Chapter 135: Pag-asa

2 0 0
                                    

"Mama, n-nasa ospital po kayo. Nahimatay po kayo kanina." tugon ni Edward.

"H-ha? Nahimatay ako? B-bakit? Ano bang nangyari sa akin?" tanong ni Rita.

Nagkatinginan sina Karen at Edward. Sasabihin na ba nila ang totoo?

"Mama, n-nahilo lang po kayo kanina. 'Yun lang po. Siguro, dahil lang sa pagod." tugon ni Edward.

"S-siguro nga. Siguro nga dahil lang sa pagod kaya ako hinimatay. O siya sige na, ayoko na rito. Umuwi na tayo, anak." sambit ni Rita.

"Mama, kailangan niyo po munang magpahinga. Kailangan niyo pa pong mag-stay dito sa ospital." tugon ni Edward.

"Eh okay na nga ako, 'di ba? Ano bang meron? Bakit ayaw ninyo akong pauwiin? May tinatago ba kayo?" tanong ni Rita.

"M-mama, mas mabuti pa ho siguro kung itutuloy niyo muna ang pagpapahinga dito sa ospital. Dito, mas maaalagaan kayo ng mga doktor at nurse. Eh kung sa bahay, baka mapabayaan namin kayo." tugon ni Edward.

"Edward, why don't we get another maid? Bakit hindi na lang tayo mag-hire ng bago?" tanong ni Rita.

"Mama, mahirap nang maghanap ng mapagkakatiwalaan sa ngayon. Wala na si Janice, Ma." tugon ni Edward.

—————

"Bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa ang nawala, anak? Bakit?" lumuluhang sambit ni Vicky habang nakatingin siya sa picture frame ni Roxanne.

"Nawala na ang kapatid mo, pati ba naman ikaw, iiwan mo ako? Anak please, bumalik ka na! Bumalik ka na sa akin, Roxanne!" sambit pa niya.

"Pero kung talagang wala ka na, anak. Ayos lang. Babawi ako sa mga kaaway natin. Ako na lang mag-isa ang gagawa ng paraan upang maghiganti sa kanila. I want them to die. Wala akong pakialam kahit na makulong ako o mahuli, basta ang gusto ko, makaganti sa mga mortal nating mga kaaway." dagdag pa niya.

—————

May isang babaeng isinugod sa ospital. Dinala ito sa emergency room. Siya ang isa sa mga taong nawawala at kasalukuyan pang hinahanap.

"Huy, may babae raw na natagpuan?" tanong ng isang nurse.

"Oo nga, teka, hindi ba siya 'yung nawawala? Sandali nga, titignan ko lang sa listahan ng mga missing person." tugon pa ng isang nurse.

Tinignan ng babae ang listahan ng mga missing person. Tama ang hinala niya, isa sa nawawala ang babaeng isinugod sa ospital.

"Yna, siya nga 'yung nawawala. Siya si Magdalena Raymundo. Heto, may contact number na nakalagay. Tawagan natin."

"Sigurado ka, Ella?"

"Oo, sigurado ako. Siya nga 'to. Sandali, tatawagan ko lang."

Kaagad na tumawag si Ella gamit ang telepono ng ospital. Ginamit niya ang contact number na nakalagay sa ilalim ng pangalan ni Magda.

—————

"Hon, dito ka nalang muna. Bibili lang ako ng pagkain." sambit ni Karen kay Edward habang binabantayan niya si Rita.

"Sigurado ka?" tanong ni Edward.

"Oo, hon. Sige na. Malapit lang naman 'yung canteen." tugon ni Karen.

Lumabas si Karen sa kwarto ni Rita upang bumili ng kanilang makakain. Hindi niya napansin na naiwan niya ang kaniyang telepono sa loob ng kwarto.

Biglang tumunog ang kaniyang telepono. May tumatawag sa kaniya na isang unknown number. Narinig ni Edward na nagri-ring ang telepono kaya naman ay kinuha niya ito at sinagot.

