Chapter 123: Roxanne Kills

4 0 0
                                    

Nang makauwi ang pamilya nila Karen, naging magaan ang kalooban nila dahil nakauwi na si Karen nang ligtas.

"Tay, Ariana, Les, hon, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Salamat sa pagligtas niyo sa akin sa mga kamay ng mga Villanueva. Salamat sa lahat-lahat ng sakripisyo ninyo." naluluhang sambit ni Karen.

"Ate, ano ka ba. 'Wag mong isipin 'yun. Kahit ilang beses kang mapahamak, paulit-ulit ka naming ililigtas, kasi pamilya ka namin. Ngayong hindi pa rin nakikita si inay, tayo ang magdadamayan sa lahat ng mga pagsubok at paghihirap." tugon ni Leslie.

"Oo, bes. Tama si Leslie. Sino pa bang magdadamayan kundi tayo-tayo lang 'di ba?" tanong ni Ariana.

"Group hug nga!" sambit ni Karen.

Nagyakapan sina Karen, Leslie, Ariana, Edward, at Rico. Nagpapasalamat sila dahil muling nakaligtas si Karen mula sa masasamang kamay ng mga Villanueva.

—————

"Nay, ano nang plano mo? Ano nang gagawin natin para makaganti sa letseng Karen na 'yun at sa pamilya niya? Ano, tutunganga na lang ba tayo rito?" tanong ni Roxanne.

"Anak, pwede ba, nagluluksa pa tayo sa pagkamatay ng kuya mo. Pwede ba ha, tigil-tigilan mo muna 'yang pag-iisip ng pagbawi kina Karen! May oras pa do'n at hindi ito ang oras!" sigaw ni Vicky.

"Nay, ano ba? Bakit ka ba sumisigaw, ha? Magkatabi lang tayo at naririnig kita!" sambit ni Roxanne.

"Alam mo, bwisit ka kasi, eh! Bwisit ka! Alam mo namang nagluluksa pa tayo sa pagkamatay ng kapatid mo, tapos ano? Gusto mong bumawi ka kaagad kina Karen? Ha? Hindi ba pwedeng palipasin mo muna 'to?" tugon ni Vicky.

"Nay, pwede ba? Pareho lang tayong nawalan! Pareho lang tayong nagluluksa! 'Wag ka namang ganyan! Ano bang gusto mo, maging masaya 'yung pamilya ni Karen habang tayo, nagluluksa? Nay naman! Mag-isip-isip ka din!" sambit ni Roxanne.

"Oo na, i'm sorry! Sige na, ano ba 'yung sinasabi mo?" tanong ni Vicky.

"Nay, kelan mo bang balak maghiganti sa pamilya ni Karen? Kating-kati na 'kong makabawi sa kanila!" tugon ni Roxanne.

"Ako rin naman eh! Ako rin! Mas masakit sa akin dahil sayo, kapatid lang ang nawala! At sa akin, sarili kong anak ang nawala! Hindi ba mas masakit 'yon?" tanong ni Vicky.

"Nay, kung kapatid man o anak ang nawala sa atin, nay, parehong masakit 'yon. Kaya pwede ba ha, gawin na natin ang paghihiganti kina Karen para naman hindi na sila matahimik." tugon ni Roxanne.

"Tama ka, anak. Tama ka. Dapat na tayong maghiganti sa pesteng Karen na 'yun lalong-lalo na sa pamilya niya. Hindi na tayo papayag na maging masaya pa sila." sambit ni Vicky.

"'Yan ang gusto ko, nay. Kailangan na nating planuhin 'yan. Kailangang makuha natin ang hustisya para kay kuya." tugon ni Roxanne.

—————

"Ma'am Karen! Welcome home po! Naku, kung alam niyo lang po, sobrang nag-alala po sa inyo si ma'am Rita. Mabuti po at nakaligtas kayo." sambit ni Janice.

"Oo, Janice. Nakaligtas ako. Masaya ako dahil nakabalik ulit ako dito sa mansyon. Akala ko nga, katapusan ko na eh." tugon ni Karen.

"Karen, 'wag mong sabihin 'yan. Magiging mahaba pa ang buhay mo. Matagal pa tayong magkakasama." nakangiting sambit ni Rita.

