Chapter 55: Family Problems

8 3 0
                                    

Umiiyak si Roxanne sa kaniyang kwarto. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin niya. Hindi niya alam kung, makikita pa ba niya si Edward. Hindi niya alam kung buhay pa nga ba ito, o patay na. Hindi niya alam.

Pumasok si Vicky sa loob ng kwarto ni Roxanne. Nadatnan niyang umiiyak ang kaniyang anak.

"Anak, pagpasensiyahan mo na ang kuya mo, ha? Alam mo naman, halang ang bituka non," sambit ni Vicky.

"Nay, ano ka ba? Pwede ba ha, hindi ako nakikipagbiruan sa inyo. Kita niyo na nga 'di ba, nawawala na nga si Edward, tapos ano? Inuuna niyo pa ang pagpapakapilosopo niyo?" tugon ni Karen.

"Anak, anak, calm down. Calm down. Ano ka ba? Don't worry, mahahanap mo rin si Edward. Ipinapangako ko sa 'yo, ipapahanap natin si Edward. Kahit saang sulok ng Pilipinas, ipapahanap natin siya." sambit ni Vicky.

"Eh, nay, papaano nga kung talagang wala na? Nay, nang dahil kay kuya, hindi natin mahanap si Edward! Siya ang may kagagawan ng lahat!" tugon ni Karen.

"Anak, tama na." pagpapakalma ni Vicky.

"Nay, gusto ko siyang sisihin. Gusto ko siyang sisihin sa lahat. 'Di ko alam ang gagawin 'ko kapag nawala si Edward. Baka maibunton ko ang lahat ng galit ko kay kuya." sambit ni Karen.

"Anak, hindi mo dapat itinatanim sa loob mo ang galit mo sa kuya mo. Kapatid mo pa rin siya. Anak ko pa rin siya. Hindi ko kakayanin kung mawawala kayo pareho." tugon ni Vicky.

"Alam ko 'yun, Nay. Pero nay, paano na po? Nakapatay ng tao si kuya. Wala po ba kayong gagawin?" tanong ni Karen.

"Anak, hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam." tugon ni Vicky.

"Nay, pwede po bang kina Mystie po muna ako maki-tuloy?" tanong ni Karen.

"Bakit naman? Anak, nakakahiya kay Mystie ang gagawin mo." tugon ni Vicky.

"Nay, please. Pagbigyan niyo muna ako. Hindi ko kayang makita ang pagmumukha ni kuya. Don't worry, pansamantala lang 'to." sambit ni Karen at nagsimulang mag-empake.

"Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo? Pwede naman natin 'tong pag-usapan ng maayos," ani Vicky.

"Ayoko nga sabi eh! Ayokong makita ang pagmumukha ni kuya. Ayoko siyang makita! Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko ang kagaguhang ginawa niya kay Edward!" tugon ni Karen.

"Anak, sige. Kung 'yan ang gusto mo, at kung buo na ang desisyon mong kina Mystie muna tumuloy, pwes, hindi kita pipigilan. Pero anak, sana, magkaayos na kayo ng kapatid mo. Ayokong nag-aaway-away tayong lahat dito." sabi ni Vicky.

"Fine. Pero, gusto ko munang magpalipas ng sama ng loob kina Mystie." tugon ni Karen.

—————

"Mystie, salamat sa pagpapatuloy mo sa 'kin dito. Alam mo namang mainit ang dugo ko sa kapatid ko." sambit ni Karen.

"Hay nako, friend. Okay lang 'yun. Dito ka na muna mag-stay. Wala naman dito sina nanay at tatay. Nasa abroad pa rin sila hanggang ngayon. Ako lang naman ang nandito sa bahay." tugon ni Mystie.

"Well, ayokong bumalik sa bahay hangga't hindi pa nakikita ang katawan ni Edward. Hindi ko maatim tignan ang mukha ng kapatid ko." sambit ni Karen.

"Eh, friend, sinubukan mo na bang kausapin ang kuya mo? Baka naman, madaan niyo pa 'to sa matinong usapan. Ikaw naman kasi eh, masyado kang mainitin ang ulo." tugon ni Mystie.

