Chapter 26: Paliwanag

13 2 0
                                    

"Oh, ayan, sabi ni Nikko, susunduin niya na raw tayo," sambit ni Leslie.

"Ha? Hindi ba nakakahiya 'yun?" tanong ni Mindy.

"Ewan ko ba, pero pinipilit niya 'ko. Tingin mo, may masamang balak kaya sa atin si Nikko?" tanong ni Leslie.

"Hindi ko alam, Les. Pwede rin namang wala. What if, gusto lang niya tayong maging kaibigan kaya niya ginagawa 'yun? Or, what if, gusto ka niya?" tanong ni Mindy.

"Mindy, ano ka ba? Siguro naman, may jowa na 'yan si Nikko. At tsaka, wala pa akong panahon diba para sa mga 'yan?" ani Leslie.

"Asuuus, nag-deny ka pa. Leslie, kung may gusto ka kay Nikko, umamin ka na." ani Mindy.

"Bes, wala, period. Wala akong gusto kay Nikko. Siguro nga, gusto lang talaga niyang makipagkaibigan sa atin," sambit ni Leslie.

"O sige na nga, naniniwala na 'ko na wala kang gusto kay Nikko. Fine." ani Mindy.

Makalipas ang halos limang minuto, nakarating na rin si Nikko sa village nila Mindy.

"Bes, may paparating na sasakyan." ani Mindy.

"Teka, si Nikko ba 'yung nagda-drive?" tanong ni Leslie.

Ibinaba ni Nikko ang kaniyang bintana.

"Sakay na!" sambit nito.

Kaagad sumakay ang dalawa sa sasakyan ni Nikko. Sumakay sila sa likod.

"Hi, Nikko! Naku, nakakahiya naman sayo, talagang sinundo mo pa kami ha," ani Leslie.

"Don't worry. 'Wag kayong mahiya. Gusto ko lang talagang bumawi sayo, Leslie. Sana maintindihan mo 'yon." tugon ni Nikko.

—————

"O ano? Kamusta naman ang paghahanda niyo d'yan sa party?" tanong ni Rico kay Magda sa telepono.

"Eto, ayos naman. Medyo marami kaming niluto. Iimbitahan kasi ni Karen sina Bella at Ariana eh. Pati yata 'yung dati niyang kaklase." tugon ni Magda.

"Ah, o sige, pupuntahan ko kayo d'yan maya-maya konti." sambit ni Rico.

"O sige, Rico. Mag-iingat ka." tugon ni Magda at ibinaba ang telepono.

"Nay, si Tatay po ba 'yung tumawag?" tanong naman ni Roxanne.

"Oo, anak. Tatay mo ang tumawag. Sabi niya, pupunta raw siya rito maya-maya," ani Magda.

"Naku, Nay, mabuti naman po at nagkakaayos na kayo ni Tatay. Sana po, wala nang manggulo ulit sa inyo." sambit ni Roxanne.

"Oo naman, anak. Siguro naman, hindi na kami guguluhin ni Vicky. Sana lang talaga, lubayan na niya ang tatay mo." ani Magda.

"Sana nga po, Nay." tugon ni Roxanne.

—————

"Leslie, are you sure na dito tayo kakain sa tapsilugan?" tanong ni Nikko.

"Oo, Nikko. Nakakahiya kasi kung sa mamahaling restaurant pa tayo kakain. At tsaka, sobra-sobra na 'tong ginagawa mong pagbawi sa 'kin," tugon ni Leslie.

"Well, sige. Kung dito mo talaga gustong kumain, eh okay lang sa akin." ani Nikko.

"Naku, Nikko, salamat talaga dito ha. Ang laking bagay na nito." sambit ni Leslie.

"You're welcome." tugon ni Nikko.

Sa kalagitnaan ng pagkain ng tatlo, biglang tumunog ang telepono ni Nikko. Tumatawag ang kaniyang girlfriend. Si Joana.

"Hello babe, napatawag ka?" sambit ni Nikko.

Nang marinig nila Leslie at Mindy ang salitang 'babe,' nagkatinginan sila sa isa't-isa.

"Yes, babe, nasaan ka ngayon?" tanong ni Joana.

