Chapter 79: Konsensiya

2 2 0
                                    

"A-anong sabi mo? Si Karen? Papatayin si tita? Sigurado ka?" tanong ni Ariana.

"Oo, Ariana. Sigurado ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Akala ko, mabuting tao si Karen, pero hindi pala. Dahil isa siyang kriminal." tugon ni Bella.

"Friend, sigurado ka sa mga sinasabi mo? At nasaan ngayon si Karen?" tanong ni Ariana.

"Nasa kulungan siya ngayon. Pinagbabayaran na niya ang lahat ng mga kasalanan niya. At hindi ako papayag na makalabas siya do'n. Dahil sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan." tugon ni Bella.

"Bella, bakit parang galit na galit ka kay Karen? Hindi mo ba naisip, papaano kung napagbintangan lang siya?" tanong ni Ariana.

"Ariana, walang ibang tao na nasa crime scene kundi silang dalawa lang. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Karen mismo ang pumatay sa sarili kong ina." tugon ni Bella.

Napatingin sina Bella at Ariana nang biglang dumating ang pamilya ni Karen.

"Anong ginagawa niyo rito sa burol ng nanay ko?" tanong ni Bella.

"Bella, nandito kami para makiramay. Gusto kong makita ang ate ko." tugon ni Magda.

"Aling Magda, totoo po bang nasa kulungan si Karen ngayon?" tanong ni Ariana.

Tumango na lamang si Magda bilang pagtugon.

"Makiramay? Seryoso ka? Ang kakapal ng mga mukha ninyong makiramay! Pagkatapos patayin ng magaling ninyong anak ang nanay ko? Alam ninyo, hindi ko kailangan ng pakikiramay ninyo!" galit na sambit ni Bella.

"Friend, hindi naman yata tamang sagutin mo ng ganyan si Aling Magda." tugon ni Ariana.

"Ariana, wala akong pake. Wala akong pake kahit na sagut-sagutin ko silang lahat. Alam mo, kasalanan nila kung bakit namatay si inay! Malay ko ba, kung alam nila na papatayin ni Karen si inay pero hindi nila pinigilan. At malay ko ba, kung kasabwat din sila!" sambit ni Bella habang may mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata.

"Bella, alam mong hindi namin magagawa 'yan! Lalong-lalo na si Karen! Hindi niya magagawang patayin ang sarili niyang tita. Matagal kong nakasama si Karen at kilalang-kilala ko ang ugali niya. Hindi kakayanin ng konsensiya niya na pumatay ng tao!" depensa ni Magda.

"Eh ginawa na nga niya, e! Pumatay na nga siya! Ano bang gusto mo, kunsintihin 'yang anak mo? Alam mo, tita, tinuruan ako ni inay na rumespeto sa mga mas nakakatanda sa akin. Pero kayo? Paano ko kayo rerespetuhin kung alam ko na ang anak niyo ang pumatay sa nanay ko?" sambit ni Bella.

"Bella, hindi ako naniniwala na mamamatay-tao ang anak ko. Kahit na ilang beses mo pang ipagpilitan na siya ang pumatay sa anak ko, hindi ako maniniwala." tugon ni Magda.

"Nay, tama na. At insan, maniwala ka naman kay nanay! Hindi kayang gawin ni ate ang lahat ng mga ibinibintang mo sa kaniya!" sambit ni Leslie.

"Alam mo, Leslie, tumahimik ka na nga! Alam mo, parehong-pareho talaga kayo ng ate mo, e. Mga sinungaling!" tugon ni Bella.

"Bella, tama na!" sigaw ni Ariana.

"Tama si Ariana. Tigilan mo na ang pambibintang sa anak ko, Bella. Oo, sa ngayon, hindi pa natin alam ang buong katotohanan. Pero ang alam ko, hindi ang anak ko ang pumatay. Lalabas at lalabas din ang totoo." sambit ni Magda.

"Tumahimik ka, tita! Pwede ba, magsilayas na nga kayo! Hindi ko kayo kailangan! Umalis na kayong lahat! Pati rin ikaw, Ariana, magsama-sama kayong lahat!" galit na sigaw ni Bella.

