Chapter 4: Siya o Ako?

31 3 0
                                    

"Po? Papaano nangyari 'yun? May kabit si papa?" sambit ni Leslie.

"Oo, anak. At limang buwan na sila. Sobra akong nagalit kanina nang malaman ko 'yon." tugon ni Magda.

Napaisip si Leslie. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng tatay niya.

"Nay, bakit po ba siya sumama sa babaeng 'yon?" tanong ni Leslie.

"Nak, hindi ko rin alam. Basta huwag mo na lang 'to sasabihin sa ate Karen mo. Baka mag-alala pa siya." tugon ni Magda.

"Sige po, Nay." sambit ni Leslie.

Kinagabihan, umiiyak pa rin si Magda habang nakatingin sa litrato ni Rico. Nakita siya ni Leslie na umiiyak.

"Nay, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Leslie.

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Magda.

"Pinangako sa akin ng tatay mo noon, na hinding-hindi niya ako iiwan. Na ako ang mamahalin niya habang-buhay. Pero ngayon, ano na? Ano nang nangyari sa pangako niya?" tugon ni Magda.

"Huwag po kayong mag-alala, Nay. Andito pa naman po ako. Kami ni ate Karen. Hindi po namin kayo iiwan." sambit ni Leslie.

Napatingin sina Leslie at Magda sa bintana nang may makita silang liwanag. Liwanag na nagmumula sa sasakyan.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng kanilang bahay, at naroon si Rico.

"Magda..." sambit ni Rico.

"Rico? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? Hindi ba, iniwan mo na kami at sumama ka na sa kabit mo?" tanong ni Magda.

"Magda, sorry. Patawarin mo ako." tugon ni Rico.

"Hindi! Hindi kita mapapatawad, Rico. Doon ka sa kabit mo!" sigaw ni Magda.

"Magda, please, huwag mo naman akong ipagtabuyan. Patawarin mo ako, please." tugon ni Rico.

"Rico, pumili ka. Mamili ka. Siya na kabit mo o ako na totoong asawa mo?" tanong ni Magda.

Hindi makasagot si Rico.

"Inuulit ko. Inuulit ko. Sino ang pipiliin mo? Ako, na totoong asawa mo o siya na kabit mo?" muling tanong ni Magda.

"M-magda, patawarin mo ako. S-sorry. S-sorry. Pero mas pinipili ko si Vicky." tugon ni Rico.

"Hayop ka! Hayop ka! Lumayas ka dito! Layas! Umalis ka na dito at huwag na huwag ka nang babalik! Leslie, kunin mo ang lahat ng gamit ng tatay mo!" sambit ni Magda.

"Opo, Nay." tugon ni Leslie at kinuha ang mga gamit ni Rico.

"Magda, please. Pag-usapan natin 'to." sambit ni Rico.

"Hindi na, Rico! Ano pa bang pag-uusapan natin? Mas pinili mo naman na siya 'di ba?" tugon ni Magda.

"Magda, sorry." sambit ni Rico.

"Nay, eto na po ang mga gamit ni tatay." sambit ni Leslie.

Kinuha ni Magda ang maleta ni Rico at ibinigay ito sa kaniya.

"Umalis ka na, Rico. Umalis ka na!" sambit ni Magda.

"Hindi. Hindi ako aalis! Hindi ko kayo iiwan!" tugon ni Rico.

"Mamili ka. Aalis ka, o ako ang aalis?" tanong ni Magda.

"Magda, hindi ako aalis dito. Dito lang ako!" tugon ni Rico.

"Sige, ako ang aalis!" sambit ni Magda.

"Hindi, Magda. Hindi! Walang aalis!" tugon ni Rico.

"Pwes, ikaw nalang ang umalis! Tutal, ipinagtabuyan mo naman na kaming pamilya mo sa buhay mo! Maluwag ang pinto, lumayas ka na!" sigaw ni Magda at itinulak si Rico papalabas ng bahay at sinaraduhan ito ng pinto.

Napaluha lalo si Magda. Naaawa siya kay Rico dahil pinaalis niya ito. Ngunit naisip niya na mas mabuti na lamang iyon para hindi na niya makita ang pagmumukha nito.

