Chapter 52: Gigil

7 3 0
                                    

"Hoy, anong pinagsasasabi mo? Ano, tsu-tsugihin mo si Leslie?" tanong ni Olivia.

"I don't know, mommy. Basta ang alam ko lang, galit ako sa kaniya. Galit na galit. At kapag nakita ko pa ng isang beses na magkasama sila ni Nikko, hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kaniya." tugon ni Joana.

"Natatakot ako d'yan sa mga sinasabi mo eh. Hoy, Joana, pinalaki kita ng matino, ha. Hindi kita pinalaking gaga. Kaya pwede ba ha, tigilan mo na ang pagiging obsessed mo kay Nikko." sambit ni Olivia.

"Well, mom, si Leslie lang naman ang dahilan ng pag-aaway namin. Kung wala si Leslie, edi hindi kami magkakagulo." tugon ni Joana.

"Hay nako, anak. Basta, tell your jowa na layuan na si Leslie." sambit ni Olivia.

"Oh, yes, mom. Hindi ko na hahayaang agawin ni Leslie ang akin." tugon ni Joana.

—————

"Sir, ano na pong balita sa anak ko? Nahanap na po ba siya?" tanong ni Rita sa kakilala niyang pulis na nag-iimbestiga sa nangyari sa kaniyang anak.

"Ma'am, nag-iimbestiga pa po kami. Pupuntahan po namin 'yung lugar kung saan nangyari ang aksidente." tugon ni PO1 Garcia.

"Ano ba naman kayo? Ang tagal-tagal! Paano kung hindi niyo na mahanap ang anak ko, ha?" tanong ni Rita.

"Ma'am, don't worry po. We'll do everything. Hahanapin po namin si Edward." tugon ni PO1 Garcia.

"Basta bilisan ninyo ha. Baka mas lalong tumatagal, mas lalong mahihirapan kayo na mahanap ang anak ko." sambit ni Rita.

"Sige po, ma'am. Gagawin po namin ang lahat."

Ibinaba ni Rita ang telepono. Napabuntong-hininga siya.

"Ano, amiga? Ano na bang balita sa anak mo?" tanong ni Celia.

"Amiga, I'm still worried about my son. Hindi pa nila nahahanap si Edward. Amiga, ang tagal-tagal na. Natatakot ako, baka tuluyan na nilang hindi makita ang anak ko." tugon ni Rita.

"Amiga, stay strong. I'm sure, nasa mabuting kamay ang anak mo. I'm sure na buhay pa siya ngayon." sambit ni Celia.

"Salamat, amiga."

—————

Bumaba si Vicky upang kumuha ng maiinom. Nakita niya si Roxanne na nakaupo sa hapag-kainan at kausap si Mystie. Mukhang problemado ito.

"Friend, natatakot ako, baka hindi na nila makita si Edward." sambit ni Karen.

"Eh, friend, paano nga kung hindi na talaga nila makita 'yang bebe mo? Papaanong gagawin mo?" tanong ni Mystie.

"Hindi ako maniniwalang patay na siya hangga't hindi ko nakikita ang katawan niya." tugon ni Karen.

"Wow, friend, sobrang determinado ka talaga ha. Well, okay na rin 'yun kesa sa hindi." ani Mystie.

"Ano na naman bang pinag-uusapan ninyong dalawa d'yan, ha?" tanong ni Vicky.

"Ah, tita, pinag-uusapan lang po namin si Edward." tugon ni Mystie.

"Pwede ba, Mystie, baligtarin mo na nga lang 'yung isda." pag-uutos ni Karen.

"Ah, da-is." tugon ni Mystie.

"Da-is? Anong da-is?" tanong ni Karen.

"Ay sorry, ad-si pala." tugon ni Mystie.

"Gaga, ano bang pinagsasasabi mo?" tanong ni Karen.

"Eh hindi ba, sinabi mo na baligtarin ko 'yung isda? Eh 'di ayan, ad-si." tugon ni Mystie.

