Chapter 131: Baliw si Roxanne

3 0 0
                                    

"Anong balak mong gawin sa kanila?" tanong ni Vicky.

"Papatayin ko na si Karen. I can't wait na mangyari 'yon. At kapag nagkataon, burol naman nila ang susunod nating pupuntahan." tugon ni Roxanne.

"Well, galingan mo, anak. I believe you. Galingan mo ang pagsingil sa kanilang lahat." sambit ni Vicky.

"Yes, nay. Gagawin ko ang lahat para makabawi kina Karen." tugon ni Roxanne.

—————

"Grabe hon, hindi pa rin ako makamove-on. Grabe talaga 'yung reaksiyon nina Vicky at Roxanne nung ibinurol namin sila ng buhay." sambit ni Karen.

"A-ano? Ibinurol niyo sila ng buhay?" tanong ni Edward.

"Oo, hon. Ginawa namin 'yun para makaganti sa kanila. Ginawa namin 'yun para makabawi kami sa kanila kahit papaano." tugon ni Karen.

"Totoo ba 'yung narinig ko, Karen?" tanong ni Rita.

"Ay Mama, nandyan po pala kayo. Opo, totoo po ang lahat ng narinig niyo. Ibinurol ko po sila ng buhay. Ginawa ko po 'yun para maipaghiganti ang lahat ng mga taong pinatay nila." tugon ni Karen.

"Nako iha, papaano kung mapahamak kayo? Baka dahil sa ginawa ninyo, mas lalo silang maghiganti! Papaano na? Paano kung lahat tayo, mapahamak?" tanong ni Rita.

"'Wag po kayong mag-alala, Mama. Hindi na po ako natatakot. Ipinapangako ko po, poprotektahan ko kayo laban kay Roxanne. Hindi na po ako makakapayag na saktan pa nila ang isa sa atin." tugon ni Karen.

—————

"Humanda ka, Karen. Humanda ka. Sisiguraduhin kong matatapos ka na. Sisiguraduhin kong matatapos na 'tong away natin." sambit ni Roxanne sa kaniyang sarili habang nagmamaneho ng sasakyan.

Papunta si Roxanne sa mansyon kung nasaan si Karen. May dala siyang baril. Balak na niyang tapusin si Karen.

"Iha, baka naman pwedeng pakidala 'tong basura sa labas." sambit ni Rita.

"Ay sige po, mama. Ako na pong bahala rito." tugon ni Karen.

Kinuha ni Karen ang isang garbage bag na may lamang mga basura. Lumabas siya ng bahay upang itapon ito sa labas.

Lingid sa kaniyang kaalaman ay nakamasid pala si Roxanne sa mga ikinikilos niya.

"Don't worry, Karen. This will be the last. Sisiguraduhin kong matatapos ka na. Hahahahahaha!" sambit ni Roxanne sa kaniyang sarili.

Nakita ni Roxanne na pumasok si Karen sa mansiyon. Kaagad siyang lumabas sa kaniyang sasakyan at palihim na sinundan si Karen.

Nang makarating siya sa harapan ng mansyon, sumilip siya sa bintana. Nakita niyang umakyat si Karen patungo sa kaniyang kwarto.

Palihim na pumasok si Roxanne sa loob ng mansyon. Sinundan niya si Karen sa loob ng kwarto.

Nang makarating siya sa harap ng pinto ng kwarto, dahan-dahan niyang pinihit ang pinto. Unti-unti niya itong binuksan.

"Hello, BFF Karen!" nagulat si Karen nang makita niya si Roxanne sa loob ng kaniyang kwarto.

"R-Roxanne? A-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Karen.

"Are you surprised, Karen? Well, nandito ako para tapusin na ang away nating dalawa. Nandito ako para tapusin ka." tugon ni Roxanne at kinuha niya ang kaniyang baril at itinutok niya ito kay Karen.

"H-huwag!" sambit ni Karen.

"Ano? Natatakot ka? Natatakot ka bang mamatay ha, Karen? Hahahaha! Alam mo ba ang feeling ng iburol ka ng buhay ha? Parang ganyan lang din 'yon! Nakakatakot, 'di ba? Hahahaha! Hayop ka talaga, Karen! Hayop ka! Hahahaha!" tugon ni Roxanne at tumawa pa ito na para bang nababaliw.

"Deserve mo ang lahat ng 'yon, Roxanne! Deserve niyo ng nanay mo na iburol ng buhay! Kasalanan niyo rin kung bakit namin 'yun ginawa sa inyo! Ginawa namin 'yun dahil mga wala kayong puso! Wala kayong kaluluwa!" sambit ni Karen.

"Ah, walang puso? Walang kaluluwa? Sige, sasampolan kita!" tugon ni Roxanne at sinampal si Karen. Napahawak naman ito sa kaniyang pisngi.

