Chapter 17: Free Trial

18 2 0
                                    

"Kailangan kong angkinin ang katawan ni Karen para maging akin na si Edward." sambit ni Karen.

"Ano? So ibig sabihin mo, forever ka na mag-sstay dyan sa katawan ni Karen?" tanong ni Mystie.

"Oo, Mystie. I have to stay here. Kapag hindi nangyari 'yon, baka tuluyan nang hindi mapasaakin si Edward." tugon ni Karen.

"Gaga ka! Eh paano kung bawiin ni Karen ang katawan na 'yan?" tanong ni Mystie.

"Well, kahit ipilit niya, wala siyang magagawa. May isang araw pa ako para gumawa ng paraan, Mystie. At sa loob ng isang araw na 'yon, kailangan kong gumawa ng paraan para mapigilan ang pagpapalit namin ng katawan ni Karen." tugon ni Karen.

"Eh ano namang naiisip mo na paraan?" tanong ni Mystie.

"Don't worry, Mystie. Malalaman mo rin kung ano ang paraan na 'yon." tugon ni Karen at saka sila bumaba ni Mystie ng sasakyan.

Pagkababa nila ng sasakyan ay kumatok si Karen sa kanilang pinto. Kaagad rin naman silang pinagbuksan ni Fred.

"Oh, Mystie, sino 'yang kasama mo?" tanong ni Fred.

"Ah, kuya, si Roxanne." tugon ni Mystie.

"What? Anong Roxanne?" nagtatakang tanong ni Fred.

"Kuya, it's me, Roxanne. Ako si Roxanne. Ako ang kapatid mo." tugon ni Karen.

"What? Ano bang pinagsasasabi mo? Niloloko niyo ba ako?" tanong ni Fred.

"Kuya, hindi. Hindi ka namin niloloko. Just please, let me explain." sambit ni Karen.

"Oo nga kuya, papasukin mo muna kami." dagdag pa ni Mystie.

Kaagad pumasok sina Mystie at Karen sa loob.

"Sige nga, anong ipapaliwanag niyo?" tanong ni Fred.

"Kuya, maniwala ka. Ako 'to, si Roxanne. Nandito na ako sa katawan ni Karen. Nagpalit kami ng katawan." paliwanag ni Karen.

"Karen? Hindi ba 'yun 'yung kaibigan ni Roxanne?" tanong ni Fred.

"Oo, kuya. Si Karen nga ang kaibigan ko. At ako ito, ako si Roxanne na nasa katawan ni Karen." tugon ni Karen.

"What? How did that happen? Paano?" tanong ni Fred.

"Well kuya, it's just a simple explanation. We used a switching machine para pagpalitin ang katawan namin." tugon ni Karen.

"At bakit naman kayo magpapalit?" tanong ni Fred.

"Dahil kuya, bumili ang asawa ni Karen ng switching machine, and he want us to try it." paliwanag ni Karen.

"At bakit hindi mo man lang ako kinonsulta?" tanong ni Fred.

"Sorry, kuya. Alam ko kasing hindi ako papayag eh. Pero don't worry, isang araw lang naman ako mananatili dito sa katawan ni Karen. Hindi rin ako dito magtatagal." tugon ni Karen.

"Ha? Anong isang araw? Eh hindi ba, sinabi mo sa akin na mag-sstay ka dyan forever?" tanong ni Mystie.

"Pwede ba, Mystie. Tumahimik ka nga." bulong ni Karen.

"Basta ha, kailangang maibalik ka nila sa katawan mo bukas na bukas. Hindi ako papayag na mag-stay ka pa dyan." tugon ni Fred.

"S-sige, kuya. I'll tell them." sambit ni Karen.

----------

"You know what, I still don't believe you. Ikaw ba talaga si Roxanne?" tanong ni Fred.

"Oo nga, kuya. Ako talaga 'to, si Roxanne. Maniwala ka." tugon ni Karen.

"Oh sige nga, anong pangalan ng nanay namin ni Roxanne?" tanong ni Fred.

"Victoria." sambit ni Karen.

"Nickname?" tanong ni Fred.

