Chapter 63: Resbak

3 3 0
                                    

"Ma'am, ma'am, kumalma lang po kayo. Kumalma lang po kayo, ma'am. Pero sa tingin ko po, mayroong dahilan kaya hindi nila makita ang anak ninyo. Paano po kaya kung, may ibang nakakita sa anak ninyo?" tanong ni Janice.

"Sana nga, Janice. Sana nga, may ibang tao nalang na nakakita sa anak ko. Sana, nailigtas nila ang anak ko." tugon ni Rita.

"Huwag po kayong mag-alala, ma'am. Tutulungan ko po kayo sa paghahanap." sambit ni Janice.

"Salamat, Janice. Hulog ka talaga ng langit." tugon ni Rita.

—————

"Grabe, Nay. Natakot po ako kanina ng sobra. Akala ko po, tuluyan nang mawawala si Joana." sambit ni Leslie nang makauwi sila ng bahay.

"Oh, saan naman kayo nanggaling? Bakit ang tagal-tagal ninyong makauwi? Gabi na, a!" salubong ni Rico.

"Rico, pasensiya ka na. 'Yung babaeng kaaway kasi ni Leslie, nahulog siya mula sa second floor ng mall. Kinailangang isugod sa ospital. Akala ko nga, matutuluyan e." tugon ni Magda.

"Ano? Bakit naman siya nahulog? Ano bang nangyari?" tanong ni Rico.

"Kasi po, tay, ako po dapat 'yung ihuhulog niya, pero umilag po ako nung itutulak niya na po ako. Kaya po, siya 'yung nahulog." tugon ni Leslie.

"Ano ba naman 'yan! Eh, ano? Kumusta raw sabi ng doktor?" tanong ni Rico.

"Eh ayun, mukhang stable naman na 'yung lagay niya. Alam mo, galit na galit sa akin si Olivia. Pinagsalitaan pa nga niya ng masama si Leslie, eh." tugon ni Magda.

"Huwag po kayong mag-alala, tay. Hindi naman po tayo maglalabas ng pera. Ang totoo nga po, tinanggihan po ni ma'am Olivia 'yung alok namin na kami na ang sasagot sa bayarin eh." dagdag pa ni Roxanne.

"Naku, anak. Alam mo, wala rin naman tayong maibabayad. Pero sana, gumaling na ang anak niya." tugon ni Rico.

—————

"Hi anak, goodmorning!" bati ni Magda kay Leslie.

"Hello po, Nay! Goodmorning din po!" tugon ni Leslie.

"Anak, kumain ka na. Maaga ka pang papasok sa eskwelahan. Baka mahuli ka." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay." tugon ni Leslie.

Pansin ni Magda na parang antok na antok pa si Leslie kahit maaga siyang nakatulog kagabi, kaya naman ay tinanong niya ito nang ito ay humikab.

"Anak, okay ka lang ba? Bakit parang antok na antok ka pa? Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong ni Magda.

"Nay, ang totoo po, hindi po ako masyadong nakatulog kagabi. Naiisip ko pa rin po kasi si Joana. Nag-aalala pa rin po ako sa kondisyon niya. Nakukunsensiya po ako sa nangyari sa kaniya." tugon ni Leslie.

"Naku, anak. Hindi ka dapat makunsensiya. Wala kang ginawang mali. Bumalik lang sa kaniya 'yung masamang ginawa niya sayo. Kung meron mang dapat sisihin sa aksidente niya, si Olivia. Siya ang dapat sisihin dahil hindi niya tinuturuan ang anak niya ng magandang asal." sambit ni Magda.

"Pero Nay, natatakot po ako. Baka po, kung anong gawin sa atin ni tita Olivia. Baka po, maghiganti siya sa atin." tugon ni Leslie.

"Hay nako, anak. Huwag kang matakot. Hangga't nandito ako, ipagtatanggol kita kay Olivia. Poprotektahan kita. Hindi ko hahayaang masaktan ka niya." sambit ni Magda.