"Ahh, babe, may pinuntahan lang ako. Pero don't worry, babalik din ako kaagad," ani Nikko.

"Sige, babe. Ingat ka." tugon ni Joana at tsaka ibinaba ang telepono.

Pagkababa ng telepono ni Nikko ay kaagad tinanong ni Leslie kung sino ang tumawag.

"Nikko, sinong tumawag?" tanong ni Leslie.

"'Yung girlfriend ko, si Joana." tugon ni Nikko.

"A-ahh, ganun ba? O siya sige, baka hinahanap ka na ng jowa mo." sambit ni Leslie.

"No, no, no, it's okay. Tapusin niyo na 'yang kinakain ninyo at para maihatid ko na kayo ulit sa bahay ni Mindy." tugon ni Leslie.

"Ha? Ihahatid mo kami? Naku, hindi na. Hindi na, Nikko. Ayos lang kami ni Mindy. Kaya na naming dalawa." ani Leslie.

"Are you sure? Baka mapano pa kayo n'yan? Hindi na, ako na ang bahalang maghatid sa inyo pauwi," tugon ni Nikko.

"Naku, Nikko, hindi na. May pupuntahan pa kasi kami ni Mindy eh." ani Leslie.

"Pupuntahan? Saan?" sambit ni Mindy.

Kinalabit ni Leslie si Mindy. Nagdahilan na lang din si Mindy.

"A-ah, oo. Naalala ko nga pala, may pupuntahan nga pala kami ni Leslie." sambit ni Mindy.

"Are you sure na kaya niyo nang dalawa?" tanong ni Nikko.

"Oo naman. Nikko, salamat sa libre mo ah. Thank you talaga." ani Leslie.

"You're welcome. O siya sige, aalis na rin ako. Ingat kayo ha." sambit ni Nikko.

"O sige, ingat din!" tugon ni Leslie at tuluyan nang umalis si Nikko.

"Bes, may jowa pala siya eh!" sambit ni Mindy.

"Kaya nga. Tama ang kutob ko. May jowa siya. At tsaka, ayoko na ring makasira sa relasyon nila. Ayoko ng makigulo sa kanila. Sapat na sa akin na nilibre niya tayo." tugon ni Leslie.

"Sabagay." sambit ni Mindy.

"Halika na, Mindy. Umuwi na tayo. Mamaya, may party pa si kuya Edward, imbitado ka." ani Leslie.

"Talaga? Naku, nakakahiya naman. Pero sige, pupunta ako." sambit ni Mindy.

"Sige."

—————

"Nay! Nandito na po kami ni Mindy!" bati ni Leslie.

"Oh, anak! Andito ka na pala. Hello, Mindy!" tugon ni Magda.

"Hello po, tita! Kamusta po?" ani Mindy.

"Eto, okay naman. O siya sige, umupo muna kayo." ani Magda.

"Sige po, tita. Salamat po." tugon ni Mindy.

Maya-maya pa ay lumabas si Karen. Binati ito ni Leslie.

"Ate!" sambit ni Leslie.

"Oh, Leslie, andyan ka na pala." tugon ni Roxanne.

"Oo, ate. Eto kasama ko si Mindy." ani Leslie.

"Ate? Hindi ba, si ate Karen ang ate mo?" nagtatakang tanong ni Mindy.

"Uhm, Mindy, mahabang kwento kasi. Pero huwag kang mag-alala, ipapaliwanag ko sayo ang lahat." tugon ni Leslie.

—————

"So ano? Papaano mo naging ate 'yun?" tanong ni Mindy.

"Ganito kasi 'yun. Si kuya Edward, may nakita siyang isang switching machine. Alam niya kasi na gustong ma-try ni ate na mabuhay sa ibang katawan kaya binili niya 'yon. Isang araw pagkatapos nilang magkapalit, nakita nila na nasira 'yung switching machine, kaya hindi sila makabalik sa kanilang katawan." paliwanag ni Leslie.

"Ha? Eh, papaano makakabalik ang ate mo sa katawan niya?" tanong ni Mindy.

"Kailangan ulit na mayari ang switching machine." ani Leslie.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now