"Demonyo ka, Roxanne. Demonyo ka!" sambit ni Karen.

"Hahahaha! Demonyo na kung demonyo! Hahahaha! Alam mo, isa lang naman ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito e. Isa lang! Nagpunta ako rito para patayin ka! Para maghiganti! Hahahaha! Hayop ka, Karen! Hayop ka! Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo ang lahat kung bakit ako nagkakaganito!" tugon ni Roxanne.

"Roxanne, wala ka na sa katinuan. Sa totoo lang, wala akong kasalanan sayo. Pero ikaw? Napakarami mong kasalanan sa akin at sa pamilya ko. Roxanne, pumatay ka na ng tao! At ni minsan hindi ko nakita sayo na nagsisisi ka! Hindi ko nakitang nakunsensiya ka! Roxanne, isa kang killer! Isa kang mamamatay-tao!" sambit ni Karen.

"Oh, yes! I'm a killer! I admit, I am a killer! And yes, hindi ako nagsisisi na pumatay ako! Deserve nila 'yon! Deserve nila 'yun lahat! At hindi rin ako magdadalawang isip na patayin ka. Dahil ikaw na ang isusunod ko sa hukay. Pati na rin ang kapatid mo, ang tatay mo, at ang bwisit mong bestfriend na si Ariana! Lahat kayo, isasama ko sa hukay!" tugon ni Roxanne.

"'Wag na 'wag mo silang idadamay, Roxanne! 'Wag na 'wag! Sa akin ka galit, 'di ba? Sa akin mo ibuhos ang galit mo! 'Wag sa kanila! Wala silang kinalaman sa away natin!" sambit ni Karen.

"Ano? Natatakot ka? Natatakot ka na madamay sila? Natatakot ka na baka dumating 'yung puntong papatayin ko rin sila? Ganun ba? Hahahaha! Well Karen, hindi ko na kasalanan 'yun. Pasensiya na! Kasalanan nila 'yun, kasi dikit sila ng dikit sayo eh. Kasalanan nila kung bakit pati sila, nadadamay!" tugon ni Roxanne.

"Huwag, Roxanne. Huwag! Wala silang kasalanan sayo! At kung ano mang kamalasan ang nangyayari sa buhay mo, ikaw, ikaw ang may kagagawa nun at hindi kami! Kaya pwede ba, 'wag mong isisi sa amin ang lahat ng mga masasamang nangyari sa buhay mo!" sambit ni Karen.

"Sorry, wala na 'kong magagawa. Damay-damay na 'to, gaga! Damay-damay na kayong lahat!" tugon ni Roxanne.

—————

"Oh, anak, sinong hinahanap mo?" tanong ni Rita kay Edward nang mapansin niyang may hinahanap siya.

"Hinahanap ko po si Karen. Nasaan po siya?" tanong ni Edward.

"Ah, inutusan ko kanina na magtapon ng basura. Siguro naman nakabalik na siya." tugon ni Rita.

"Sandali lang po, mama. Hahanapin ko po siya. Baka nasa kwarto lang." sambit ni Edward.

"S-sige." tugon ni Rita.

Kaagad na umakyat si Edward sa kwarto ni Karen. Habang papalapit siya nang papalapit sa kwarto, may naririnig siyang ingay.

Napansin niya na parang may kausap si Karen sa loob. Idinikit niya ang kaniyang tenga sa pinto at pinakinggan ang ingay na nasa loob.

"'Wag mo silang idadamay, Roxanne! 'Wag na 'wag! Demonyo ka!" sigaw ni Karen.

"Oh yes, demonyo ako! Ipinapangako ko sayo, matatapos na 'tong away natin. Everything ends today. Sisiguraduhin kong isa lang sa ating dalawa ang matitira, at sisiguraduhin kong ako 'yun!" tugon ni Roxanne at muling itinutok ang baril kay Karen.

"Huwag!" mahinang sambit ni Karen.

"Isa lang naman 'yung gusto ko, 'di ba? Si Edward! Siya lang ang gusto ko! Pero anong ginawa mo? Anong ginawa mo? Ipinagdamot mo pa siya sa akin! Ipinagdamot mo pa ang isang lalaking mahal ko! Kaya ngayon, sisiguraduhin kong mapupunta siya sa akin. Permanente na kitang patatahimikin, Karen." tugon ni Roxanne at kinasa ang baril.

Nang marinig ni Edward ang pag-uusap nina Karen at Roxanne, kaagad siyang bumaba at kinausap ang nanay niya.

"Nay, si Roxanne! Napasok siya dito sa loob ng bahay! Nasa kwarto siya ni Karen at nag-aamok siya ngayon!" sambit ni Edward.

"A-ano?"

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now