"Mystie, galit ako sa kaniya. Kahit na anong matinong usapan ang gawin namin, iinit at iinit ang ulo ko. Well, malaki ang galit ko sa kuya ko. I don't care kung kapatid ko siya. Mapapatawad ko lang siya kapag nakita ko nang buhay si Edward." sambit ni Karen.

"Eh papaano nga kung wala na si Edward? Alam mo, friend, ikaw rin kasi ang may problema, e. Alam mo, ang dami-daming lalaki sa mundo, bakit kaya, hindi ka na lang humanap ng iba?" tanong ni Mystie.

"Alam mo, bakit kaya, sa dinami-daming tao sa mundo, eh wala ka pa ring jowa? Siguro, walang magkagusto sayo dahil..." tugon ni Karen.

"Dahil ano?" tanong ni Mystie.

"Wala, nevermind nalang pala. You know what, ikuha mo na lang kaya ako ng kape, 'no? 'Di ba, bisita mo 'ko? So you should get me a coffee." tugon ni Karen.

"Fine." ani Mystie at naglakad patungong kusina at kumuha ng sachet ng kape at ibinigay ito kay Roxanne.

"Ano 'to?" tanong ni Karen.

"Eh 'di kape." tugon ni Mystie.

"Eh bakit itong sachet ang binigay mo?" tanong ni Karen.

"Eh, malay ko ba kung anong kape ang sinasabi mo," tugon ni Mystie.

"Ikuha mo nga ako ng tubig para dito sa kape, bilis!" utos ni Karen.

"Eto na." tugon ni Mystie at kaagad na kumuha ng bote ng tubig at ibinigay ito kay Roxanne.

"Oh, bakit itong bote ng tubig? Mystie, ang sinasabi ko, pakuluan mo 'yung tubig para sa kape." sambit ni Karen.

"Hindi 'yon ang sinabi mo. Ang sinabi mo, ikuha kita ng tubig para sa kape," tugon ni Mystie.

"Okay, fine. Sige, pakuluan mo nalang 'tong tubig." sambit ni Karen.

"Hindi pwede." tugon ni Mystie.

"Hindi pwede? Bakit, sira ba ang pakuluan mo ng tubig?" tanong ni Karen.

"Hindi." tugon ni Mystie.

"Oh, eh hindi naman pala eh, bakit hindi pwede?" tanong ni Karen.

"Hindi pwede kasi matutunaw ang plastik." tugon ni Mystie.

"Hay naku! Nakakagigil ka talaga! Sige na nga, ako na lang, ako na lang!" ani Karen at nagtungong kusina.

—————

"Mama, ano? Saan na naman nagpunta ang nag-iinarte kong kapatid? Ha?" tanong ni Fred sa kaniyang ina.

"Anak, hayaan mo na si Roxanne. Magpapalipas lang daw siya ng sama ng loob. Pero huwag kang mag-alala, babalik din siya." tugon ni Vicky.

"Mas mabuti pang 'wag na siyang bumalik." sambit ni Fred.

"Anak, 'wag ganun. Kapatid mo pa rin siya." tugon ni Vicky.

"Pero Mama, kriminal na ang tingin niya sa akin, 'di ba? So hayaan na natin siya!" sambit ni Fred.

"Anak, tigil na. Tigil na, ha. Alam mo, pareho naman kayong may kasalanan, eh. Pareho kayong may ginawa. Siya, ang kasalanan niya, nagmahal siya. Minahal niya si Edward. At ikaw naman, pinatay mo si Edward. Pareho lang kayong may mali. Pero anak, nasaan na nga ba ang katawan ni Edward? May alam ka ba kung nasaan siya?" tanong ni Vicky.

"I don't know kung nasaan na 'yan si Edward. Wala akong pake kung nasaan siya. But, all I know is, kinakain na siya ng mga uod at bulate sa ilalim ng lupa." tugon ni Fred.

To be continued...

The SwitchDär berättelser lever. Upptäck nu