Chapter 143: Patibong

2 0 0
                                    

"Dok, answer me! What happened to my husband? Anong lagay niya? Gagaling pa siya, 'di ba?" tanong ni Nerissa.

"I'm sorry, ma'am. Medyo kritikal po ang lagay niya. Hindi ko po alam kung paano sasabihin, pero..." tugon ng doktor.

"Pero ano, dok? Ano? Tell me! Mabubuhay pa ba siya? May chance pa bang maka-survive siya? May chance pa bang makasama ko ang asawa ko? Ano, dok? Ano? Tell me!" naluluhang sambit ni Nerissa.

"I'm sorry po, pero, baka hindi na po siya magtagal." tugon ng doktor.

"No! No! Hindi! Hindi pwede! Dok, please do everything to save him! Dok, namatayan na ako ng isang anak, at hindi ko hahayaang mawalan pa 'ko ng asawa!" sambit ni Nerissa.

"Don't worry, we will do everything to save him. Kailangan natin siyang operahan at tanggalin ang bala sa katawan niya. And after that, baka mas lalong lumaki ang chance na mabuhay siya." tugon ng doktor.

"Sige, dok. Operahan niyo siya. Gawin niyo lahat! Gawin niyo ang lahat! Kahit magkano 'yan, magbabayad ako! Basta do everything to save him!" sambit ni Nerissa.

"Yes, ma'am. We will do everything para mailigtas siya. Don't worry." tugon ng doktor at muli itong nagtungo sa emergency room.

—————

"Hindi ko alam, Karen. Hindi ko alam kung kakayanin ko pang mawala siya. Nawala si Mystie, nawala na ang anak ko. Hindi ako papayag na mawala pa ang asawa ko." sambit ni Nerissa.

"Tita, calm down. Calm down. Gagawin na po ng mga doktor ang lahat. Just pray and everything will be fine." tugon ni Karen.

"Sinabi ng doktor, kailangan daw siyang operahan. Kailangang tanggalin ang bala na nasa loob ng katawan niya. Ngayon ko na nga lang ulit makakasama ang asawa ko, ganito pa. Hindi ko talaga mapapatawad ang bumaril sa kaniya." sambit ni Nerissa.

"'Wag kayong mag-alala, tita. Ipakukulong natin si Martha. Ipakukulong natin siya. Hindi ako papayag na makatakas siya ng ganun-ganun lang." tugon ni Karen.

—————

"Grabe, hindi ko akalain ate na aabot sa ganun si mommy. Hindi ko akalain na makakapatay siya ng tao. Kailangan ko siyang ipakulong as soon as possible. Hindi ko hahayaang makasakit pa siya ng iba o makapatay." sambit ni Sabrina.

"Kambal, ano ba kasi talagang nangyayari sa nanay-nanayan mo? Bakit siya ganun? Bakit, bakit siya pumatay? What's the point?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam, Leslie. Ang alam ko lang, mapanganib siya. Gagawin niya ang lahat para lang bawiin ako sa inyo. Kahit pumatay, gagawin niya. That's how desperate she is." tugon ni Sabrina.

"Eh teka, paano mo siya ipakukulong? Papaano?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam. Kung nasaan man siya ngayon, kailangan kong magpadala ng mga pulis. Kailangang mahuli siya." tugon ni Sabrina.

"Eh, papaano mo malalaman kung nasaan siya?" tanong naman ni Karen.

"Tatawagan ko siya. Sana, sumagot siya." tugon ni Sabrina.

Kaagad na kinuha ni Sabrina ang kaniyang telepono. Sinubukan niyang tawagan ang kaniyang mommy.

"Mommy, answer my call. Answer it!" sambit ni Sabrina.

"Ano, sumagot na ba?" tanong ni Karen.

"Hindi ate eh, ring lang ng ring. Hindi niya sinasagot ang telepono niya." tugon ni Sabrina.

Maya-maya pa ay ibinaba na ni Sabrina ang tawag. Hindi sinasagot ng kaniyang mommy ang kaniyang telepono.

"Hindi sumagot?" tanong ni Karen.