"Vicky." tugon ni Karen.

"Anong favorite color ni Mama?" tanong ni Fred.

"Red." tugon ni Karen.

"What? Paano mo nalaman?" tanong ni Fred.

"It's because, ako nga si Roxanne! Pwede ba kuya, maniwala ka naman sa akin!" tugon ni Karen.

"Okay, fine. Naniniwala na ako sayo. Naninigurado lang ako na ikaw talaga si Roxanne." sambit ni Fred.

----------

"Nak, pwede ba akong bumisita dyan sa mansyon?" tanong ni Magda.

"Sige po, Nay. Pwede po kayong pumunta dito." tugon ni Roxanne.

"Anak, bakit parang iba 'yung boses mo? May sakit ka ba?" tanong ni Magda.

"Nay, I'll explain. Pumunta po kayo rito. May kailangan po kayong malaman." tugon ni Roxanne.

"Malaman? Ano?" tanong ni Magda.

"Basta, Nay. Pumunta na po kayo rito." tugon ni Roxanne.

"Sige. Isasama ko si Leslie." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay. Ingat po kayo." tugon ni Roxanne.

Ibinaba ni Karen ang telepono.

"Hon, anong sabi ng nanay mo?" tanong ni Edward.

"Hon, pupunta raw dito sila Mama at Leslie. Nagtataka raw sila kung bakit iba ang boses ko. Hindi nila alam na nasa katawan ako ni Roxanne." tugon ni Roxanne.

"Sige, hon. Okay lang na papuntahin mo sila rito. Tulog pa naman si Mama. Sana lang, hindi sila magkagulo kapag nagkita sila." sambit ni Edward.

"Sana nga." tugon ni Roxanne.

----------

"Leslie, anak, pupunta tayo ngayon sa ate mo." sambit ni Magda.

"Po? Bakit po, Nay?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam, pero sinabi niya na may dapat daw tayong malaman." tugon ni Magda.

"Huh? Bakit, may sikreto po ba si ate?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam, anak. Pupuntahan natin ang ate mo at baka may ginawa nanaman sa kaniya ang biyenan niyang bruha." tugon ni Magda.

"Sige po, Nay. Magbibihis lang po ako." sambit ni Leslie.

----------

"Tonio, sagutin mo 'to!" sambit ni Karen.

"Ano ba 'yan, friend. Bakit mo ba tinatawagan 'yung tauhan ng kuya mo?" tanong ni Mystie.

"Pwede ba, Mystie, 'wag ka ngang makialam! This is the part of my plan. Kaya pwede, hayaan mo nalang ako!" tugon ni Karen.

"Okay, fine. Sige. Hahayaan kita. Pero kapag pumalpak 'yang plano mo, huwag mong sasabihin na I didn't warn you, ha?" sambit ni Mystie.

"Mygosh, Mystie! Basta, ako ang bahala dito sa plano ko! Sana lang walang umepal." tugon ni Karen.

Maya-maya pa ay sinagot na ni Tonio ang tawag ni Roxanne.

"Hello po, ma'am, Roxanne, napatawag po kayo?" tanong ni Tonio.

"Hello, Tonio! Long time no, usap, huh? Well, may ipapagawa lang naman ako sayo. And make sure na hindi ka papalpak." tugon ni Karen.

"Ano po 'yun, ma'am?" tanong ni Tonio.

"Well, Tonio. I want you to go here mamayang 3am." sambit ni Karen.

"3am, ma'am? Bakit naman po madaling araw?" tanong ni Tonio.

"Basta. Huwag ka nang magreklamo. Don't worry, I'll pay you kahit magkano. Just do kung anong iniuutos ko sayo." tugon ni Karen.

"Sige po, ma'am." sambit ni Tonio at tsaka ibinaba ang telepono.

"Oh ano, friend? Anong sabi ni Tonio?" tanong ni Mystie.

"Well, pupunta siya rito mamayang 3am. And then, doon na namin isasagawa ang plano." tugon ni Karen.

"Anong plano?" tanong ni Mystie.

"To destroy the switching machine." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now