Chapter 14: Alok

18 2 0
                                    

"Ano 'to, Edward?" tanong ni Karen.

"Surprise! It's a switching machine. Hindi ba, gusto mong ma-try na mabuhay sa ibang katawan?" tanong ni Edward.

"Oo. Pero, legit ba talaga 'yan?" tanong ni Karen.

"Oo naman. Pero gusto ko na ikaw ang unang mag-try nito." tugon ni Edward.

----------

"Oh, Roxanne, saan ka nanaman pupunta?" tanong ni Fred.

"Kina Karen." tugon ni Roxanne.

"Karen nanaman? Ano bang meron dyan kay Karen tsaka sa asawa niya?" tanong ni Fred.

"Well kuya, I just want to visit them. Masama ba?" tanong ni Roxanne.

"Hindi naman. Pero baka naman masyado ka nang nagpapapansin sa asawa niya ha?" tanong ni Fred.

"Hindi naman, kuya. O siya sige, alis na ako. Bye." tugon ni Roxanne.

----------

"At sino naman ang magiging kapalitan ko ng katawan?" tanong ni Karen.

"I don't know. Pwedeng si Bella, si Ariana, or si Roxanne. Pwede mo silang papuntahin dito." tugon ni Edward.

"Sigurado ka?" tanong ni Karen.

"Oo naman." sambit ni Edward.

"Teka lang sandali, tatawagan ko lang si Bella." sambit ni Karen at kinuha niya ang kaniyang telepono.

"Hello, Karen, napatawag ka?" tanong ni Bella.

"Oo, Bella. Pwede ka ba ditong pumunta sa bahay?" tanong ni Karen.

"Naku, Karen, pasensiya ka na. May importante lang kaming pinuntahan ni Nanay. Sorry ha." sambit ni Bella.

"Okay lang. Sige, ingat kayo." tugon ni Karen at tsaka ibinaba ang telepono.

"Anong sabi ni Bella?" tanong ni Edward.

"Naku, may importante raw silang pinuntahan." tugon ni Karen.

Napalingon sila sa labas ng garahe nang biglang may dumating na sasakyan.

"Sasakyan ni Roxanne 'yan ah?" sambit ni Karen.

"Oo nga." tugon ni Edward.

Bumaba si Roxanne ng sasakyan.

"Hi Karen, hi Edward!" bati nito.

"Roxanne, napabisita ka? Anong atin?" tanong ni Karen.

"Uhm, wala naman. Gusto ko lang kayong kamustahin." tugon ni Roxanne.

"Halika dito, pasok ka." sambit ni Karen.

Pumasok si Roxanne sa loob ng garahe. Nakita niya ang switching machine.

"Wow, ano 'to?" tanong ni Roxanne.

"Roxanne, that's a switching machine. Kakabili ko lang niyan. Gusto niyo bang i-try ni Karen?" tanong ni Edward.

"Switching machine? Para saan naman 'yan?" tanong naman ni Roxanne.

"'Yan ang ginagamit para magkapalit ng katawan ang dalawang tao." paliwanag ni Edward.

"Naku, kakaiba 'yun ah! Pero sigurado ba kayo na gagana 'yan?" tanong ni Roxanne.

"Of course. Kilala ko ang pinagbilhan ko niyan. Kaya nga gusto kong ipasubok sa inyo 'to ni Karen eh." sambit ni Edward.

"Ano Roxanne, G?" tanong ni Karen.

"Don't worry, Roxanne. Isang araw lang naman. Magkakapalit kayo ng katawan ni Karen for one day. It's just a free trial." sambit ni Edward.

"Sige, G. Payag na ako. Pero pwede bang magpaalam muna ako sa kapatid ko?" tanong ni Roxanne.

"Sure. Sige. So, kelan ka pwede, Roxanne?" tanong ni Edward.

"I don't know, maybe this week. Kapag nakaluwag na ako sa schedule ko aa trabaho." tugon ni Roxanne.

"Is it a deal?" tanong ni Edward.

"Sige, deal!" tugon ni Roxanne.

"Naku, Roxanne, magkakapalit tayo ng katawan ng isang araw!" sambit ni Karen.

