Chapter 117: Paalam, Bella

4 0 0
                                    

"Huh? Anong nangyari kay insan?" tanong ni Karen.

"Ate, nag-flatline raw si insan! Kailangan natin siyang puntahan!" tugon ni Leslie.

"A-ano?" gulat na sambit ni Karen.

"Hon, don't panic. Huwag kang matakot. Alam kong hindi tayo pababayaan ng Diyos. Hon, laban lang." tugon ni Edward.

"Hon, please, puntahan natin si insan. Gusto ko siyang makita, hon!" sambit ni Karen.

"Pero hon, mahina ka pa! Hindi mo pa kaya!" tugon ni Edward.

"Wala akong pake, hon! Mas manghihina ako kung 'di ko makikita 'yung pinsan ko! Halika na hon, alalayan mo ako!" sambit ni Karen.

"S-sigurado ka, hon?" tanong ni Edward.

"Oo, please!" tugon ni Karen.

"Ano pang hinihintay natin? Halika na!" sambit ni Rico.

Dali-dali silang pumunta papunta sa kwarto ni Bella. Nakita nila na may mga pumasok na doktor sa loob ng kwarto niya.

Kaagad nilang sinundan ang mga doktor sa pagpasok sa kwarto ni Bella.

"Bes, si insan!" sigaw ni Karen.

"Bes, 'wag tayong susuko. 'Wag na 'wag. Kaya ni Bella 'yan. Kakayanin niya 'yan. Tiwala lang." tugon ni Ariana.

Naluluha si Karen habang pinanunuod niyang nirerevive ng mga doktor si Bella. Isinagawa nila ang CPR upang sagipin ito.

"Insaaaan!" sigaw ni Karen.

Halos bumaha ng luha ang mga mata nila dahil kay Bella. Hindi pa rin kasi ito nagrerespond.

"Ate, anong nangyayari? Bakit, b-bakit hindi pa rin siya gumigising?" tanong ni Leslie.

"H-hindi ko alam, Leslie." tugon ni Karen.

Hanggang sa makalipas ang ilan pang sandali, hindi pa rin gumigising si Bella. Napagdesisyunan na ng mga doktor na itigil na ang kanilang pag-CCPR.

"Oh, bakit niyo tinigil? Bakit niyo hindi tinuloy ang CPR? Anong tinatayo-tayo ninyo d'yan? Iligtas ninyo ang pinsan ko! Iligtas ninyo siya!" sigaw ni Karen.

"Ma'am, we tried our best. Kahit ang kaniyang life support, hindi na siya kayang isalba. We're so sorry. Condolences." sambit ng doktor.

"Anong condolence?! Hindi pwede! Iligtas ninyo ang pinsan ko! Mga doktor kayo, 'di ba? Bakit hindi ninyo gawin ang mga trabaho niyo? Trabaho ninyong magpagaling ng may sakit, 'di ba? Pero bakit hindi ninyo kayang pagalingin ang insan ko?" naluluha-luhang sigaw ni Karen.

"Ma'am, opo. Doktor nga po kami, at trabaho po naming pagalingin ang may sakit. Pero hindi po natin hawak ang buhay natin. Hindi po natin alam kung kailan tayo mamamatay. Pasensiya na po pero tao lang din po ako na nagkakasakit at namamatay. Siguro nga po, oras na niya. Pasensiya na po and we're really really sorry for your loss." tugon ng doktor at lumabas ng kwarto kasama ng mga nurse.

"Anak, tama na. Tama na." sambit ni Rico.

"Tay! Hindi pwede 'to! Hindi pwede! Ayokong mawala si insan, ayokong mawala siya!" umiiyak na tugon ni Karen.

—————

Makalipas ang ilang araw, nakalabas na rin si Karen sa ospital. Magaling na siya kaya pinayagan na siya ng doktor na umuwi. Sa ngayon, naga-aayos sila dahil papunta sila sa burol ni Bella.

"Les, sigurado ka bang pupunta tayo sa burol ni Bella?" tanong ni Karen kay Leslie.

"Oo naman, ate. Bakit?" tugon ni Leslie.

