Chapter 138: Bagong Kasambahay

2 0 0
                                    

Mataas ang sikat ng araw. Mainit ang panahon.

Sina Edward at Rita ay nanatili sa bahay dahil ngayon darating ang panibagong kasambahay na ipinadala ng agency.

Maya-maya lamang ay tumunog na ang doorbell.

"Mama, sandali lang ha. Bubuksan ko lang 'yung pinto. Nandito na yata 'yung kasambahay na ipinadala ng agency." sambit ni Edward.

"Go ahead, anak. Sige na, 'wag mo na akong intindihin. Ayos lang ako." tugon ni Rita.

Pagkatapos noon ay kaagad na pinagbuksan ni Edward ng pinto ang nasa labas.

"Hi po! Kayo po ba si sir Edward Pineda?" tanong ng babae.

"Ah, opo. Sino po sila?" tanong ni Edward.

"Ah, ako po si Iris Villaflor. Ako po 'yung kasambahay na ipinadala ng agency. Nandito po ako para mag-apply." sagot ng babae.

"Ah sige, Iris. Pasok ka." tugon ni Edward.

Kaagad namang pumasok ang babaeng nangangalang Iris na siyang ipinadala ng agency.

"Uhm, Iris Villaflor, right? So, ikaw 'yung pinadala ng agency?" tanong ni Edward.

"O-opo, sir. Ako nga po. Parang, inulit niyo lang din po 'yung sinabi ko." tugon ni Iris.

"Ah, inulit ko 'yung sinabi mo?" tanong ni Edward.

"Opo." tugon ni Iris.

"By the way, Iris, dito ka na magtatrabaho. Pero teka, ano bang kaya mong gawin?" tanong ni Edward.

"Kaya ko pong maglinis, magluto, maglaba, at mag-alaga ng may sakit." tugon ni Iris.

"Tamang-tama. May sakit si Mama. Ipakikilala kita sa kaniya. Halika, sumunod ka sa akin. Puntahan natin siya sa kwarto niya." sambit ni Edward.

"S-sige po." tugon ni Iris.

Kaagad namang sumunod si Iris kay Edward. Pinuntahan nila si Rita sa kaniyang kwarto.

"Mama, this is Iris Villaflor. Siya ang bago nating kasambahay. Siya rin ang magiging caretaker mo. Iris, this is my mama. Margarita Pineda, but call her Rita for short." sambit ni Edward.

"Nice to meet you po, ma'am Rita." nakangiting tugon ni Iris.

"Nice to meet you din, iha." ani Rita.

"Mama, dadalhin ko po muna siya sa kwarto niya. Para, makapag-ayos na po siya at nang makapagsimula na." sambit ni Edward.

"Sige, anak." tugon ni Rita.

Kaagad naman lumabas sina Edward at Iris sa kwarto ni Rita. Dinala ni Edward si Iris sa kaniyang magiging kwarto.

"Iris, oh eto ang magiging kwarto mo. Dito ka magpapahinga." sambit ni Edward.

"Ang ganda naman po, sir. Naku, maraming salamat po." tugon ni Iris.

"Walang anuman, Iris. O siya sige, iwan muna kita para makapag-ayos ka ng mga gamit mo. Tapos bukas, pwede ka nang makapagsimula." sambit ni Edward.

"Talaga po, sir? Naku, salamat po!" tugon ni Iris.

"No problem. Sige, dito muna ako."

—————

"Parang nakakapanibago naman, anak. Parang ang tahimik ng buhay natin. Ano bang nangyari, ha?" nagtatakang tanong ni Magda.

"Nay, nakalimutan ko nga po palang sabihin sa inyo, namatay na nga po pala si Roxanne." tugon ni Karen.

"Ha? Ano? Patay na siya? A-anong nangyari ba sa kaniya?" tanong ni Magda.

"Nag-amok po siya nung isang araw sa mansyon. Sinubukan niya po akong patayin pero natakasan ko siya. Sinakyan ko po 'yung sasakyan niya, pero nahabol niya ako. Kaya ayun, nagtuos kami hanggang sa, mabangga kami sa isang poste. Lumabas po ako para humingi ng tulong pero, huli na ang lahat. Sumabog ang sasakyang sinasakyan niya." tugon ni Karen.