—————

"Leslie, I heard about what happened sa ate mo." sambit ni Nikko.

"Oo nga, Nikko, eh. Alam mo, hindi pa rin ako makapaniwala na nakakulong siya. I don't think na siya ang pumatay kay tita. Hindi masamang tao si ate. Hindi kakayanin ng konsensiya niyang pumatay." tugon ni Leslie.

"Yes, Leslie. I believe you. Pero why do you think na siya ang pinagbintangan?" tanong ni Nikko.

"Ewan ko, Nikko. Pero sa pagkakaalam ko lang, may gustong sumira ng pamilya namin. Hindi ko lang alam kung sino. I must find out kung sino." tugon ni Leslie.

"Hindi ba delikado 'yan? Paano kung mapahamak ka? Papaano kung pati ikaw idamay nila?" tanong ni Nikko.

"Wala akong pake, Nikko. Wala akong pakialam. Basta, 'yun ang misyon ko. Kailangan kong malaman kung sino siya o sila." tugon ni Leslie.

—————

Mystie's POV

Hindi ko na alam. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na 'to. Nakakatakot na si Roxanne. Nakakatakot silang lahat. Nakokonsensiya ako sa ginawa ng bestfriend ko. Dapat ko bang sabihin ang totoo?

Pakiramdam ko ay unti-unti akong pinahihirapan ng aking konsensiya. Parang gusto kong sabihin sa kanila ang totoo.

Ngunit isa lang ang alam ko, kailangan kong gawin kung ano ang tama.

Bestfriend man ako ng demonyo, pero hindi naman ako katulad nila. Hindi ako katulad nila na kayang pumatay ng tao. Hindi ako katulad nila na kriminal.

Nakaisip ako ng paraan. Nag-iisa lamang ako rito sa sala nina Roxanne. At alam kong walang CCTV dito sa loob ng bahay nila.

Kaagad kong kinuha ang aking telepono.

Naalala ako na may numero pa ako ng nanay ni Edward. Naalala ko ang pagpapanggap na ginawa ko noon.

Nasa telepono ko pa rin ang numero niya.

Hindi ako nagdalawang-isip. Kinuha ko ang aking telepono at tinawagan ko ang nanay ni Edward.

"Tita, please, answer the phone." bulong ko.

Ang tagal bago sumagot ng nanay ni Edward. Natatakot ako. Natatakot ako na baka mahuli nila ako.

Maya-maya, biglang may sumagot ng telepono.

"Hello? Mystie? Ikaw ba 'to? Bakit ka tumatawag kay Mama?" sambit ng isang pamilyar na boses.

Si Edward ang sumagot ng tawag ko.

"E-Edward, tumawag ako sa mama mo dahil..." napatigil ako sa pagsasalita nang biglang may kumuha ng hawak kong telepono.

"Sinong tinatawagan mo, Mystie?" nagulat ako nang bigla kong marinig ang boses ni Roxanne. Nahuli niya ako!

"Ah, w-wala. 'Yung boss ko lang. Tumawag kasi siya dahil may ipapagawa raw siya sa akin." tugon ko.

"Sigurado ka?" kinakabahan na ako sa mga sinasabi ni Roxanne.

"Oo. Sigurado ako. Akin na 'yang phone ko." sambit ko.

Tinignan ni Roxanne kung sino ang tinawagan ko. Nakita niya na tinatawagan ko si Rita.

Nagulat ako nang pakawalan niya ang isang sampal sa pisngi ko. Napahawak ako sa sakit.

"Anong boss mo? Ha? Boss mo ba ang nanay ni Edward?" tanong niya.

"I'm sorry, Roxanne! I'm sorry! Kailangan na nilang malaman ang totoo! Kailangan kong sabihin sa kanila ang lahat ng mga ginawa ninyo!" tugon ko.

"Ah, ganun ba?" sambit niya at nagulat ako nang bigla niyang ihampas ang isang flower vase sa ulo ko.

After that, everything went black.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now