Chapter 56: Muling Pagkikita

9 3 0
                                    

"Seryoso ka? Ha? Anak, alam mo namang mahal na mahal ng kapatid mo si Edward. Pero, bakit mo pa rin ginawa 'yon?" tanong ni Vicky.

"Mama, pinalayas niya si Roxanne nung malaman nila ang totoong pagkatao niya. Tinuruan ko lang naman ng leksiyon ang lalaking 'yon. Dapat lang 'yon sa kaniya." tugon ni Fred.

—————

"O ano, friend? Ano nang balita sa 'yo? Anong lasa ng kape mo?" tanong ni Mystie kay Roxanne.

"Pwede ba ha, tigilan mo 'ko, Mystie. Baka sa 'yo ko pa 'to maibuhos." tugon ni Karen.

"Ay wow, grabe siya, oh! Alam mo, friend, chill ka lang. 'Wag mo masyadong sineseryoso 'yung mga problema mo sa life. Baka, magka-wrinkles ka n'yan." sambit ni Mystie.

"Well, paano ako magchi-chill? Eh until now, they still can't find Edward. Hindi ko alam ang gagawin ko. At isa pa 'tong kapatid ko. Siya ang dahilan kung bakit nawawala pa rin si Edward hanggang ngayon." tugon ni Karen.

"Alam mo, puro ka Edward. Wala ka na bang ibang sasabihin kundi Edward?" tanong ni Mystie.

"Eh, sorry naman. Alam mo naman kasi na, lab na lab ko si Edward." tugon ni Karen.

"Lab mo nga, pero, lab ka ba?" tanong ni Mystie.

"Alam mo, Mystie, kung mang-aasar ka, pwede ba, umalis ka na nga!" tugon ni Karen.

"Well, friend, alam ko na stressed na stressed ka dahil sa pagkawala ni Edward. Alam mo, may suggestion ako d'yan. Bakit hindi nalang tayo magpamasahe sa spa?" tanong ni Mystie.

"Mystie, alam mo namang wala pa akong pera ngayon, 'di ba? Pass muna 'ko." tugon ni Karen.

"Sayang, ililibre pa naman kita ng spa at ng lunch. Well, kung ayaw mo, 'wag na lang." sambit ni Mystie.

"Libre mo? Ay naku, alam mo, parang kailangan ko nga talaga ng masahe! Parang ang sakit nga ng katawan ko ngayon, e." tugon ni Karen.

"So ano, sasama ka na?" tanong ni Mystie.

"Well, libre mo naman so why not?" tugon ni Karen.

"Ayan tayo, e. Basta libre, sama." ani Mystie.

—————

"Nay, tay, thank you po kasi sinama niyo kaming mamasyal ni Leslie." sambit ni Roxanne.

"Oo naman, anak. Eh siyempre, alam mo naman na stressed ka kaya naisipan namin kayong isama." tugon ni Magda.

"Eh, anak, ano na bang balita kay Edward?" tanong ni Rico.

"Hindi ko pa po alam, tay. Wala pa po akong balita." tugon ni Roxanne.

"Naku, ate, e, paano naman kung makita na nila si Edward?" tanong ni Leslie.

"Alam mo, hindi ko rin alam eh. Mukhang, walang balak na magsabi ng balita 'yan si tita Rita." tugon ni Roxanne.

"Anak, kung ayaw niyang magsabi, hayaan na natin siya. Pero, makakahanap rin tayo ng paraan para makibalita sa kanila. At sigurado ako na sasabihin ni Rita ang tungkol kay Edward kapag nahanap na siya." sambit ni Magda.

"Naku, nay, sana nga po. Sana nga ay magsabi si tita. Hindi na po ako mapakali. Gusto ko na pong makita si Edward." tugon ni Roxanne.

"Nak, huwag kang mag-alala, makikita mo rin ang asawa mo." ani Magda.

"O siya sige, halika na. Mamalengke na tayo. Marami pa tayong bibilhin." sambit ni Rico.

