Chapter 97: Sino si Nerissa?

1 0 0
                                    

Natakot si Olivia dahil malapit na silang mabangga ng malaking truck! Kaagad niyang hinawakan ang manibela at kaagad niya itong iniliko! Nakailag ang sasakyan nila sa malaking truck!

Napabuntong-hininga na lamang silang dalawa nang makaligtas sa bingit ng kamatayan.

"Oh my gosh, thank you so much, mommy! You're a savior!" sambit ni Joana.

"Alam mo, kasalanan mo kasi 'to eh! Kundi ka ba naman sira ulo, bakit ka ba kasi nagpumilit magmaneho kahit na mainit ang ulo mo?" tanong ni Olivia.

"Sorry na. Hindi ko naman talaga gustong gawin eh. Nadala lang ako ng emosyon ko. Naiinis ako kay Leslie. Naiinis ako sa sarili ko." tugon ni Joana.

"Ewan ko sayo. Ako na nga lang magmamaneho. Magpalit na tayo. Sa ayaw at sa gusto mo, ako ang magmamaneho ng sasakyan. Maaaksidente tayo sa ginagawa mo, eh. Sige ka, baka mapunta tayo sa impyerno." sambit ni Olivia.

"Mommy naman, pwede ba? 'Wag ka na ngang magbiro! Sorry na nga eh!" tugon ni Joana.

—————

"Grabe Nay, galit na galit po si Joana. Halos sabunutan na nga niya po ako kanina eh. Buti na lang po at dumating kayo para pigilan siya." sambit ni Leslie.

"Oo naman, anak. Parati lang kaming nandito para sayo." tugon ni Magda.

"Pero bes, infairness ha, ang galing-galing mo kanina! Nagpalakpakan lahat ng mga tao! Congrats, bes!" sambit ni Mindy.

"Salamat, Mindy. Alam niyo, hindi ko naman 'to magagawa kundi dahil sa inyo eh. Kayo ang naging lakas ko." tugon ni Leslie.

"Grabe, I can't believe na nanalo sa beauty pageant ang little sister ko. Congratulations, Leslie." dagdag pa ni Karen.

"Salamat, ate."

—————

"Oh, anak, bakit naman parang bihis na bihis ka? San punta mo?" tanong ni Vicky sa anak.

"Well, Nay, I just want to visit my dearest friend, Mystie. Gusto ko talagang ma-siguradong patay na nga talaga siya. Bibisitahin ko ang puntod niya." tugon ni Roxanne.

"Ano? Bakit?" tanong ni Vicky.

"Nay, napanaginipan ko kagabi si Mystie. Ewan ko, pero parang totoo. Natatakot ako. Pero alam ko sa sarili kong panaginip lang 'yon." tugon ni Roxanne.

"Anak, sigurado ka ba sa gagawin mo? Talagang pupuntahan mo si Mystie sa puntod niya?" tanong ni Vicky.

"Oo nga, Nay. Sige na, aalis na 'ko." tugon ni Roxanne.

"Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Vicky.

"'Wag na. Kaya ko na mag-isa. Alis na 'ko." tugon ni Roxanne.

Matapos magpaalam ni Roxanne sa kaniyang ina ay kaagad na siyang umalis at nagtungo sa sementeryo.

"Mystie, bwisit ka talaga. Pwede ba, 'wag mo na 'kong takutin. Alam ko namang patay ka na talaga. Alam ko namang panaginip lang 'yon. Pero gusto ko lang masiguradong patay ka na." bulong ni Roxanne sa kaniyang sarili habang papasok ng sementeryo.

Pagkapasok ng sementeryo ay naglakad-lakad si Roxanne at hinanap niya ang puntod ni Mystie. Makalipas ang ilang minuto, nakita niya na ang puntod ni Mystie. Ngunit, nang lumapit siya, may nakita siyang isang babaeng umiiyak sa harapan ng puntod ni Mystie. Kaagad niyang nilapitan ang babae.

"S-sino ka? Anong ginagawa mo rito sa puntod ni Mystie?" tanong ni Roxanne sa babae.

Nakatalikod ang babae kay Roxanne. Nang marinig niya ang boses ni Roxanne, unti-unti siyang humarap dito. Unti-unting nakilala ni Roxanne ang babae.

The SwitchWhere stories live. Discover now