Chapter 99: Multo ng Nakaraan

2 0 0
                                    

"Anong balak mong gawin sa babaeng 'yan?" tanong ni Roxanne.

"Well, pagbabayarin ko siya sa kasalanan niya. At maniningil ako ng mahal. Sisingilin ko siya sa ginawa niya kay Mystie. Hindi ako papayag na maging masaya siya." tugon ni Nerissa.

"Well, I guess, 'yan din ang gusto ko, tita. Magtutulungan tayo. Tutulungan kita sa paghihiganti sa kaniya. Kilala ko si Karen kaya alam ko ang mga kahinaan niya. Alam ko kung anong mga gusto niya. Kaya hindi rin ako papayag na maging masaya sila ng asawa niya. Gagawin nating miserable ang buhay nila. At kapag nangyari 'yon, makukuha na natin ang hustisya para kay Mystie." sambit ni Roxanne.

"I like that plan, Roxanne! Sige. Papayag ako. Magtutulungan tayo sa paghihiganti sa kanila. I need to fight for Mystie." tugon ni Nerissa.

—————

Kinagabihan, maagang natulog si Roxanne. Maaga siyang naghilamos at nag-ayos ng higaan.

"Hay nako, parang ang sarap matulog ng maaga ngayon. Well, bukas na bukas din, sisimulan na namin ang paghihiganti kay Karen at sa pamilya niya. Kaya I'm sure na ito na ang huling gabi na makakatulog sila ng mahimbing." sambit ni Roxanne sa sarili niya.

Tumungtong siya sa higaan at iniayos ang kaniyang kumot at sapin. Maya-maya pa, nakatulog na siya.

Mahimbing ang tulog ni Roxanne. Hanggang sa kalagitnaan ng kaniyang pagtulog, tila may isang taong umistorbo sa kaniya.

"Napaka-unfair mo. Ang unfair talaga ng mundo, 'no? Kung sino pa 'yung masama, sila pa ang nagiging masaya. At kung sino pa 'yung gumagawa ng mabuti, sila pa ang miserable." sambit ng babae nang pumasok siya sa kwarto ni Roxanne.

Dahil sa sinabi ng babae, nagising tuloy si Roxanne. Kahit na antok na antok pa siya, pinilit niyang idilat ang kaniyang mga mata upang tignan kung sino ba 'yon.

"Ano ba 'yan, sino ka ba? Bakit ba ang ingay-ingay mo? Hindi mo ba nakikita na may natutulog?" inis na sambit ni Roxanne.

"Hello, Roxanne! Gising ka na pala." muling sambit ng babae.

Idinilat ni Roxanne ang kaniyang mga mata, hanggang sa nakilala niya kung sino ang babaeng 'yon.

Ang kaniyang matalik na kaibigan noon.

Ang kaibigan niya na kaniyang ipinapatay.

Si Mystie.

"M-Mystie? B-buhay ka?" nauutal na tanong ni Roxanne.

Naglakad si Mystie papunta sa kabilang dulo ng kwarto ni Roxanne.

"Well, siguro nga, buhay ako. Alam mo, ang unfair mo talaga, 'no? Ikaw 'yung masama pero ikaw 'yung masaya. At ako na ipinapatay mo, hindi ko pa rin makuha ang hustisya." tugon ni Mystie.

"Hindi! H-hindi totoo 'to! Hindi! Niloloko lang ako ng mga mata ko! Hindi ka totoo! Patay ka na, Mystie! Nakita ko pa nga 'yung puntod mo, eh! Patay ka na! Dinadaya lang ako ng isip ko!" sigaw ni Roxanne.

"Papaano kung sabihin kong, hindi? Papaano kung buhay talaga ako? Alam mo, Roxanne, ang dapat sa mga kagaya mong kriminal at mamamatay-tao, pinapatay!" tugon ni Mystie at unti-unti siyang lumapit kay Roxanne.

"A-anong gagawin mo?" natatakot na tanong ni Roxanne.

"Uunti-untiin kita hanggang sa hindi mo na kayanin. At sisiguraduhin kong makukuha ko ang hustisya ko. Hindi ako papayag na maging masaya ka, ex-bestfriend!" tugon ni Mystie at hinawakan niya si Roxanne sa leeg.

"B-bitiwan mo 'ko! A-aray!" hindi makapagsalita ng maayos si Roxanne dahil hawak ni Mystie ang leeg nito. Unti-unti niya itong sinasakal.

"Alam mo, dapat, matagal nang nangyari 'to sayo. Hindi ako akalain na kaya mo akong ipapatay. Kaya ko lang naman sinabi kina Karen ang totoo dahil sumosobra ka na. Dahil hindi na kinakaya ng konsensiya ko. Aalis na sana ako para pumunta ng ibang bansa pero ano? Ipinapatay mo 'ko! Kaya ngayon, 'yun din ang gagawin ko sayo!" galit na sambit ni Mystie.

The SwitchWhere stories live. Discover now