Chapter 145: Death

2 0 0
                                    

"Dok, ano na pong lagay ng asawa ko? Kamusta na po siya?" muling tanong ni Nerissa.

Huminga ng malalim ang doktor.

"Ma'am, successful po ang operasyon niya. Mabuti na lang po at naagapan kaagad." nakangiting sambit ng doktor.

"T-talaga po, doc? Naku, maraming salamat po! Salamat po dahil iniligtas niyo ang asawa ko! Maraming salamat, doc!" nakangiting tugon ni Nerissa.

"Sige po, ma'am. Ililipat na po namin siya sa regular room, at pagkatapos, pwede niyo na po siyang puntahan." sambit ng doktor.

"Sige po, doc, maraming salamat po ulit!" tugon ni Nerissa.

"Tita, narinig mo 'yun? Okay na si tito Nelson! Sabi ko naman sayo, eh!" sambit ni April.

"Tama ka, April. Okay na siya! Malapit na siyang gumaling!" nakangiting tugon ni Nerissa.

"Sabi ko naman po sa inyo, tita. Gagaling po si tito." ani April.

—————

"Beh, kamusta ka na? Alam mo, nag-alala ako ng sobra sayo. Buti na lang, naging maayos ang operasyon. Buti na lang, malapit ka na maging okay." sambit ni Nerissa habang nakaupo sa tabi ni Nelson.

"Oo nga po, tito. Nag-alala po ng sobra si tita sa inyo. Akala nga po namin..."

"April, 'wag mo nang ituloy. Ang mahalaga, magaling na si beh." sambit ni Nerissa.

"Oo nga po, tita." tugon ni April.

"Ay April, bibili sana ako ng pagkain. Pwede mo ba akong samahan?" tanong ni Nerissa.

"Ay, opo. Sige po. Pero, papaano po si tito Nelson?" tugon ni April.

"Okay lang 'yan, April. May mga nurse naman na nagbabantay. Gusto ko kasing bumili ng maraming pagkain para sa kaniya. Para pagkagising niya, makakakain na siya ng marami, at para, unti-unti na siyang lumakas." sambit ni Nerissa.

"Sige po, tita. Sasamahan ko po kayo. Nagugutom na rin po kasi ako eh." tugon ni April.

"O siya sige na, halika na. At nang makakain na rin tayo." sambit ni Nerissa.

—————

"Oh, kambal? Bakit parang malungkot ka? Okay ka lang ba?" tanong ni Leslie nang makita niyang malungkot si Sabrina.

"Kambal, nag-aalala lang kasi ako kay mommy. Pero mas nag-aalala ako kay ma'am Nerissa. Kawawa naman siya. Nasa ospital ang asawa niya nang dahil lang kay mommy." tugon ni Sabrina.

"Kambal, 'wag kang mag-alala. Alam kong kakayanin ni tita Nerissa at tito Nelson 'to. And sigurado akong, hindi sila pababayaan ng Diyos." sambit ni Leslie.

"Sana nga, kambal. Pero, hindi ko pa rin talagang maiwasang mag-alala eh. Hindi ko pa rin maiwasang isipin sila." tugon ni Sabrina.

"Eh kung, tawagan ko kaya si tita Nerissa? Alamin natin kung anong kondisyon ni tito Nelson? Para naman, hindi ka na mag-alala masyado." sambit ni Leslie.

"Sige, kambal. Tawagan natin sila. Sana naman, may magandang balita." tugon ni Sabrina.

"Sige, tatawagan natin sila." ani Leslie at kinuha ang kaniyang telepono.

Makalipas ang ilang saglit, sumagot na sa kaniya si Nerissa.

"Hello po, tita Nerissa? Kamusta na po? Ano na po bang lagay ni tito Nelson? Okay na po ba siya?" tanong ni Leslie.

"Hello, Leslie! Mabuti at napatawag ka! Good news, magaling na ang tito Nelson mo! Successful ang kaniyang operation! Sa totoo nga, dinala na siya sa private room. Nagpapahinga siya ngayon." tugon ni Nerissa.

The SwitchWhere stories live. Discover now