Chapter 110: Nowhere to Go

2 0 0
                                    

"Ano, anak, pili ka na ng gown na gusto mo. Ang gaganda, oh!" sambit ni Magda.

"Naku po, nay, mukhang ang mamahal. Sigurado po ba kayo na okay lang po sa inyo na pumili ako ng mga gowns?" tanong ni Leslie.

"Anak, siyempre. Sa totoo nga, ang tatay mo ang nakaisip na bigyan ka ng debut. Kaya anak, mamili ka lang ng gowns na gusto mo, ha?" tugon ni Magda.

"Opo, nay. Salamat po." ani Leslie.

—————

"Oh ano, saan na tayo pupunta next? Anak, hindi tayo pinatuloy sa bahay ng Nerissa na 'yan. Papaano kung may alam siya sa pagpatay mo kay Mystie?" tanong ni Vicky.

"Nay, feeling ko naman na hindi niya malalaman 'yon. Wala naman akong pinagsabihang kahit na sino. Tayong apat lang nina kuya at Tonio ang nakakaalam. Bukod do'n, wala na." tugon ni Roxanne.

"Eh, saan na tayo tutuloy ngayon?" tanong ni Vicky.

"Hindi ko alam, nay. Hindi ko alam." tugon ni Roxanne.

Lumalalim na ang gabi. Habang naglalakad sila, biglang umambon. Unti-unti silang nabasa ng ulan.

"Oh my gosh, umaambon na, nay! Anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?" tanong ni Roxanne.

"Ewan ko! Ewan ko! Sumilong na lang tayo kung saan! Bukas na bukas din, hahanap tayo ng matitirhan!" tugon ni Vicky.

"Nay, ayokong mamuhay ng ganito! Ayoko ng ganito tayo! Ayoko ng wala tayong matitirhan!" sambit ni Roxanne.

"Anak, anong gagawin natin? Hatinggabi na! Wala tayong matutuluyan! Wala tayong masisilungan! Anong gusto mong gawin natin?" tanong ni Vicky.

"Hindi ko alam, nay. Hindi ko alam. Gumawa nalang tayo ng paraan." tugon ni Roxanne.

"Anong paraan? Anak, ayoko magmukhang pulubi! Ayoko ng buhay na ganito!" sambit ni Vicky.

"Nay, sino bang may gusto? Wala ni isa sa atin ang may gusto ng ganito! Hindi naman natin gustong mapalayas, 'di ba?" tugon ni Roxanne.

"Mukhang wala tayong choice. Kailangan nating humiga sa tabi ng kalsada. Bukas na bukas din, maghahanap ako ng kahit na maliit na apartment para may matuluyan tayo." sambit ni Vicky.

"Sige, nay. Sige." naluluhang tugon ni Roxanne.

—————

"Ay, mukhang maganda po 'tong gown." sambit ni Leslie.

"Talaga, anak? Gusto mo 'yan?" tanong ni Magda.

"Opo, nay." tugon ni Leslie.

"Red gown? Naku, mukhang babagay sayo 'yan! Pero I think, mas bagay sayo ang blue." ani Erika.

"Pwede naman. Sige nga ate, patingin nga ng mga blue niyong gown." tugon ni Leslie.

Ipinakita ni Erika ang mga iba pang asul na gown. Manghang-mangha si Leslie sa ganda nito.

"What do you think?" tanong ni Erika.

"Tama ka. Mas maganda nga 'to. Salamat sa suggestion, Erika. Sige po, nay. Gusto ko po ng blue." tugon ni Leslie.

"Sige, anak. Ako ang bahala."

—————

"Sa wakas, nay, nakaganti na rin ako sa mga hayop na 'yon. For sure, nagdurusa na sila sa ngayon. Siguro, para na silang mga basang sisiw." sambit ni Karen.

"Deserve nila ang lahat ng 'yon. Sa lahat ng mga ginawa nila, kulang pa 'yon." tugon ni Magda.

"Tama po kayo, nay. Totoo po 'yan. Deserve po nila ang lahat ng mga pagdurusa nila." ani Karen.

The SwitchWhere stories live. Discover now