Chapter 106: Pag-amin

2 0 0
                                    

Kaagad inawat ni Vicky ang mga preso.

"Hoy, mga siraulo ba kayo? Bakit ninyo sinikmuraan ang anak ko?" sambit ni Vicky.

"Bakit, gusto mo rin bang masampolan?"

"Pwede ba ha, kayang-kaya ko kayong ipatumba rito! Sinasabi ko sa inyo! Marami kaming pera at kayang-kaya namin kayong ipapatay lahat!" ani Vicky.

"Hoy, tanda. 'Wag kang magreyna-reynahan dito. Kung sa labas ng kulungan, ikaw ang reyna, pwes dito, hindi. Hindi ka namin aatrasan." sambit ng preso.

"Sige, subukan ninyo!" tugon ni Vicky.

—————

"Mommy, ano na? Gagawin mo na ba 'yung inaalok nila aling Magda? Tumestigo ka na kasi! Or else, mabubulok ka rito sa kulungan. Gusto mo ba 'yon, mommy?" sambit ni Joana.

"Oo na, oo na. Sige na. Tetestigo na ako laban sa kanila. Pero dapat tuparin nila 'yung pinangako nila sa atin. Kailangan makaalis na ako dito kaagad. Mahirap na, baka balikan pa tayo nung mga Villanueva na 'yon." tugon ni Olivia.

"T-talaga, mommy? Magiging witness ka na laban sa kanila? Pumapayag ka na?" tanong ni Joana.

"Oo. Nakapag-isip-isip na rin ako. Totoo namang maling kumampi sa kanila eh. Pero hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon. Mukhang nasilaw ata ako sa pera nila." tugon ni Olivia.

—————

"Attorney, aamin na ako. Papayag na akong tumestigo kina Vicky at kay Roxanne. Payag na akong ibuking sila sa lahat ng kasalanan nila." sambit ni Olivia kay Atty. Domingo na kaniyang abogado.

"Sige, Olivia. Anong nalalaman mo laban sa kanila?" tanong ng kaniyang abogado.

"Atty, ginamit lang nila kami. Ginamit lang nila kami para magkapera sila. Para tulungan namin sila. Pero pagkatapos ng lahat, ayoko nang makipagkampihan sa kanila. Masasama silang mga tao." tugon ni Olivia.

Ikinuwento ni Olivia ang lahat ng nalalaman niya. Ang tangkang pagpatay kay Leslie at ang tangkang pagpatay sa kanila.

—————

Nakaupo si Leslie sa malaking sofa ng mansyon. Doon muna sila natulog kinagabihan dahil baka balikan na naman si Karen ng mga masasamang-loob. Nakita ni Magda na mukhang malungkot si Leslie.

"Oh anak, bakit mukhang malungkot ka? Ayos ka lang ba?" tanong ni Magda.

"Ayos lang naman po ako, nay. Sana lang po, tumestigo na sina Joana at ma'am Olivia laban sa mga Villanueva para mas lalo silang makasuhan." tugon ni Leslie.

"Hay nako, anak. Mangyayari rin 'yan. Matatauhan din sila." sambit ni Magda.

"Sana nga po, nay." tugon ni Leslie.

"Oh, nay, Leslie, ano pong ginagawa niyo rito sa sala? Kumain na po tayo." sambit ni Karen.

"Ah, napag-usapan lang kasi namin sina Joana at Olivia. Sana, tumestigo na sila. Para sa ikatatahimik nating lahat." tugon ni Magda.

"Oo nga po, nay. Sana nga po." ani Karen.

Napalingon sila sa labas nang biglang tumunog ang doorbell.

"S-sino 'yun?" tanong ni Magda.

"Ako na po ang magbubukas, nay." tugon ni Karen.

Kaagad tinignan ni Karen kung sino ba ang nasa labas. Nagulat siya nang makita ang mga pulis.

"Dito po ba nakatira si Mrs. Margarita Pineda?" tanong ng mga pulis.

"O-opo. Bakit po?" tugon ni Karen.

The SwitchWhere stories live. Discover now