Chapter 25: Birthday Surprise

13 2 0
                                    

Nang makaakyat si Karen sa kaniyang kwarto, kaagad niyang tinawagan ang ina upang konsultahin ito.

"Anak, napatawag ka?" tanong ni Magda.

"Nay, gusto ko lang po sanang itanong sa inyo kung bibigyan natin si Edward ng surprise birthday party. Kung ayos lang po sa inyo," tugon ni Roxanne.

"Sige, anak. Eh ano na bang plano mo?" tanong ni Magda.

"Nay, bukas po, mamamalengke po tayo hahang nasa trabaho si Edward, para po hindi niya malaman. Tapos bukas po ng gabi ang party pagkauwi niya." paliwanag ni Roxanne.

"O siya sige, anak. Sasamahan kita mamalengke bukas," ani Magda.

"Salamat po, Nay. Sige po, magpapahinga na po ako para po maaga akong magising bukas. I love you po, Nay." sambit ni Roxanne.

"I love you din, anak. Sige, matulog ka na." tugon ni Magda at ibinaba ang telepono.

Kinabukasan, maagang nagising si Karen. Kaarawan na ni Edward. At, balak niyang sorpresahin ito sa kaniyang pag-uwi mamayang gabi pagkagaling sa trabaho.

"Happy birthday, hon!" bati ni Roxanne.

"Salamat, hon! Naku, bakit parang ang saya mo?" ani Edward.

"Wala lang, hon. I'm just happy kasi birthday mo," sambit ni Roxanne.

"Thank you, hon. I love you." tugon ni Edward.

"I love you too, sige na, mag-ayos ka na para sa trabaho mo. Ipagluluto kita ng baon mo," sambit ni Roxanne.

"Talaga? Naku hon, thank you talaga. Salamat, salamat." tugon ni Edward.

Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas si Edward upang mag-ayos. Kaagad naman siyang binati ng kaniyang ina.

"Happy birthday, anak!" bati ng ina.

"Thank you, Ma." tugon ni Edward.

"'Wag kang mag-alala, anak. Hindi ko muna pasasakitin ang ulo mo. Hindi muna kami mag-aaway ni Karen para sa ikatatahimik mo," ani Rita.

"Salamat po, Nay. Sige po, mag-aayos na po muna ako para sa trabaho." tugon ni Edward.

"Sige, anak."

Maya-maya naman ay binati rin siya ni Janice.

"Happy birthday, sir!" ani Janice.

"Thank you, Janice." tugon ni Edward.

Pagkatapos noon ay kaagad siyang nagtungo sa banyo upang maligo.

Makalipas ang halos kalahating oras, tuluyan nang umalis si Edward patungong trabaho.

"Nay, nakaalis na po si Edward. Pupuntahan po namin kayo d'yan." ani Roxanne.

"Sige, anak. Hihintayin namin kayo," ani Magda.

Pagkatapos noon ay pumunta sina Karen at Janice kina Magda. Namalengke rin sila ng mga rekado para sa kanilang lulutuin.

"Naku, anak, sigurado akong matutuwa si Edward sa sorpresa mo sa kaniya," nakangiting sambit ni Magda.

"Kaya nga po nay, eh. Alam ko rin po kasing palagi siyang pagod sa trabaho kaya naman po naisipan ko siyang sorpresahin," tugon ni Roxanne.

"Naku, ma'am, ang swerte po talaga sa inyo ni sir. Sana, makahanap rin po ako ng katulad ninyong magmamahal sa akin." ani Janice.

"Huwag kang mag-alala, Janice. Makakahanap ka rin ng lalaking magmamahal sayo." tugon ni Roxanne.

"Sana nga po, ma'am." ani Janice.

Pagkatapos nilang mamalengke ay kaagad silang bumalik sa mansyon. Nakita naman ni Rita na nagluluto sila.

"Anong meron? Bakit nandito ka, Magda?" tanong ni Rita.

"Rita, pwede ba, ayoko munang makipagtalo sayo. Nandito kami dahil sosorpresahin namin si Edward pag-uwi niya mamaya." sagot ni Magda.

"Sorpresa? Sosorpresahin ninyo si Edward? Eh bakit, magugustuhan ba niya 'yan?" tanong ni Rita.