"Don't worry, Karen. It's okay. Nga pala, nagpunta ako rito para dalhan kayo ng mga prutas. Eto oh." sambit ni Roxanne.

"Naku, Roxanne, salamat. Nag-abala ka pa." tugon ni Karen.

"Don't worry, Karen. It's okay." sambit ni Roxanne.

----------

"Hon, are you sure about that switching machine? Para kasing kinakabahan ako eh." sambit ni Karen.

"Gusto mo bang i-cancel ang pagpapalit ninyo ni Roxanne ng katawan? Pwede naman if you want." tugon ni Edward.

"No, no, no. You don't have to do it. I'm just making sure if it's safe." sambit ni Karen.

"Of course, hon. It's safe. Hindi ko naman ipapasubok sa inyo 'yun kung hindi safe eh." tugon ni Edward.

"Nga pala, hon. Alam na ba 'to ng mommy mo?" tanong ni Karen.

"No, hon, hindi niya 'to alam." tugon ni Edward.

Napalingon sina Karen at Edward kay Rita nang bigla itong lumabas mula sa kaniyang kwarto.

"Anong hindi ko alam?" tanong ni Rita.

"Uhm, b-bumisita po kasi dito kanina si Roxanne, Ma." tugon ni Edward.

"Ah, opo, tita." sambit ni Karen.

"Ah, si Roxanne? 'Yun ba 'yung bisita mo noong isang araw? Ay, bakit hindi ninyo sinabi sa akin na dumalaw siya?" tanong ni Rita.

"Ay, Ma, sumaglit lang po siya eh. May dinala lang po siyang mga prutas." tugon ni Edward.

"Aba, eh talaga naman palang mabait ito si Roxanne eh. Pakisabi nalang sa kaniya, salamat kamo." sambit ni Rita.

"Sige po, Ma." tugon ni Edward.

----------

"Well, Roxanne, I think this is your lucky day. Mukhang mapapasayo na rin si Edward. Pero dapat ko ba 'tong sabihin kay kuya?" sambit ni Roxanne sa kaniyang sarili habang nagmamaneho pauwi.

"No. Hindi ko sa kaniya sasabihin. Baka kasi hindi siya pumayag." dagdag pa niya.

Nang makarating siya sa kanilang bahay, kaagad siyang bumaba at pumasok sa loob ng bahay.

"Oh, Roxanne, saan ka nanaman galing?" tanong ni Fred.

"Saan pa ba? Edi kina Karen." tugon ni Roxanne.

"Ano bang meron doon sa bahay nina Karen na 'yan, ha? Bakit ba palagi kang punta ng punta doon?" tanong ni Fred.

"Wala lang, kuya. Wala lang kasi akong makausap dito sa bahay. Ikaw naman, palagi kang busy." tugon ni Roxanne.

"Wala ka na ba talang ibang makausap? Bakit hindi mo nalang tawagan si Mystie?" tanong ni Fred.

"Well, kuya. Alam mo namang busy rin 'yung babaeng 'yun. Pero speaking of Mystie, ano na kayang nangyari sa babaeng 'yun?" tanong ni Roxanne.

"I don't know, just call her." tugon ni Fred.

"Eh teka, bakit parang bihis na bihis ka naman yata?" tanong ni Roxanne.

"May meeting ako with the client. I need to use the car. Mahuhuli na ako." tugon ni Fred.

"Ano ba 'yan, kuya. Meeting ka nanaman. O siya sige, ingat ka." sambit ni Roxanne.

Nang umalis si Fred ay kaagad na kinuha ni Roxanne ang kaniyang telepono at tinawagan si Mystie.

"Hello, Mystie?" sambit ni Roxanne.

"Hi friend, napatawag ka?" tanong ni Mystie.

"Pumunta ka dito sa bahay, now na." tugon ni Roxanne.

"Ano ba naman 'yan, bat ba parang biglaan naman 'yan?" tanong ni Mystie.

"Basta, Mystie. May plano ako. Just go here." tugon ni Roxanne.

To be continued...

The SwitchDove le storie prendono vita. Scoprilo ora