Chapter 22: Pagmamakaawa

12 2 0
                                    

"Nay? Anong ginagawa ninyo dito?" tanong ni Karen.

"Nay? Bakit mo akong tinawag na nay?" tanong ni Vicky.

"Sorry, hindi mo pa nga pala alam ang katotohanan. Ako si Roxanne. At, nandito ako sa katawan ni Karen." tugon ni Karen.

"Karen? Sinong Karen?" tanong ni Vicky.

"Well, mahabang kwento. Marami kasing nangyari nung umalis ka at iniwan mo kami ni Kuya." tugon ni Karen.

"Kung ikaw nga ang totoo kong anak, pasensiya ka na. Alam mo namang busy ang nanay eh." sambit ni Vicky.

"Palagi naman kayong busy eh. Ano pa bang magagawa namin?" tugon ni Karen.

Bumaba si Fred sa hagdan. Nagulat siya nang makita ang ina.

"Nay? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Fred.

"Anak, napagpasiyahan kong umuwi na lang. Alam ko kasi na matagal ko kayong iniwan. Sana patawarin niyo ako." tugon ni Vicky.

"Nay, saan ho ba kasi kayo nanggaling?" tanong ni Fred.

"Pasensiya ka na anak, masyado lang kasi akong naging busy sa trabaho. Sana, patawarin ninyo ako." tugon ni Vicky.

—————

Tinahak nila Karen at Rico ang daan patungo sa kanilang bahay. Hindi alam ni Rico ang magiging reaksiyon ni Magda kapag nalaman niyang mas pinili niya ito kaysa kay Vicky.

"Anak, kung pwede sana, kausapin mo ang mommy mo. Sabihin mo sa kaniya na mas pinipili ko na siya kaysa kay Vicky," saad ni Rico.

"Sige po, Tay. Pero tay, may pakiusap lang po sana ako." tugon ni Roxanne.

"Ano 'yon, anak?" tanong ni Rico.

"Tay, huwag niyo na po sanang ulitin ang panloloko niyo kay Nanay, at sana po, hindi niyo na kami iwan ulit." tugon ni Roxanne.

"Oo naman, anak. Hinding hindi ko na uulitin ang ginawa ko. Alam kong mali 'yon. Kaya nga gusto kong humingi ng tawad sa nanay mo eh," saad ni Rico.

Maya-maya pa'y nakarating na sila sa kanilang patutunguhan.

"Tay, handa na po ba kayo?" tanong ni Roxanne.

"Oo, anak. Handa na ako."

Bumaba ng sasakyan ang dalawa. Medyo kinakabahan si Rico ngunit kailangan niyang lakasan ang kaniyang loob. Alam niya sa sarili niya na magagawa rin siyang patawarin ng asawa.

Naglakad sina Karen at Rico patungo sa may pintuan. Kumatok si Karen.

Kaagad rin naman siyang pinagbuksan ni Magda.

"Anak, napabisita ka?"

"Nay, may kasama po ako."

"Sino?"

Nagpakita si Rico kay Magda.

"Rico? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Magda.

"Magda, nandito ako para humingi ng tawad." sagot ni Rico.

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa mong panloloko sa amin, hihingi ka ngayon ng tawad?" medyo inis na sambit ni Magda.

"Magda, bumalik ako rito dahil napagtanto ko na mas mahal kita kaysa kay Vicky. Ikaw ang pinipili ko." tugon ni Rico.

"Nay, totoo po ang sinasabi ni Tatay. Totoo po na ikaw po ang pinipili niya." ani Roxanne.

"Ano, anak? Naniniwala ka dyan sa tatay mo? Baka naman ngayon, hihingi siya ng pasensiya, pagkatapos mamaya, babalik nanaman siya sa kabit niya?" tugon ni Magda.

The SwitchWhere stories live. Discover now