"H-hello? S-sino 'to?" tanong ni Edward.

"Hello? This is Ella from St. Mary's Hospital. Uhm sir, may nakita po kasi kaming taong nawawala at ito po 'yung contact number na nakasulat. 'Yung natagpuan po kasi ay si Magdalena Raymundo. Tanong ko lang po sir kung kilala niyo po siya?" tugon ni Ella.

"Magdalena Raymundo? Siya 'yung matagal na naming hinahanap! N-nasaan siya ngayon?" tanong ni Edward.

"Nandito po siya sa St. Mary's Hospital, sir. Dinala po siya sa emergency room. Sinabi po sa amin na nakita siya sa isang bakanteng lote." tugon ni Ella.

"Sige miss, maraming salamat. Pupuntahan na namin siya." sambit ni Edward at kaagad na ibinaba ang telepono.

—————

"Talaga ba ha, Sabrina? Gusto mo silang makasama? Bakit? Hindi pa ba ako sapat para sayo?" tanong ni Martha.

"Mommy, they are my real family! Mommy, gusto ko silang makasama! Ang tagal ko silang hindi nakita! Kaya please, mommy! Payagan mo naman ako kahit isang beses lang!" tugon ni Sabrina.

"Okay, fine. I will let you visit your family, pero isang beses lang. And after that, aalis tayo. Babalik tayo ng abroad. Ayokong maagaw ka nila sa akin." sambit ni Martha.

"Mommy! Ano ba? Pwede ba ha, please stop being paranoid! It's not funny!" tugon ni Sabrina.

"Yes, it's not funny. At hindi rin ako nagbibiro. Aalis tayo sa bansang 'to. Ilalayo kita sa kanila." sambit ni Martha.

"Mommy, please. Stop it." tugon ni Sabrina.

—————

Makalipas ang ilang sandali, bumalik si Karen sa kwarto ni Rita na may dalang pagkain. Kaagad siyang sinalubong ni Edward.

"Hon, may tumawag dito kanina. May tumawag sa cellphone mo. Naiwan mo kasi 'Yung telepono mo kaya ako nalang ang sumagot. Hon, may nakakita na sa nanay mo. Buhay si tita Magda, buhay siya!" sambit ni Edward.

"A-ano? T-totoo ba 'yan, hon? Buhay si inay?" tanong ni Karen.

"Oo, hon. Nasa isang ospital siya. Sinabi na rin nung babae kung nasaang ospital si tita. Kailangan nating ipaalam 'to kina Leslie at sa tatay mo. Kailangan nating puntahan ang nanay mo!" tugon ni Edward.

"S-sige, hon! Sasabihan ko sila." ani Karen.

—————

"Oh, anak? Napabisita ka? At tsaka, bakit parang hingal na hingal ka? Anong nangyayari sayo?" tanong ni Rico kay Karen nang makauwi siya sa bahay.

"Tay, si inay, nakita na siya! Buhay si inay, buhay siya!" tugon ni Karen.

"A-ano? Ate, tama ba 'yung narinig ko? Buhay si nanay at nakita na siya?" tanong ni Leslie.

"Oo, Leslie. Tama ang narinig mo. Buhay siya! Buhay si nanay! Magkakasama na ulit tayo! At mas magiging masaya siya kung malalaman niyang nahanap na natin si Sabrina!" tugon ni Karen.

"Tama ka, ate. Magiging masaya siya." sambit ni Leslie.

"Eh, ano pang hinihintay natin? Bakit hindi pa natin puntahan si Magda?" tanong ni Rico.

"Alam ko po kung nasaan siya. Halika na po!" tugon ni Edward.

Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad nilang pinuntahan si Magda sa nasabing ospital. Pagkapasok sa ospital, kaagad nilang hinanap ang emergency room.

Makalipas ang ilang sandali, matagumpay nilang nahanap ang emergency room. Kaagad silang pumasok dito.

Pagkapasok ni Karen ay hinanap niya si Magda. Halos maiyak siya nang makita niya si Magda.

"N-nay?"

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now