Chapter 113: Bomba

3 0 0
                                    

"Well, Roxanne is waiting for us. Hindi na siya makapaghintay na makitang nagdurusa ang mga nagpalayas sa amin. This is so exciting." sambit ni Vicky.

"Well, hindi niyo na kailangan pang maghintay ng matagal, dahil malapit nang mangyari ang mga gusto nating mangyari." tugon ni Fred.

"That's great." ani Vicky.

—————

The party is ongoing. Masayang-masaya ang mga bisita. Isa-isang tinawag ang mga 18 roses upang magsalita tungkol sa kanilang birthday wish kay Leslie. At siyempre, unang-una doon si Mindy.

"Hi bes! Unang-una sa lahat, happy happy birthday! Grabe bes, parang ang bilis lang ng panahon, magkaibigan tayo simula elementary hanggang ngayong college. Parang ang bilis lang, 'no? Hahahaha! 'Yung feeling na parang kahapon lang tayo pinanganak pero tignan mo, 18 ka na, bes! I'm so happy for you dahil lumaki kang matalino at maganda, pero mas maganda pa rin ako siyempre. Charot! Pero hindi nga, mas maganda ka, bes. Sana, magkaroon ka pa ng mahabang buhay at sana ay matagal pa tayong maging mag-bestfriend. 'Yun lang bes, happy happy birthday ulit! Labyu!" sambit ni Mindy para sa wish niya kay Leslie.

Naluha si Leslie sa sinabi ni Mindy. Niyakap niya ito.

"Maraming salamat, bes. Thank you for always being there. Labyu!" tugon ni Leslie.

Sumunod namang nagsalita kay Mindy ay si Ariana. Kagaya ni Mindy, matalik din na kaibigan ni Leslie si Ariana.

"Hi Leslie! Unang-una sa lahat, ang ganda ko! Cheret! Unang-una sa lahat, ang cute ko! Cheret ulit! Pero hindi nga, unang-una sa lahat, happy happy birthday sayo, Leslie. Ayan oh, 18 ka na. You've become a pretty pretty girl like me. Oh, taray 'di ba? Pero 'yun lang, happy happy birthday sayo, Leslie and sana, magkaroon ka pa ng mahabang life katulad nga ng sinabi ni Mindy, and sana maging happy kayo ng family mo at sana wala nang manggulo sa inyo, at sana patuloy kang maging matalino at masipag. 'Yun lang, happy birthday ulit!" sambit ni Ariana.

Muling napaluha si Leslie sa sinabi ni Ariana. Niyakap niya ito ng mahigpit.

—————

Vicky's POV

The bomb is being planted around the hotel. Well, I can't wait to make an explosion. Hindi na ako makapaghintay na makaganti sa mga taong nagpalayas sa amin. Sige lang, magsaya lang kayo sa party ni Leslie. Dahil maya-maya, ang lahat ng saya niyo, mapapalitan ng luha at lungkot. Mamamatay na kayong lahat dahil sa pasabog ko. I guess, this is the end. This is the end of our battle.

Nakikita ko ang anak kong si Fred na naglalagay ng mga bomba around the hotel.

"I can't wait to make this explode. Mamamatay na silang lahat." sambit ko.

"Yes, Ma. I can't wait too. Kung ako sayo, ihanda mo na ang cellphone mo mamaya dahil magsesend ka pa ng video kay Roxanne." tugon ni Fred.

"Oh, kanina pa nakahanda ang aking phone. In fact, I charged it to 100% para lang ma-capture ko ang lahat ng mangyayari mamaya. Well, I'm so ready!" sambit ko.

"That's good." tugon ni Fred.

Narrator's POV

Walang kaalam-alam ang pamilya ni Leslie tungkol sa magaganap na hotel bombing. Patuloy pa rin sila sa pagsasaya sa debut ni Leslie.

"Leslie, insan, happy happy birthday sayo. I know that you are a good sibling to your ate Karen and a good daughter to tito Rico and tita Magda. Sana, huwag kang magbago. Stay humble to everyone. 'Yun lang, labyu insan!" sambit ni Bella.

"Salamat, insan. Love you too." tugon ni Leslie.

—————

"Ano, Joel? Nakatanim na ba ang mga bomba? Ready na ba?" tanong ni Vicky.

"Yes, tita Vicky. Ready na ang lahat. Pasabog na lang ang kulang. Meron silang kalahating oras para magsaya. Pagkatapos noon, boom!" tugon ni Joel.

"That's great, Joel. Really really great. Sige, I can't wait to see them cry. Hindi na ako makapaghintay na paglamayan sila. I can't wait to wear black para paglamayan sila, or maybe, should I say red?" sambit ni Vicky.

"'Wag kayong mag-alala, tita. Support ko kayo sa mga plano ninyo." tugon ni Joel.

"Ay teka, nasaan nga pala si Fred?" tanong ni Vicky.

"Nasa loob pa po yata ng hotel." tugon ni Joel.

"Ay sige, pupuntahan ko lang siya saglit." ani Vicky at dali-daling pinuntahan ni Vicky si Fred sa loob ng hotel.

Pagpasok sa loob ng hotel, kaagad na hinanap ni Vicky si Fred.

—————

"Insan, magbabanyo lang ako saglit ha? Kanina pa kasi eh." sambit ni Bella.

"O sige, insan. Gusto mo bang samahan kita?" tanong ni Karen.

"Huwag na, insan. Kaya ko na 'to. Salamat nalang." tugon ni Bella.

"Sige."

Kaagad lumabas si Bella sa loob ng ballroom. Pumunta siya sa banyo.

—————

"Anak, nasaan ka na ba? Saan ka nanaman ba nagpunta?" tanong ni Vicky.

Kanina pa hinahanap ni Vicky si Fred sa loob ng hotel. Kanina pa siya paikot-ikot ngunit hindi niya ito makita.

Lumabas si Bella ng banyo. Pabalik na sana siya sa ballroom nang biglang makasalubong niya si Fred. Walang kaalam-alam si Bella na tinaniman nila ng bomba ang buong hotel.

"F-Fred? A-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Bella.

"Well, it's none of your business." tugon ni Fred.

"Hayop ka, Fred! Ano, guguluhin niyo ang party ni Leslie? Mga hayop kayo!" sigaw ni Bella.

"Shut up, Bella! But yes, manggugulo kami sa party ng pinsan mo. In fact, nagtanim kami ng bomba sa buong hotel. At sa loob ng kalahating oras, this hotel will explode. Ganti lang namin 'yan sa pagpapalayas niyo kina Roxanne at kay Mama." tugon ni Fred.

"H-hayop ka! Hayop ka, Fred! Mga demonyo kayo! Kailangang malaman 'to nina Karen! Kailangan ko silang balaan!" sambit ni Bella at dali-dali siyang tumakbo ngunit kaagad na hinila ni Fred ang kaniyang braso. Sinusubukan niyang magpumiglas ngunit hindi siya makaalis.

"Aray ko! Bitiwan mo 'ko!"

"Hinding-hindi na malalaman nina Karen ang ginawa namin! Mamamatay ka nang hayop ka!" sambit ni Fred at kinuha niya ang kaniyang kutsilyo at kaagad niyang sinaksak si Bella ng ilang beses! Kaagad itong napahiga sa sahig at duguan ito!

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now