"Salamat po, mama. Salamat po ng marami sa inyo." tugon ni Karen.

—————

Nakasakay sina Roxanne at Vicky sa kanilang sasakyan. Nakaabang sila sa harap ng mansyon nina Rita at Edward.

"Nay, sigurado ka ba dito sa plano natin? Talaga bang gusto mo nang patayin si Karen?" tanong ni Roxanne.

"No, anak. Uunahin muna natin 'yang Edward na 'yan. Pagkatapos, papatayin natin ang buong pamilya ni Karen. At kapag patay na silang lahat, si Karen naman ang isusunod natin sa kanila." tugon ni Vicky.

"Tama ka, nay. Gusto kong ako ang papatay sa kanila." sambit ni Roxanne.

"Then, good! Tapusin mo na 'yung mga hayop na 'yon! Ubusin mo na silang lahat!" tugon ni Vicky.

"Well, nay, gawin na natin ang plano natin." sambit ni Roxanne.

"Para sa kuya mo." tugon ni Vicky.

Inilabas ni Roxanne ang kaniyang baril at bumaba ng sasakyan. Nang makarating siya sa gate, nakita niyang may padlock doon. Binaril niya ito.

"A-ano 'yun?" gulat na tanong ni Leslie.

"Teka, putok ng baril 'yun, ah?" tugon ni Janice.

"Magtago kayo, magtago kayo!" utos ni Rita.

Nang masira ang padlock, kaagad na pumasok sa loob ng mansyon sina Vicky at Roxanne kaagad nilang binuksan ang pintuan ng mansyon.

"Well, hello! What a nice day to die!" sambit ni Roxanne.

"R-Roxanne? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Karen.

"Well, nandito lang naman ako para maningil sa inyo! Pinatay ninyo ang kuya ko, ngayon, papatayin ko rin kayo! Ngayon, magpapaputok ang baril, at kung sinong matamaan, patay!" tugon ni Roxanne.

Ipinutok ni Roxanne ang kaniyang baril. Itinutok niya ito kina Karen at Edward ngunit nagulat sila nang biglang itinulak sila ni Janice at siya ang natamaan!

"Janice!" sigaw ni Karen.

"Janice, iha! Lumaban ka!" tugon ni Rita.

"Hayop ka talaga, Roxanne! Napakasama mo! Kayong mag-ina mga demonyo kayo!" sigaw ni Leslie.

"You're right, Leslie. Demonyo kaming mag-ina. Dapat lang sa inyo 'yan dahil pinatay ninyo ang kuya ko! Nawala siya nang dahil sa inyo!" tugon ni Roxanne.

"Kung ano man ang nangyari sa mga buhay ninyo, kayo ang may kagagawa no'n at huwag ninyong isisi sa amin ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ninyo! Ariana, tumawag ka ng pulis!" sambit ni Leslie.

"Oo, Les, tatawag ako ng pulis. At kayo, Vicky at Roxanne, umalis na kayo rito kung ayaw ninyong itapon kayo sa kulungan!" tugon ni Ariana.

"Aalis kami talaga. But don't worry, iisa-isahin namin kayo! Kaya humanda na kayo dahil pipili kami ng mga susunod naming papatayin!" sigaw ni Roxanne.

"Hayop ka! Mga demonyo kayo! Kulang pa sa inyo ang masunog sa impyerno!" sambit ni Rico.

"Wala kaming pake sa mga gusto mong sabihin, Rico. Anak, alis na tayo!" tugon ni Vicky.

Dali-daling tumakas ang mag-inang Vicky at Roxanne. Kaagad silang umalis sa lugar na 'yon.

—————

May isang babaeng nakasakay sa isang magarang sasakyan. Tumigil ang sasakyan na 'yon sa harapan ng kaniyang bahay.

Nang makababa siya ng sasakyan, binati siya ng kanilang mga kasambahay.

"Welcome home, Ms. Martha! Kamusta po ang biyahe ninyo? Enjoy po ba?" tanong ng isa sa kanilang mga kasambahay.

"Mabuti naman, Cynthia. Pero, nakakapagod. Napagod kami ng anak ko." masayang tugon ni Martha.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now