"Ano? Grabe naman pala ang nangyari. Pero alam mo, mabuti na rin 'yon. Mabuti na rin 'yon para matapos na rin ang kasamaan niya. Sa wakas, wala nang manggugulo sa atin." sambit ni Magda.

"Pero nay, si Vicky po, buhay pa. Pero hindi ko alam kung nasaan siya. Malamang, malungkot na malungkot siya dahil namatay sina Fred at Roxanne." tugon ni Karen.

"Alam mo, sinisingil na sila ng kasamaan nila. Biruin mo, noon, parati nila tayong ginugulo. Parati silang nasa taas. Pero ngayon, bagsak na bagsak sila. Buhay nga naman." sambit ni Magda.

"Nay, may dapat pa po pala kayong malaman. Naalala niyo po 'yung pagsabog ng bomba nung debut ni Leslie? Sila po ang may kagagawan nun. Sila po ang dahilan kung bakit naging trahedya ang debut niya." tugon ni Karen.

"Hindi na ako mabibigla, anak. Alam mo naman 'yung pamilyang 'yon, mga pinaglihi sa demonyo. Wala na silang sasantuhin. Napakasama nila. Kaya mabuti lang na namatay na sina Fred at Roxanne." sambit ni Magda.

"Tama po kayo, nay. Marami na silang mga taong idinamay. Si tita Amy, si Mystie, si insan, at si Janice." tugon ni Karen.

"Nga pala, nasaan na ba ang insan mo? Saan siya nakalibing?" tanong ni Magda.

"Gusto niyo po ba siyang puntahan? Gusto niyo po bang samahan ko kayo?" tugon ni Karen.

"Sige nga, anak. Puntahan natin siya. Isama natin si Leslie." sagot ni Magda.

"Sige po."

—————

"Bella, salamat sa pagiging mabuting pamangkin. Salamat sa pagiging mabuting pinsan kina Karen at Leslie. Pasensiya ka na kung ngayon lang kami nakadalaw, ngayon lang kasi ako nakabalik. Pero 'wag kang mag-alala, dahil nakuha na natin ang hustisya. Wala na sina Fred at Roxanne. Sa wakas, matatahimik na kami." sambit ni Magda habang nakatingin sa puntod ni Bella.

"Tama si mommy, insan. Patay na ang taong pumatay sayo. Wala na si Fred. Oo, buhay pa si Vicky, pero 'wag kang mag-alala, dahil hindi niya na kami ginugulo." dagdag pa ni Karen.

"Insan, miss ka na namin. Namimiss na namin 'yung mga regalo mo. Sana, kung nasaan ka man, sana maging masaya ka." ani Leslie.

—————

Kinabukasan...

"Oh, hon? Ngayon ka lang ba nakauwi?" tanong ni Edward nang makita niya si Karen na nakauwi na sa mansyon.

"Oo, hon. Kani-kanina lang ako nakauwi. Kamusta na si Mama? Ayos lang ba siya?" tanong ni Karen.

"Oo, hon. Andun siya, nagpapahinga. Nga pala, nakapag-hire na ako ng bagong maid. Ngayon na siya magsisimula." tugon ni Edward.

"T-talaga? Eh, nasaan na siya?" tanong ni Karen.

"Hindi ko alam. Parating na siguro. Kinuha pa kasi niya 'yung mga ibang gamit niya sa bahay nila." tugon ni Edward.

"Ah, ganun ba?"

Maya-maya lamang ay tumunog ang doorbell.

"Teka, nandito na yata siya. Sandali lang, bubuksan ko lang ang pinto." sambit ni Edward.

Binuksan ni Edward ang pinto. Naroon na si Iris.

"Ah, hon, meet Iris. Siya na ang bago nating maid. And Iris, meet Karen. Ang asawa ko." sambit ni Edward.

"Hi, ma'am! Nice to meet you po! Iris Villaflor po pala." nakangiting bati ni Iris.

"Ah, Karen. Nice to meet you too, Iris." nakangiting tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now