letse niyang pinsan na si Bella. Alam mo kuya, malakas talaga ang kutob ko na may kasabwat sila. Hindi naman nila magagawa 'yon kung wala silang kasabwat." tugon ni Roxanne.

"Ano? Hindi pwede 'to! Pinaghirapan natin na mabili 'yung bahay na 'yon tapos makukuha nila ng ganun-ganun na lang? Hindi pwede. Hindi ako papayag na mangyari 'to. Ano bang plano niyo?" sambit ni Fred.

"Plano naming itakas ka rito sa kulungan. Pero, hindi pa namin alam kung pano ka namin itatakas. Mag-iisip kami ng paraan." tugon ni Vicky.

"May alam akong paraan. At sigurado ako na gagana 'tong planong 'to. Sa Biyernes, may hearing ako. At 'yun na lang ang nakikita kong paraan para maitakas ninyo ako. May mga pulis na nakapaligid sa akin kaya kailangan ninyo ang tulong ng mga tauhan natin." sambit ni Fred.

"Well, I think that's a good idea para maitakas ka namin. Pero kuya, kailangan namin siyempre ng matutuluyan muna. Wala na kaming mapupuntahan. Kagabi nga, para kaming mga basang sisiw dahil nandun kami sa gilid ng daan natulog." tugon ni Roxanne.

"Well, may kakilala akong pwedeng tumulong sa inyo. Si Joel. Kaibigan ko siya. Alam ko ang address niya at pwedeng-pwede ninyo siyang puntahan. Bestfriend ko siya kaya alam kong patutuluyin niya kayo sa bahay niya. Kailangan niyo rin ng tulong niya para maitakas ninyo ako rito." sambit ni Fred.

"Well, I think that's a good idea. Mabuti na lang at nadala ko pa 'tong cellphone ko. Ilagay mo na lang dito 'yung address." tugon ni Roxanne.

—————

Sumapit na ang gabi. Patuloy pa rin sa paglalakad sina Roxanne at Vicky. Mukhang narating na yata nila ang address na ibinigay ni Fred.

"Ayan nay, mukhang eto na yata 'yung bahay ng kaibigan ni kuya. Sigurado ba siyang matutulungan niya tayo? Baka palayasin din tayo no'n katulad ng ginawa sa atin ni April." sambit ni Roxanne.

"Pwede ba ha, 'wag ka ngang maging nega. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukang lumapit sa kaniya. Malay mo, may maitulong din pala siya sa atin." tugon ni Vicky.

"O sige na, katukin na natin 'yung gate." ani Roxanne.

Sinubukang katukin ni Roxanne ang gate ng bahay ng kaibigan ni Fred. Kaagad naman silang pinagbuksan ni Joel.

"S-sino kayo?" tanong niya.

"Ikaw ba si Joel?" tanong ni Roxanne.

"Oo, ako nga. Anong kailangan ninyo?" tugon ni Joel.

"Ako ang kapatid ni Fred Villanueva. Ako si Roxanne Villanueva, at eto naman si Vicky, nanay ko. Well, ang sabi kasi ni kuya, ikaw lang daw ang makakatulong sa amin na maitakas siya sa kulungan. So ano, tutulungan mo ba kami?" tanong ni Roxanne.

—————

"Naku, anak, ang ganda-ganda naman ng napili mong gown. Kasing ganda mo." sambit ni Magda.

"Nay, siyempre, maganda po ito dahil galing sa inyo. Nay, maraming salamat po sa inyo dahil sa debut na ibibigay ninyo po sa akin." tugon ni Leslie.

"Anak, wala 'yun. Gusto lang naming bumawi sayo dahil sa pagiging mabuting anak mo. At tsaka, syempre magiging 18 ka na! Kailangan mong mag-debut!" sambit ni Rico.

"Oo nga anak, tsaka, imbitahan mo ang lahat ng mga kaibigan mo. Ayos lang sa amin. Gusto ko na maging masaya ka sa araw ng debut mo." dagdag pa ni Magda.

"Salamat po, nay at tay. Salamat po sa inyo." tugon ni Leslie.

—————

"Well, dadalhin si kuya sa hearing ng kaso niya sa Biyernes, and I want you to help us na maitakas siya. Well, I'm sure na dadalhin siya sa korte gamit ang police car. Kailangan nating harangan ang police car para maitakas si kuya." sambit ni Roxanne.

"Pwede, pwede. Ayos 'yan. Sa wakas, makakalaya na rin ang kaibigan ko." tugon ni Joel.

"Joel, sigurado bang pwede kaming tumuloy dito sa bahay mo? Pasensiya ka na talaga ha, pinalayas kasi kami sa bahay namin." tanong ni Vicky.

"Ay, opo. Welcome po kayo rito. May dalawang kwarto pa po na bakante rito sa bahay. Pwede po kayong mag-stay." tugon ni Joel.

"Salamat, Joel. Thank you for welcoming us." ani Vicky.

—————

Biyernes na. Ito na ang araw na isasagawa nila ang plano nila.

"Ano, handa ka na ba, Joel?" tanong ni Roxanne.

"Of course, Roxanne. Tara na. Puntahan na natin sila. Sundan na natin ang police car." tugon ni Joel.

Kaagad silang sumakay sa sasakyan at sinundan ang police car. 'Di nagtagal, hinarang nila ang police car dahilan upang tumigil ito.

"Anong nangyayari?" tanong ng pulis na kasama ni Fred sa loob ng sasakyan.

Mukhang alam na ni Fred ang mangyayari. Mukhang alam niya na sina Roxanne at Vicky na ang humarang sa kanila.

Biglang bumaba si Joel, Vicky, at Roxanne sa loob ng sasakyan. Bumaba rin ang mga pulis upang tanungin sila kung bakit sila humarang.

'Di nagtagal ay pinaulanan nilang tatlo ng bala ang mga pulis. Napatumba nila ang lahat ng mga ito.

Dali-daling pinuntahan ni Roxanne si Fred sa loob ng police car. Binuksan niya ang pinto nito.

"You're finally free, kuya!" nakangiting sambit ni Roxanne.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now