"Rita, ano bang problema mo? Kami na nga 'tong namili at nagluto tapos ganyan ka pa! Pwede ba, hayaan mo nalang kami!" inis na sambit ni Magda.

"Hoy, Magda, pwede ba, huwag mo nga akong sigawan! Pamamahay ko 'to, at wala kang karapatan na bastusin ako!" tugon ni Rita.

"Rita, hindi kita sinisigawan. Ikaw ang sumisigaw, ang gusto lang naman namin ay sorpresahin si Edward dahil alam namin na palagi siyang pagod sa trabaho. Anong masama dun?" ani Magda.

"Well, siguraduhin mong magugustuhan 'yan ni Edward." sambit ni Rita at tsaka biglang nagwalkout patungong kwarto.

—————

"Uy, bes! Ngayon na ang araw na ililibre tayo ni Nikko!" ani Mindy habang kausap si Leslie sa telepono.

"Kaya nga bes eh, ewan ko ba, para kasing nakakahiyang magpalibre kay Nikko, para kasing hindi pa naman kami masyadong magkakilala para ilibre niya 'ko," tugon ni Leslie.

"Ano ka ba, Les, hindi naman natin siya papagastusin ng mahal eh. Eh basta, gusto ko lang ulit makatikim ng libre," ani Mindy.

"O sige na nga, magbihis ka na. Pupuntahan kita d'yan sa inyo tapos tatawagan ko na si Nikko." sambit ni Leslie.

"Sige, sige, bes. See you!" tugon ni Mindy at ibinaba ang telepono.

Pagkatapos ng pag-uusap nina Leslie at Mindy ay kaagad lumabas ng kaniyang kwarto si Leslie. Nagpaalam siya sa kaniyang ama.

"Tay, alis po muna ako. May pupuntahan lang po kami ni Mindy." sambit ni Leslie.

"O sige, anak. Pero bumalik ka kaagad ng maaga ha. Pupunta tayo sa mansyon mamaya. May birthday party daw si Edward." tugon ni Rico.

"Sige po, Tay. Uuwi rin po ako." ani Leslie.

—————

"Bes, andito na 'ko sa labas ng bahay niyo, lumabas ka na d'yan!" sambit ni Leslie habang kausap si Mindy sa telepono.

"Eto na, bes!" tugon ni Mindy at dali-daling lumabas.

Nang makalabas ng bahay si Mindy, nakita niya si Leslie na nakatayo roon.

"Oh, bes? Bakit hindi ka nag-doorbell?" tanong ni Mindy.

"Eh, hindi na. Baka kasi may natutulog d'yan eh, baka maistorbo ko pa," tugon ni Leslie.

"Ano ka ba, bes. Ako lang ang tao rito. Nasa work sina mommy at daddy." ani Mindy.

"Ay ganun ba?" tanong ni Leslie.

"Huy, anong sabi ni Nikko? Saan daw niya tayo ililibre?" ani Mindy.

"Hindi ko nga alam eh. Teka eto, tatawagan ko. Wait lang." tugon ni Leslie.

Kinuha ni Leslie ang kaniyang telepono mula sa kaniyang bulsa. Tinawagan niya si Nikko.

"Hello, Nikko? Saan ba tayo kakain ngayon?" tanong ni Leslie.

"Kahit saan niyo gusto. Nasaan na ba kayo?" tugon ni Nikko.

"Nandito kami sa labas ng bahay ni Mindy. Hindi pa kasi namin alam kung saan tayo kakain eh," ani Leslie.

"Anong address ng bahay nila? Susunduin ko kayo." sambit ni Nikko.

"Naku, Nikko, huwag na. Okay lang kahit 'di mo na kami sunduin. Basta sabihin mo nalang kung saan tayo kakain." tugon ni Leslie.

"No, Leslie. Tell me the address na. Susunduin ko na kayo." ani Nikko.

"Okay, fine. Mukhang hindi naman kita mapipigilan eh. Nandito kami sa block 5, lot 2 ng Sunflower Village." sambit ni Leslie.

"Okay, sige. Pupuntahan ko kayo." tugon ni Nikko at ibinaba ang telepono.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now