Walang nagawa si Rico kundi ang umalis. Muli itong sumakay sa sasakyan at muling bumalik sa bahay ni Vicky.

"Rico, bumalik ka?" sambit ni Vicky.

"Oo, Vicky. Pinaalis na ako ni Magda sa bahay namin. Pasensiya ka na at dito ako pumunta. Wala na kasi akong ibang matutuluyan eh." tugon ni Rico.

"It's okay, Rico. You don't have to worry. You are always welcome here in my house. Plus, wala naman dito ang mga anak ko dahil nandoon sila sa isa kong bahay." sambit ni Vicky.

"Salamat talaga, Vicky. Pinatuloy mo ako dito." tugon ni Rico.

"You're welcome. Wait lang at tatawagin ko lang si Yaya para iakyat ang mga gamit mo." sambit ni Vicky.

----------

"Anak, huwag na huwag mong sasabihin ito sa ate Karen mo na pinalayas ko ang tatay mo. Pwede ba 'yon, anak?" tanong ni Magda.

"Sige po, Nay. Pero bakit po ba ayaw niyong sabihin kay ate?" tugon ni Leslie.

"Kasi anak, ayoko nang mag-alala ang ate mo. Siyempre, meron na siyang sariling buhay. May asawa na siya. Ayoko nang makadagdag pa sa mga iniisip niya." paliwanag ni Magda.

"Pero Nay, pamilya pa rin po natin si ate. May karapatan pa rin po siya na malaman ang totoo." tugon ni Leslie.

"Hayaan mo, anak. Sasabihin ko rin ito sa ate mo sa tamang panahon. Hahanap lang ako ng tiyempo." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay. Hinding-hindi ko po ito sasabihin kay ate. Pero sana po, sabihin niyo rin po sa kaniya ang totoo." tugon ni Leslie.

"Oo, anak. Ako na ang bahalang magsabi sa kaniya." sambit ni Magda.

----------

Nakaupo si Karen sa kanilang sofa habang gumagamit ng iPad. Sakto namang bumaba si Edward.

"Hi hon, do you wanna go shopping?" tanong ni Edward.

"Shopping? Naku Edward, pasensya ka na. Medyo busy kasi ako ngayon eh. Alam mo na, maraming clients ang gustong bumili ng mga tinitinda ko sa online." tugon ni Karen.

"Please hon, pumayag ka na. It's been a while since nung last tayong nagshopping. I missed going at the mall. Para man lang makapag-unwind tayo kahit saglit." sambit ni Edward.

"Oh sige. Alam mo naman na malakas ka sa akin eh. Sige, tutal naman, matagal-tagal na rin 'yung last na shopping natin. Magbibihis lang ako saglit." tugon ni Karen.

"Thank you, hon. I love you." sambit ni Edward.

"I love you too, hon." tugon ni Karen.

----------

"Ang dami naman nating pinamili, magagamit ba natin lahat 'to?" tanong ni Karen.

"Of course, hon. At tsaka gusto rin kitang bilhan ng bagong TV para malagay natin sa kwarto. Medyo lumuluma na rin kasi 'yung TV natin eh." tugon ni Edward.

"Grabe, ang galante mo naman. Thank you, hon." sambit ni Karen.

"You're welcome. O siya sige, maiwan ka na muna dito. Ikaw muna bahala dito sa mga pinamili natin. Kukunin ko lang 'yung sasakyan sa parking and then wait for me dito sa may exit." tugon ni Edward.

"O sige. Ako na muna dito." sambit ni Karen.

Kaagad na nagpunta si Edward sa parking. Si Karen naman ay naglakad papunta sa may exit. Ngunit habang naglalakad si Karen ay may babae siyang nakabanggan. Nahulog ang ibang mga gamit na hawak ng babae.

"Ay miss, sorry. Pasensiya ka na. Hindi kasi kita nakita." sambit ni Karen.

Pinulot ni Karen ang mga gamit na nahulog na hawak ng babae. Napatingin ang babae sa mukha ni Karen at nakilala niya kaagad ito.

"Karen? Ikaw ba 'yan?" tanong ng babae.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now