"Boba ka talaga, 'no? 'Yung niluluto ko kasing isda 'yung baligtarin mo." sambit ni Karen.

"Ay, sorry naman. Hindi mo kasi nililinaw eh." tugon ni Mystie.

"Ako pa talaga ang mali ha." bulong ni Karen.

"Ano? May sinasabi ka ba?" tanong ni Mystie.

"Wala, ang sabi ko, baligtarin mo na 'yung isda. Masusunog na 'yung niluluto ko, e." tugon ni Karen.

"Okay, fine." ani Mystie at nagtungo sa kusina.

"Anak, ano, galit ka na naman? Bakit ba ang init-init ng ulo mo?" tanong ni Vicky.

"Nay, isipin ninyo ha, pinababaligtad ko sa kaniya 'yung isda. Anong ginawa? Ginawa niyang da-is. Sino ba namang hindi matutuwa?" tugon ni Karen.

"Anak, ad-si 'yung huli niyang sinabi. Hindi da-is." sambit ni Vicky.

"Nay naman, pati ba naman kayo? Pati ba naman kayo makikisali sa kabobohan ni Mystie?" tanong ni Karen.

"Eh, anak, pinapakalma lang naman kita. Huwag kang masyadong mainitin ang ulo." tugon ni Vicky.

"Nay, papaano ba naman hindi iinit ang ulo ko, ha? Hanggang ngayon, wala pa ring balita kay Edward! Sinong hindi maiinis?" tanong ni Karen.

"Nak, kalma ha? Kalma!" tugon ni Vicky.

"Okay, nay." tugon ni Karen.

"Ano, kalmado ka na ba?" tanong ni Vicky.

"Oo na, sige na, nay. Kalmado na." tugon ni Karen.

"Ano? Okay na?" tanong ni Vicky.

"Oo, nay. Ano ba kasi 'yang sasabihin ninyo?" tanong ni Karen.

"Anak, gusto ko lang na malaman mo na hindi mahahanap si Edward ng init ng ulo mo. Walang mangyayari kung ganiyan ka ng ganiyan." tugon ni Vicky.

"Okay, fine." ani Karen.

"Mystie, tapos na ba 'yang niluluto mo?" tanong ni Vicky.

"Hindi ko alam, tita. Pero bakit ang itim na ng isda?" tugon ni Mystie.

Kaagad na tumayo si Roxanne sa kaniyang kinauupuan ng marinig niya ang tugon ni Mystie. Tinignan niya kung anong nangyayari. Nag-init ang dugo niya nang makitang sunog na ang isdang niluluto niya.

"Gaga ka, bakit mo sinunog?" tanong ni Karen at kaagad niyang pinatay ang kalan.

"Ang sinabi mo lang, baligtarin. Hindi mo sinabing huwag sunugin." tugon ni Mystie.

"Hayop ka! Lumayo ka sa aking demonyo ka! Lumayo ka sa 'kin, mapapatay talaga kita!" galit na sigaw ni Karen.

"Sorry, I'm sorry." tugon ni Mystie.

"Sige na, Mystie. Umalis ka na rito bago pa mag-init ang ulo ni Roxanne. Ako na ang bahalang kumausap sa kaniya. Sige na." ani Vicky.

Wala na lamang magawa si Mystie kundi ang umalis na lamang. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon. Hindi niya alam. Umalis siyang umiiyak at luhaan.

"Anak, bakit mo naman pinagsalitaan ng ganoon si Mystie?" tanong ni Vicky.

"Nay, nakakainis, 'di ba? Nakakagigil talaga si Mystie! Inis na inis talaga ako!" tugon ni Karen.

"Anak, hayaan mo na si Mystie. 'Di bale, kakausapin ko siya. Ako na ang bahala sa kaniya." sambit ni Vicky.

"Nay, siguraduhin niyo na kakausapin niyo siya, ha? Nag-iinit talaga ng sobra 'yung ulo ko sa kaniya, eh!" tugon ni Karen.

"Oo, anak. Ako na ang bahala." ani Vicky.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now