Chapter 126: Revelation

3 0 0
                                    

"So you think na papayag ako sa gusto mo? Well, hindi laruan si Sabrina para ibigay ko siya sa inyo. Hindi ako papayag na kunin niyo ang anak ko. Sabrina is mine. She will always be mine at kahit kailan, I will never surrender her to anyone." sambit ni Martha sa telepono.

"Pero, ma'am, kakausapin lang po namin siya. H..." naputol ang pagsasalita ni Leslie nang biglang magsalita si Martha.

"Kung ano ang sinabi ko, 'yun ang sinabi ko. I will never let you talk to my daughter. Hindi ako papayag na kunin niyo sa akin si Sabrina. At kung sino ka man, pwede ba ha, lubayan mo ang anak ko kung ayaw ninyong makulong." tugon ni Martha at kaagad na ibinaba ang telepono.

Bumaba si Sabrina sa hagdan. Narinig niya kasi na parang may kagalit ang kaniyang ina sa telepono.

"Mommy, may kaaway ka ba? Sinong kausap mo sa phone?" tanong ni Sabrina.

"Ah, don't mind her, anak. She's just a client. May reklamo lang. Don't mind them." tugon ni Martha.

"Sure ka, mommy? Para kasing galit na galit ka eh." sambit ni Sabrina.

"H-hindi anak. Don't worry." tugon ni Martha.

"Ah mommy, nga pala, binigay ko po kasi 'yung number ko kay Leslie. 'Yung babaeng kamukha ko. Mommy, tumawag na po ba siya?" tanong ni Sabrina.

Napatigil si Martha. Hindi niya alam ang isasagot niya. Ayaw niyang makuha sa kaniya si Sabrina.

"Uhm, h-hindi pa. Sabrina, can I ask you a question? Why did you gave your number to someone that you don't know personally? Nasisiraan ka na ba? What if, what if may masamang balak siya sayo? Ano, hihintayin mo pa bang may mangyaring masama?" tanong ni Martha.

"Mommy, masamang balak? Mommy, wala akong kaaway! Alam mo 'yan! Mommy, that's impossible! Papaano kung, papaano kung may kakambal talaga ako?" tugon ni Sabrina.

"Papaano kung may impostora ka? Ha? Papaano kung may gustong manira sa atin at papaano kung ginawa niya 'yon para maisahan tayo? Anak, nag-iisip ka ba?" tanong ni Martha.

"Mommy, hindi naman siguro! You know what, you're being paranoid! Mommy, I want to know the truth! I want to know kung ano ba talagang nangyayari! I want to know everything!" tugon ni Sabrina.

"Anak, pwede ba ha, tigil-tigilan mo na 'yan. Okay?" tanong ni Martha.

"No, mommy. No. Hindi ako papayag na hindi ko malaman ang katotohanan. Kailangang tumawag ulit si Leslie sa akin." tugon ni Sabrina.

—————

"Ano, anak? Anong sabi? Nakausap mo ba?" tanong ni Rico.

"No, tay. May ibang babaeng sumagot. Boses palang niya, para na siyang masungit." tugon ni Leslie.

"Hay nako, anak. Tawagan mo kaya ulit?" sambit ni Rico.

"Tay, bago ko gawin 'yan, gusto ko muna kayong tanungin ni ate. Tay, bakit ganon? Bakit? Bakit ngayon lang? Bakit ngayon ko lang nalalaman 'to? Bakit kung kelan dalaga na 'ko, saka ko lang malalaman na may kakambal na ako? Bakit?" tanong ni Leslie.

"Anak, I'm sorry. I am really sorry." tugon ni Rico.

"Tay, you had the chance, kayo ni ate. You two have the chance to explain. Pero bakit? Bakit kung kailan malaki na ako saka ko pa nalamang may kakambal ako?" tanong ni Leslie.

"Anak, ipinapangako ko sayo, magpapaliwanag ako sa oras na dumating ang kakambal mo. Pangako, ipaliliwanag ko ang lahat." tugon ni Rico.

"Sige po, tay. Tatawagan ko po sila ulit. Tatawag ko ulit si Sabrina. Gusto ko pong makipagkita sa kaniya. Gusto ko po siyang dalhin dito sa bahay." ani Leslie.

Muling tumawag si Leslie kay Sabrina. Narinig na ni Sabrina ang telepono na tumunog at siya na mismo ang sumagot.

"Anak..." sambit ni Martha.

"Mommy, ako na ang kakausap. Baka si Leslie na 'to." tugon ni Sabrina.

Hindi na napigilan ni Martha si Sabrina sa gusto niyang gawin. Kaagad sinagot ni Sabrina ang telepono.

"H-hello? Sino 'to?" tanong ni Sabrina.

"Sabrina? Ikaw na ba 'yan?" tugon ni Leslie mula sa kabilang linya.

"Oo, si Leslie ba 'to?" tanong ni Sabrina.

"Oo, Sabrina. Ako 'to. Gusto sana kitang imbitahang pumunta rito sa bahay namin. Ipaliliwanag ni tatay ang lahat." tugon ni Leslie.

"S-sige! Pupunta ako d'yan." sambit ni Sabrina.

"Sige, Sabrina. Ibibigay ko nalang 'yung address namin sayo. Sana, makapunta na kayo agad ha." tugon ni Leslie.

"Sige, Leslie. We will go. Salamat." ani Sabrina at ibinaba ang tawag.

"Mommy, we need to go to Leslie's house. Magpapaliwanag po ang daddy niya." sambit ni Sabrina.

"Magpapaliwanag? About what?" tanong ni Martha.

"I don't know, mommy. I-sesend daw sa akin ni Leslie ang address nila. Pupunta tayo ngayon." tugon ni Sabrina.

"I'll go with you. Halika na. Marlon, paki-ready ang sasakyan." ani Martha.

Kaagad inihanda ng kanilang driver na si Marlon ang kanilang sasakyan. Natanggap ni Sabrina ang address na ipinadala ni Leslie sa kanila.

Makalipas ang isang oras, narating na nina Sabrina at Martha ang address na ipinadala ni Leslie. Kumatok sila sa gate ng bahay nila. Kaagad naman silang pinagbuksan ni Ariana.

"Uhm, excuse me, miss? Nandito ba si Leslie Raymundo?" tanong ni Sabrina.

"Ah, si Leslie? Oo, nandito siya. Pasok ka sa loob." tugon ni Ariana.

Kaagad na pumasok sina Martha at Sabrina sa loob ng bahay nina Leslie.

"S-Sabrina?"

"L-Leslie?"

"Sabrina, mabuti nakarating ka! Mabuti at nandito ka!" sambit ni Leslie.

"Oo, Leslie. Gusto ko na rin kasi malaman kung ano bang sasabihin ng tatay mo. Nasaan ba sila?" tugon ni Sabrina.

"Eto sila. Ito si tatay Rico, at ito si ate Karen, kapatid ko." pagpapakilala ni Leslie.

"Hi, Sabrina!" bati ni Karen.

"Hi po, ate Karen!" sambit ni Sabrina.

"Uhm, hello sa inyo. I'm Sabrina's mom. I'm Martha. Nice to meet the both of you." dagdag pa ni Martha.

"Hi po, Ms. Martha! Nice to meet you too po." tugon ni Karen.

"Sabrina, iha, ako naman si Rico. A-ako ang tatay mo." sambit ni Rico.

Napatigil sina Sabrina at Martha. Nagulat sila sa sinabi ni Rico. Hindi makapaniwala si Sabrina na si Rico ang tatay niya.

"A-ano pong sinabi niyo, tito?"

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now