"Hindi, ate. Si ate Cynthia na lang ang tatawagan ko, 'yung kasambahay namin." tugon ni Sabrina.

Muling tumawag si Sabrina. Sa pagkakataong ito, sumagot si Cynthia.

"Hello? Ate Cynthia? Nasaan si mommy? Nandyan ba siya?" tanong ni Sabrina.

"Hello, ma'am Sabrina! Nagmamadaling umuwi ang mommy mo kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero parang natataranta siya." tugon ni Cynthia.

"Ate Cynthia, huwag mong hahayaang makaalis ng bahay si mommy. Huwag mong hayaang makalabas siya. Pupunta kami d'yan, magsasama kami ng pulis. Nakapatay siya ng tao." sambit ni Sabrina.

"A-ano? Totoo ba 'yun? A-anong gagawin ko?" tanong ni Cynthia.

"Ate Cynthia, mas mabuti pang magpanggap ka na walang alam. Kunwari wala akong sinabi sayo. Pero please, 'wag na 'wag mong hahayaang makatakas si mommy. Hindi na niya pwedeng takasan ang mga kasalanan niya." tugon ni Sabrina.

"S-sige, ma'am Sabrina. Ako na ang bahala. Nandun siya sa kwarto niya. Nag-lock siya ng pinto. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, pero malakas ang kutob ko na may balak siyang tumakas." sambit ni Cynthia.

"Sige, ate Cynthia. Kayo na lang ni kuya Marlon ang bahala. Mag-iingat kayo kay mommy." tugon ni Sabrina at ibinaba ang telepono.

"Ate, kambal, kailangan natin ang tulong nina nanay at tatay. Kailangan nating magpadala ng mga pulis sa bahay namin." sambit ni Sabrina.

Hindi na nag-aksaya ng oras sina Sabrina. Kaagad silang nagpadala ng mga pulis sa bahay nina Martha.

—————

"Marlon, ihanda mo ang sasakyan. Aalis ako. Bilisan mo dahil nagmamadali ako." sambit ni Martha.

"S-sige po." tugon ni Marlon.

Narinig ni Cynthia ang sinabi ni Martha. Kaagad niya itong pinuntahan.

"Ma'am Martha, saan po kayo pupunta?" tanong ni Cynthia.

"Cynthia, pwede ba? 'Wag ka nang makisawsaw! Marami na akong problema! Pwede ba, maglinis ka na lang ng inodoro!" tugon ni Martha.

"P-pasensiya na po, ma'am." sambit ni Cynthia.

Lalabas na sana si Martha ng kanilang pinto ngunit biglang may nag-doorbell.

"Marlon, s-sino 'yon?" tanong ni Martha.

"H-hindi ko po alam, ma'am. Ako na po ang magbubukas." tugon ni Marlon.

"Huwag! Huwag mong bubuksan!" pabulong na sambit ni Martha.

"M-mommy? Mommy, nandyan ka ba? Mommy?" muling napalingon si Martha sa gate nang marinig niya ang boses ni Sabrina.

"Anak? Sabrina?" tanong ni Martha.

"Mommy, buksan mo 'tong gate!" tugon ni Sabrina.

Kaagad na binuksan ni Martha ang gate. Napangiti siya nang makita si Sabrina. Ngunit, nawala rin ang ngiting 'yon nang makita niyang may mga kasama siyang pulis.

—————

"Madam Rita, uminom na po kayo ng gamot ninyo." sambit ni Iris.

"Sige, iha. Salamat." tugon ni Rita.

Matapos inumin ni Rita ang kaniyang gamot, inilapag ni Iris ang baso at ang mga gamot sa maliit na lamesa.

"Madam, aalis po muna ako. Bibisitahin ko lang po 'yung kapatid ko. May ibibigay lang po ako sa kaniya." sambit ni Iris.

"Sige, iha. Mag-iingat ka ha. Kaya ko na ang sarili ko. Ako na ang bahala." nakangiting tugon ni Rita.

—————

Nagtungo si Iris sa isang bahay. Kumatok siya sa kanilang gate.

Maya-maya lamang ay bumukas ang gate. Napangiti siya nang makita niya ang kaniyang ina. Si Vicky.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now