Chapter 32: Masamang Plano

8 4 2
                                    

"Nikko? Simple lang ang tanong ko. May gusto ka ba kay Leslie?" pag-uulit ng tanong ni Joana.

"W-wala. Wala. Wala akong gusto kay Leslie." tugon ni Nikko.

"Wala pala eh. Eh bakit masyado kang overprotective sa kanila?" tanong ni Joana.

"Because they are my friends! Pwede ba, Joana? Tigilan mo nga 'yang mga pagdududa mo! Hindi mo ikakauunlad 'yan!" tugon ni Nikko at nagwalkout.

"Nikko, wait! Nikko, where are you going?" sigaw ni Joana.

"Aalis muna 'ko. 'Wag mo na muna akong sundan!" ani Nikko.

Wala na lang magawa si Joana kundi ang hayaan na lamang na umalis si Nikko.

—————

"So, what's your plan?" tanong ni Fred.

"Nasabi ko na sayo kanina, 'di ba?" ani Karen.

"Oo nga pala. So, sinong magpapanggap bilang ispiritista mo?" tanong ni Fred.

"'Yung kaibigan ko. Si Gina. Actually, totoong ispiritista siya. But, I told her na 'wag gawing successful ang pagpapalit namin ng katawan ni Karen." tugon ni Karen.

"Are you really sure sa gagawin mo?" tanong ni Fred.

"Oh, yes, kuya. I'm pretty sure na mawiwindang si Karen dito sa gagawin ko. I can't wait to make her life suffer." tugon ni Karen.

"Bahala ka sa buhay mo. Basta 'wag na 'wag mo akong idadamay dyan ah." ani Fred.

"I'm sorry, kuya. Pero, damay ka na. I need you to help me succeed on my plans. Kailangan kita, kuya." tugon ni Karen.

"What? Bakit? Ano bang balak mo?" tanong ni Fred.

"Ang sirain ang buhay ni Karen. Kaya kuya, kailangan kita. Kailangan ko kayo ni Nanay. Kaya kung ako sayo, tawagan mo na siya at sabihin mong, bumalik na siya rito." tugon ni Karen.

"Are you sure? Hindi ka na ba galit sa kaniya?" ani Fred.

"Well, hindi na. Konti na lang. Kasalanan niya rin naman ang lahat kung bakit ako naaksidente. Well, I need you both para wasakin ang buhay ni Karen. May koneksiyon siya sa tatay ni Karen kaya mas mapapadali nating masira ang buhay niya." sambit ni Karen.

"Well, kung ganun, okay. Tatawagan ko na si Mama. Basta make sure na okay na kayong dalawa pagbalik niya," tugon ni Fred.

"Okay, sige. Tawagan mo na." ani Karen.

—————

"Ah, Miranda, nag-prepare na ako ng pagkain sa ibaba. Kumain ka lang kung gusto mo," sambit ni Vicky.

"Thank you, Vicky. Sige. Bababa na ako." ani Miranda.

Kaagad bumaba si Vicky sa hagdan at hinainan ng pagkain si Miranda. Biglang tumunog ang kaniyang telepono. Tumatawag si Fred.

"A-anak? N-napatawag ka?" tanong ni Vicky.

"Yes, Mama. Napatawag ako. Pinababalik ka na ni Roxanne dito sa bahay." tugon ni Fred.

"T-talaga, anak? O siya sige. Mag-aayos na ako para makabalik na ako d'yan." ani Vicky.

"Sige, Mama. We'll wait for you." sambit ni Fred at ibinaba ang telepono.

Kaagad bumaba si Miranda ng hagdan.

"Vicky, sinong kausap mo?" tanong ni Miranda.

"Ah, kausap ko 'yung anak ko. Pinababalik na nila ako sa bahay." tugon ni Vicky.

"Well, I think that's good. Sana magkaayos na kayo ng mga anak mo." ani Miranda.

"Sana nga, Miranda. Sige, halika na at kumain na muna tayo. Pagkatapos, saka na ako mag-eempake." sambit ni Vicky.