"Salamat po ng marami, Nay." tugon ni Leslie.

"O siya sige, kumain ka na at baka mahuli ka pa sa eskwelahan." ani Magda.

—————

"Bes, ba't ang tahimik mo? Okay ka lang ba?" tanong ni Mindy nang mapansin na tahimik si Leslie.

"Ano kasi, bes. Naaksidente kasi si Joana. Nasa ospital siya ngayon." tugon ni Leslie.

"Ano? Bakit? Anong nangyari sa kaniya?" tanong ni Mindy.

"Nagkasalubong kasi kami sa mall nung isang araw. Nagalit siya sa akin dahil ako raw ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Nikko." tugon ni Leslie.

"What? Hiwalay na sila ni Nikko? Eh, ano ba talagang nangyari? Bakit siya naaksidente?" tanong ni Mindy.

"Pinagtangkaan niya akong patayin. Sinabi niya na ihuhulog niya raw ako mula sa second floor ng mall. Pero umilag ako. Hindi niya sinasadyang mapasampa sa harang tapos ayun, siya 'yung nahulog." tugon ni Leslie.

"Alam mo, dapat lang 'yun sa Joana na 'yun. Akala mo kasi, prinsesa kung makaasta. Kaya ayan, nangyari sa kaniya 'yung nararapat para sa kaniya." ani Mindy.

"Pero bes, alam mo, nakokonsensiya pa rin ako sa nangyari kay Joana. Alam kong wala akong kasalanan, pero pakiramdam ko, ako ang may gawa ng aksidente niya." sambit ni Leslie.

"Les, you don't have to worry. Alam mo, that's her karma. Dahil bumabalik na sa kaniya ang mga masasamang ginawa niya sayo." tugon ni Mindy.

"Ang sabihin mo, ayaw mo lang umamin sa kasalanang ginawa mo. Palusot ka pa." nagulat sina Leslie at Mindy nang biglang magsalita si Nicole na kaibigan ni Joana.

"Balita ko, isa ka na raw mamamatay-tao, Leslie. Dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasa ospital si Joana ngayon. Ibang level na 'yang kamalditahan mo, ha?" dagdag pa ni Nicole.

"Nicole, wala akong ginagawang masama. Kung meron mang masama, si Joana 'yun. Dahil kinakarma na siya. Bumabalik na sa kaniya 'yung mga masasama niyang ginawa sa akin." tugon ni Leslie.

"Alam mo, Leslie, huwag mo 'kong inuuto. Nagkuwento na sa amin si tita Olivia. At alam na namin na ikaw talaga ang dahilan kung bakit nasa ospital si Joana ngayon. At hindi rin ako magtataka kung gawin mo rin sa amin ang ginawa mo kay Joana." sambit ni Nicole.

"Nicole, alam mo naman siguro na malaki ang galit sa akin ni Joana. Ipinagtanggol ko lang ang sarili ko. Wala akong ginagawang masama." tugon ni Leslie.

"Sinungaling ka, Leslie. Nang dahil sayo, wala rito si Joana. Nang dahil sayo, nasa ospital siya. At nang dahil sayo, nasa peligro pa rin ang buhay niya! Ikaw ang may kasalanan! Ikaw lang ang dapat sisihing hayop ka!" sigaw ni Nicole at biglang sinampal si Leslie.

"Namumuro ka na, Nicole!" sambit ni Leslie at sinampal din si Nicole.

"Hayop ka!" napatigil si Nicole sa sampal ni Leslie at kaagad niyang sinabunutan si Leslie!

"Aray ko, Nicole! Wala akong ginagawang masama sa kaibigan mo! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Leslie.

"'Yan ang dapat sayo, hayop ka! Dapat ikaw na lang ang naaksidente! Dapat ikaw na lang ang mamatay!" galit na sigaw ni Nicole.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now