Chapter 90: Body Switching

5 1 0
                                    

Kaagad nagtungo si Roxanne sa 3rd floor. Sumakay siya ng elevator.

"Humanda ka nang peste ka. Room 314. It's your time to die." bulong ni Karen sa kaniyang sarili.

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin si Roxanne sa ikatlong palapag ng ospital. Kaagad niyang hinanap ang kwarto ni Karen.

"312, 313, 314... andito na 'ko, Karen. Humanda ka na." bulong muli ni Karen.

Marahang binuksan ni Roxanne ang pintuan. Sa una, sinilip niya kung sino ba ang naroon sa loob ng kwarto. Nakita niya na kasama ni Karen si Leslie.

"Madali lang 'to. Si Leslie lang naman pala eh." sambit niya.

Inilabas ni Roxanne ang kaniyang maliit na kutsilyo. Bigla siyang pumasok sa kwarto ni Karen.

"R-Roxanne?" tanong ni Leslie.

"Oh, yes, Leslie. I am back! Hindi pa ako tapos sa inyo ng ate mo. Mabuti na lang talaga at wala ang nanay at tatay niyo. And now, magagawa ko na ang plano ko para sa inyo." tugon ni Karen.

"Hayop ka, Roxanne! Tigilan mo na kami! Lubayan mo na kaming lahat!" sigaw ni Roxanne.

"Well, lulubayan ko rin kayo. But not for now. Uunahin muna kitang patayin Karen bago ko 'to gawin." tugon ni Karen.

"Hayop ka, hindi ka magtatagumpay sa plano mo!" sigaw ni Leslie.

"Tumahimik ka, Leslie! Alam mo, naririndi na 'ko sayo!" tugon ni Karen.

"Hayop ka, Roxanne. Kahit kailan, 'di ka magtatagumpay!" sigaw pa ni Leslie.

"Ah, 'di ka tatahimik? Pwes, etong sayo!" kaagad kinuha ni Karen ang isang maliit na flower vase at ipinukpok ito sa ulo ni Leslie. Kaagad siyang nawalan ng malay.

"Hayop ka talaga! Anong ginawa mo sa kapatid ko?" tanong ni Roxanne.

"Well, pinatahimik ko lang siya. Masyado na kasi siyang nakakarindi. Well, kung ako sayo, tanggalin mo na 'yang dextrose mo. Dahil ako na mismo ang magdidischarge sayo dito sa ospital na 'to." tugon ni Karen.

Hinawakan ni Karen ang kaniyang dextrose. Hindi niya hahayaang may gawin sa kaniyang masama si Roxanne.

"Alisin mo 'yang kamay mo! Akin na, tatanggalin ko 'yang dextrose mo!" sigaw ni Karen at pinipilit na tanggalin ang kamay niya sa dextrose. Maya-maya pa ay tinanggal niya ng pwersahan ang dextrose. Napaaray si Karen sa sakit.

"Aray ko! Walanghiya ka! Anong gagawin mo sa akin?" tanong ni Roxanne.

"Halika, sumama ka sa 'kin!" tugon ni Karen at itinutok ang kutsilyo sa kaniya.

"Kung hindi ka sasama, kikitilan kita sa leeg!" dagdag pa ni Karen.

"Huwag!" tugon ni Roxanne.

"O pwes, sumama ka sa akin! Halika, magtuos tayo!" sambit ni Karen.

Tinutukan ng kutsilyo ni Roxanne si Karen kaya naman ay 'di na ito nakapalag. Walang nagawa si Karen kundi ang sumama kay Roxanne. Kahit na, natatakot siya, kailangan niyang gawin ito para matapos na ang kasamaan ni Roxanne.

Dinala ni Roxanne si Karen sa rooftop ng ospital. Doon niya ito balak patayin. Ngunit kinandado ni Roxanne ang pinto na siyang entrance ng rooftop.

"Well, well, well, Karen, dito na kita papatayin at dito ka na mamamatay!" sambit ni Karen nang ilabas niya ang kaniyang baril.

"Hindi ako papayag na patayin mo 'ko. Hindi ako pwede mamatay." tugon ni Roxanne.

"Pwede! Eto na nga oh, gagawin ko na!" sigaw ni Karen.

The SwitchWhere stories live. Discover now