"Sige po, tay. Halika na po." tugon ni Roxanne.

—————

"Hay nako, ano ba ito, ang dami-dami namang dapat bilhin! Pang sampung taon na ata ito!" sambit ni Vicky habang siya ay namamalengke.

Hindi namalayan ni Vicky na malapit sa kaniya sina Rico at ang kaniyang pamilya na namimili rin.

"Rico, ikaw muna dito, magbabanyo lang ako." sambit ni Magda.

"Nay, sama po ako." dagdag ni Leslie.

"Ako rin po." ani Roxanne.

"O sige, magbanyo muna kayo. Dito lang ako." tugon ni Rico.

Pagkatapos ay kaagad silang nagtungo sa banyo. Naiwan naman si Rico na namimili ng prutas at gulay.

Hindi namalayan ni Rico na naroon din si Vicky. Aksidente niyang nabangga ito.

"Ay miss, sorry." kaagad na sambit ni Rico.

"R-Rico?" tanong ni Vicky.

"Vicky, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Rico.

"N-namimili. Bakit, bawal ba?" tanong ni Vicky.

"Hindi, tinatanong ko lang." tugon ni Rico.

"R-rico, pwede bang, tayo na lang ulit? Iwanan mo na 'yang asawa mo. Iwanan mo na si Magda." sambit ni Vicky.

"Vicky, hindi pwede. Siya ang totoo kong asawa. Hindi ko siya pwedeng iwan." tugon ni Rico.

"Rico please, ako na lang ulit. Magbabago na ako. Magpapakabait na ako. Rico, please give me a second chance." sambit ni Vicky.

"Vicky, bitiwan mo ako. I'm sorry." tugon ni Rico.

"Rico, please, give me another chance. Magiging mabait na ako. Magiging mabuti na ako." sambit ni Vicky.

"Vicky, bitiwan mo ako. Baka makita ka ni Magda, baka magalit pa siya sayo." tugon ni Rico.

Pagkatapos magbanyo nina Magda, muli niyang binalikan si Rico. Nagtaka siya kung bakit naroon si Vicky.

"Rico? Vicky? Anong nangyayari dito?" tanong ni Magda.

"Ah, hi Magda! Well, nandito lang naman ako dahil gusto kong humingi ng second chance kay Rico." tugon ni Vicky.

"Second chance? Sa tingin mo, pagbibigyan ka pa niya?" tanong ni Magda.

"Alam mo Magda, ang yabang-yabang mo! Kaya hindi ako magtataka kung iniwan ka noon ni Rico. Masyado kang ma-pride!" tugon ni Vicky.

"Alam mo, Vicky, tigilan mo na ang asawa ko. Kapag hindi mo siya tinigilan, ako mismo ang magpapakaladkad sayo rito!" sambit ni Magda.

"Hindi ako natatakot sa 'yo! Edi sige, ipakaladkad mo! Pero ito ang tandaan mo ha, hindi pa tayo tapos!" tugon ni Vicky at biglang nagwalkout.

"Talagang hindi pa!" sigaw ni Magda.

"Magda, tama na. Tigilan niyo na 'yang away-away na 'yan. Hindi 'yan makakabuti para sa atin." sambit ni Rico.

"Eh nakakainis kasi siya, e! Basta kapag inagaw ka niya sa akin, ako na mismo ang makakalaban niya!" tugon ni Magda.

"O sige na, sige na. Halika na, umalis na tayo rito. Sa iba na lang tayo mamili." sambit ni Rico.

"Halika na nga." tugon ni Magda.

Nakita ni Vicky na umalis ang pamilya ni Rico sa loob ng supermarket.

"Huwag kang mag-alala, Rico. Darating ang panahon, mababawi rin kita kay Magda. At kapag nangyari 'yon, gagawin ko ang lahat para sirain ang buhay nilang mag-iina." bulong ni Vicky sa kaniyang sarili.

To be continued...

The SwitchKde žijí příběhy. Začni objevovat