Chapter 91: Karen is Back

1 0 0
                                    

Unti-unting gumana ang switching machine. Totoo ngang yari na ito!

"Edward, sa tingin mo, makakabalik na ang anak ko sa katawan niya?" tanong ni Magda.

"Sa tingin ko po, tita. Let's just all hope na makakabalik siya." tugon ni Edward.

"Sana nga, ipanalangin na lang natin na maging successful itong body switching nila." sambit ni Rico.

"Tama po si kuya Edward at si tatay. Ate Karen is a strong woman. At alam ko pong makakaya niya 'to. Lalaban siya." dagdag pa ni Leslie.

Muling umangat ang kaluluwa nina Karen at Roxanne. Muli silang nagpalit ng kaluluwa. Bumaba ang kaluluwa nila hanggang sa unti-unti itong makabalik sa sarili nilang katawan.

Nagulat na lamang si Leslie dahil parang may napansin siyang kakaiba sa switching machine. Parang may kuryenteng nagloloko at nag-sspark.

"N-nay, ano pong nangyayari sa kanila?" nagtatakang tanong ni Leslie.

"Oo nga, anong nangyayari sa kanila, Edward?" tanong naman ni Magda.

"H-hindi ko po alam, tita. No, this can't be happening! This can't be happening!" tugon ni Edward.

Unti-unting bumaba ang kanilang kaluluwa patungo sa totoo nilang katawan. Maya-maya lamang ay biglang nagkaroon ng ulirat si Karen. Dumilat siya ng dahan-dahan.

Luminga-linga muna si Karen sa kaniyang paligid. Nakita niya si Edward at ang kaniyang pamilya.

Pagkatapos noon, tinignan niya naman ang kaniyang katawan. Hinawakan niya ang kaniyang mga braso, kamay, at mga hita.

"A-anak, ikaw na ba 'yan?" tanong ni Magda.

"I-I'm back! Nandito na ulit ako sa katawan ko! Nakabalik na po ako, nay!" tugon ni Karen.

Natuwa sila sa balitang narinig nila.

"Ate, totoo bang ikaw na talaga 'yan?" tanong ni Leslie.

"Oo, Leslie. Ako na talaga 'to. Ako na si Karen Raymundo Pineda. Ako na ang ate mo." tugon ni Karen.

Tumayo si Karen mula sa upuan ng switching machine at niyakap ang kaniyang pamilya. Masayang-masaya siya dahil nakabalik na siya sa kaniyang katawan.

"Salamat sa Diyos, nakabalik ka na sa katawan mo, anak!" sambit ni Magda.

"Oo nga po, nay. Salamat po talaga sa Kaniya. Nalagpasan ko na rin po ang lahat ng pagsubok bilang si Roxanne." tugon ni Karen.

"Congratulations, ate! After a very long time, nakabalik ka na rin." nakangiting saad ni Leslie.

Makalipas ang ilang sandali, napansin nilang hindi pa nagigising si Roxanne.

"Hon, a-anong nangyayari sa kaniya? Bakit hindi pa siya nagkakamalay?" tanong ni Karen.

"H-hindi ko rin alam. Magigising na rin 'yan." tugon ni Edward.

Maya-maya lamang ay unti-unting nagkaroon ng ulirat si Roxanne. Medyo masakit ang ulo niya.

"Aray ko, ang sakit ng ulo ko!" sambit niya.

"Roxanne?"

Napadilat si Roxanne. Nakita niya si Karen, na nasa sarili niyang katawan.

"Karen? N-nakabalik na tayo sa mga katawan natin!" sambit ni Roxanne.

"Oo, Roxanne. Nakabalik na tayo." tugon ni Karen.

"S-salamat, Karen. Maraming salamat sa inyo. Sana, patawarin niyo ako sa lahat ng mga maling ginawa ko. Alam kong hindi tama 'yun. I'm sorry." sambit ni Roxanne.

The SwitchWhere stories live. Discover now