Chapter 157: Huling Pasabog

3 0 0
                                    

"Naku, panigurado, malaking gulo nanaman 'to. Hindi titigil si Roxanne hangga't hindi siya nakakaganti sa aming lahat. Malabo na siyang magbago. She's unstoppable right now." sambit ni Karen.

"Tama ka, ate. Kailangan na natin siyang ipahuli sa mga pulis. Delikado na ang lagay nating lahat. Hindi natin alam kung anong susunod na galaw niya." tugon ni Leslie.

—————

Kaagad humanap ng taxi si Roxanne. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad siyang umuwi sa bahay ni Joel.

Nang makarating siya sa bahay, kaagad siyang kumatok sa gate.

"Nay! Nay!" sigaw niya.

Kaagad namang pinagbuksan ni Vicky si Roxanne ng pinto. Nagulat siya nang makita ang katawan ni Roxanne.

"R-Roxanne? Ikaw ba 'yan?" tanong ni Vicky.

"Nay?" tugon ni Roxanne.

"Roxanne, ikaw nga! Pero, p-paano ka nakabalik sa katawan mo? Ano, nag-usap na kayo ni Iris? Bakit wala ka man lang sinabi?" tanong ni Vicky.

"Nay, pinapunta nila si Iris sa bahay ni Nerissa. At pagkatapos, itinali nila ako. Pumunta kami sa mansyon kung nasaan ang switching machine at pinagpalit nila kami ng katawan. Bwisit kasi si Iris, sinabi niya kina Karen na ako ang sumunog ng bahay nila!" tugon ni Roxanne.

"A-ano?! Totoo ba 'yan, anak? Alam na nina Karen ang totoo?" tanong ni Vicky.

"Oo, nay. Nagising si Nerissa sa comatose niya tapos nasabi niya ang totoo. Pero, hindi nagtagal, namatay na rin siya. Itutuloy ko na kasi 'yung plano ko eh, kaso nahuli pa ako ng bwisit na Edward na 'yan! Mangyayari na sana 'yung dapat na mangyari kay Nerissa!" tugon ni Roxanne.

"Oh, eh, anong plano mo?" tanong ni Vicky.

"Kakailanganin natin ang tulong nina Tonio at Joel. Kailangan nating patakasin si Martha sa kulungan. Alam kong malaki ang maitutulong niya sa paghihiganti natin sa pamilya nina Karen." tugon ni Roxanne.

"Ano? So ibig sabihin, tototohanin mo nga 'yung sinabi mo kay Martha? Itatakas natin siya sa kulungan?" tanong ni Vicky.

"Yes. That's true. Kaya kailangan kong tawagan ulit si Tonio. Kailangan natin ang tulong niya ngayong wala na si kuya para tulungan tayo." tugon ni Roxanne.

—————

"Tonio, mabuti naman at nakarating ka. Kakailanganin namin ni nanay ang tulong mo. At ikaw rin, Joel. Kailangan ka rin namin. Kailangan namin kayo pareho." sambit ni Roxanne.

"Ano po bang ipapagawa ninyo, ma'am?" tanong ni Tonio.

"Well, I have a friend of mine na nasa kulungan. Kailangan ko siyang itakas. May naisip na kaming plano ni inay at alam na niya kung anong gagawin. Kayong dalawa, mag-aabang lang kayo sa sasakyan sa labas ng presinto. At kaming dalawa naman, kami ang papasok sa loob. Basta, kapag nailabas na namin 'yung dapat naming itakas, dapat handa na ang sasakyan at dapat makaalis na tayo agad. Ganun lang kasimple." tugon ni Roxanne.

"Simple lang 'yan, ma'am. Kayang-kaya naming gawin 'yan." sambit ni Tonio.

"Tama siya, Roxanne. Kami na ang bahala sa inyo." tugon ni Joel.

"Good. Sige, ihanda niyo na ang sasakyan at ang mga baril. Marami pa tayong dapat gawin." sambit ni Roxanne.

"Sige po."

—————

"Oh, at sino naman kayo? Oh wait, I remember! Kayo 'yung bumisita sa akin nung isang araw, 'di ba? Pero, nasaan na 'yung isang babaeng kasama mo?" tanong ni Martha kay Vicky nang dumalaw ito sa kulungan.

The SwitchWhere stories live. Discover now