"Para kasing... para kasing 'di ko siya kayang makita. Parang 'di ko siya kayang makitang nagkakaganito." sambit ni Karen.

"Ate, kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Wala na si insan. Wala na siya." naluluhang tugon ni Leslie.

"Oo nga, Leslie. Napakahayop ng mga gumawa sa kaniya nito. Kung sino man sila, magbabayad silang lahat." sambit ni Karen.

"Ate, may dapat kang malaman. Sinabi sa akin ni insan na nakita niyang nandoon si Fred sa hotel. Si Fred ang sumaksak sa kaniya, ate! Malamang, sila rin ang may pakana ng pagsabog ng hotel!" tugon ni Leslie.

"A-ano? S-sigurado ka?" tanong ni Karen.

"Oo, ate. Sinabi sa akin ni Bella nung magising siya." tugon ni Leslie.

"Mga hayop sila, mga hayop sila! Humanda silang lahat, dahil magbabayad ang lahat nang may kagagawan nito! Magbabayad silang lahat!" sambit ni Karen.

"Tama na, ate. Tama na." tugon ni Leslie.

—————

Makalipas ang kalahating oras, narating na nila ang lugar kung saan ibinurol si Bella. Naroon na rin sina Edward, Mindy, at Nerissa.

Nang makapasok si Karen sa lugar na 'yon, nakita niya ang litrato ni Bella. Naluha siya.

"Insan." naluluhang sambit niya.

Hanggang sa dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kabaong ni Bella. Lalo pa siyang naiyak nang makita niya sa kaniyang harap mismo ang kaniyang pinsan na wala nang buhay.

"Insaaaan! Hindi, hindi pwede 'to! Hindi totoo 'to, 'di ba? Buhay pa si insan, buhay pa siya!" sambit ni Karen.

"Ate, ate, wala na siya. Wala na siya, ate." tugon ni Leslie.

"Hindi! Niloloko lang ako ng mga mata ko! Niloloko lang ako ng mga mata ko! Hindi 'to totoo! Hindi 'to totoo!" sigaw ni Karen.

Naawa si Ariana kay Karen dahil sa nakita niya. Kaya naman ay pinuntahan niya si Karen upang pakalmahin ito.

"Bes, totoo ang lahat ng nakikita mo. Wala na ang insan mo. Wala na si Bella. Patay na siya." sambit ni Ariana.

Muling tumingin si Karen sa kabaong ni Bella. Hindi niya matanggap na wala na ang kaniyang pinsan.

"Insan, pasensiya ka na kung wala akong nagawa para iligtas ka. Pasensiya ka na kung wala akong nagawa. Sorry kung nagkaroon ako ng maraming pagkukulang sayo. Sorry, patawarin mo ako." umiiyak na sambit ni Karen.

"Ate, wala kang naging pagkukulang. Naging mabuti kang pinsan sa kaniya at naging ganun din siya sayo. Ate, 'wag mong isipin 'yan. 'Wag mong isipin na nagkulang ka. Naging mabuti kang pinsan kay Bella. Kahit na, pinaghinalaan ka niya noon na ikaw ang pumatay sa nanay niya, hindi ka nagalit sa kaniya. Hindi mo naisip na maghiganti sa kaniya. Ate, naging mabuti tayo kay Bella. Wala tayong naging pagkukulang sa kaniya." tugon ni Leslie.

"Hindi Les, meron akong pagkukulang sa kaniya. Malaking pagkukulang. Hindi ko man lang siya naipaghiganti. Hindi ko man lang nakuha ang hustisya para sa kanila ni tita. Pero 'wag silang mag-alala. 'Wag kang mag-alala, insan. Ipaghihiganti kita. Ipaghihiganti kita. Ipinapangako ko, lahat ng mga Villanueva, magdurusa sila. Magdurusa silang lahat! Sisiguraduhin kong gagapang silang lahat sa hirap! Sisiguraduhin kong sila na mismo ang magmamakaawa sa akin na patayin sila. At isinisigurado ko, na makikita ko rin si inay. Dahil sa kanila, hindi pa rin nahahanap si inay hanggang ngayon. I swear, insan. I swear! Isinusumpa ko sa kanilang lahat na magdurusa sila!" galit na sambit ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now