"Sige."

—————

"O anak, kamusta school?" ani Magda.

"Naku, Nay, medyo may problema po eh," tugon ni Leslie.

"Ha? Bakit?" tanong ni Magda.

"Medyo may nakaaway lang po ako. Pero 'wag po kayong mag-alala, nag-sorry naman na po siya." tugon ni Leslie.

Bumaba si Karen sa hagdan. Nakita niya ang damit ni Leslie na puno ng mantsa.

"Leslie, anong nangyari sa damit mo? Bakit puro mantsa 'yan?" tanong ni Roxanne.

"Ay, ate, wala 'to. Umiinom kasi ako kanina ng taho tapos may nakabangga sa akin. Wala lang 'to." tugon ni Leslie.

"O siya sige, magpalit ka na muna ng damit, anak." ani Magda.

"Sige po."

Bigla namang tumunog ang telepono ni Karen kaya naman ay kaagad niyang kinuha ito sa kaniyang bulsa. Tumatawag si Roxanne.

"Hello, Roxanne, napatawag ka?" ani Roxanne.

"Yes, Karen. Tinawagan talaga kita dahil may maganda akong balita sayo," tugon ni Karen.

"Talaga? Ano ba 'yon?" tanong ni Roxanne.

"Makakabalik na tayo sa katawan natin. May kakilala akong ispiritista na makakatulong na muling mag-body switch sa atin," tugon ni Karen.

"Talaga ba? Eh, anong plano?" tanong ni Roxanne.

"Kung pwede sana, pumunta ka rito sa bahay mamaya. At pagkatapos, pupuntahan natin 'yung ispiritista na makakatulong sa atin." tugon ni Karen.

"Sige, sige. Pupunta ako d'yan mamaya." ani Roxanne at ibinaba ang telepono.

"Oh, anak, sino naman 'yang kausap mo?" tanong ni Magda.

"Nay, si Roxanne po. Sinabi niya po sa akin na may kilala raw po siyang ispiritista na makakatulong sa amin," tugon ni Roxanne.

"Talaga? Eh, paano raw?" tanong ni Magda.

"Nay, 'yung ispiritista po na 'yun ang mag-sswitch sa amin ni Roxanne. Pupunta raw po ako mamaya sa bahay nila." tugon ni Roxanne.

"O sige, anak. Basta, mag-iingat ka. Alam mo naman na magkagalit kami ng nanay niya." sambit ni Magda.

"Opo, nay."

—————

"Sigurado ka na ba na aalis ka, Vicky?" ani Miranda.

"Oo, Miranda. Pinababalik na kasi ako ng mga anak ko sa bahay eh." tugon ni Vicky.

"O siya sige. Ready na si George. Ihahatid ka nalang niya." sambit ni Miranda.

"Salamat, Miranda. Sige, aalis na ako." tugon ni Vicky.

"Ingat ka."

—————

"Ano kuya, nasaan na raw si Nanay?" ani Karen.

"Malapit na raw." tugon ni Fred.

Napatingin si Roxanne sa pinto nang biglang tumunog ang doorbell. Binuksan niya ang pinto.

"Anak!" sambit ni Vicky sabay yakap sa anak.

"Anak, I'm sorry. Nagsisisi ako na umalis ako nung gabing 'yon. Hindi ka sana naaksidente." dagdag pa ni Vicky.

"Well, okay na 'yon. Pinapatawad na kita." sambit ni Karen.

"Salamat, anak!" tugon ni Vicky.

"Well, Nay, pinabalik kita rito dahil sa isang dahilan." ani Karen.

"Dahilan? Anong dahilan?" tanong ni Vicky.

"Mayroon tayong misyon na dapat gawin. And Nay, kailangan ka namin." tugon ni Karen.

"Misyon? Ano namang misyon 'yan?" tanong ni Vicky.

"Ang sirain ang buhay ng pamilya ni Karen." diretsong tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now