Chapter 137: Welcome home, Magda

3 0 0
                                    

"N-nay? Ate, gising na si nanay!" masayang sambit ni Leslie.

"Nay! Mabuti na lang po at gising na kayo! Kamusta po ang pakiramdam ninyo?" tanong ni Karen.

"Mga anak? Nandito kayo!" nakangiting sambit ni Magda at niyakap niya sina Karen at Leslie.

"Opo, nay. Binabantayan po namin kayo the whole time. Mabuti naman po at nagising na kayo! Miss na miss na namin kayo, nay." tugon ni Leslie.

"Miss na miss ko na rin kayo mga anak. Salamat at nakabalik ako." sambit ni Magda.

"Nay, ano po bang nangyari sa inyo? B-bakit po kayo nawala pagkatapos sumabog 'yung hotel?" tanong ni Karen.

"Mahabang kwento, anak. Napakaraming nangyari sa akin noong nawala ako. Napakaraming hirap ang dinanas ko. Akala ko nga, mamamatay na ako." tugon ni Magda.

"Eh nay, totoo po ba 'yung sinabi nila? Na sa bakanteng lote raw po kayo natagpuan?" tanong ni Leslie.

"Oo, anak. Totoo 'yon. May mga lalaking dumukot sa akin nung sumabog ang hotel. Dinala nila ako sa isang liblib na lugar at doon nila ako ikinulong at pinahirapan. At pagkatapos, dumating ang araw na papatayin nila ako. Sinubukan kong tumakas sa kanila, at nagtagumpay ako. Mabuti na lang at natakasan ko sila. Hanggang sa, mapadpad ako sa isang bakanteng lote. H-hindi ko alam pero, parang doon ako dinala ng mga paa ko. At pagkatapos, doon na 'ko nawalan ng malay at bumagsak. Siguro nga, sa sobrang hinang-hina na ang katawan ko kaya doon ako nawalan ng malay." paliwanag ni Magda.

"Napakarami po palang nangyari sa inyo, nay. Dito rin po, ang dami rin pong nangyari." tugon ni Karen.

"Ha? Bakit? Ano bang nangyari dito habang wala ako?" tanong ni Magda.

"Nay, may mga taong nawala, at may mga taong dumating." tugon ni Karen.

"Huh? Ano?" nalilitong tanong ni Magda.

"Nay, 'wag po kayong magugulat, ha? Nay, wala na po si Bella. Patay na po siya. Sinaksak po siya sa hotel bago sumabog ang bomba. At si Fred, nabaril po siya ng mga pulis nang sinubukan niya akong patayin. Si Janice naman po, nabaril siya ni Roxanne. At ako po, may nalaman po ako tungkol sa totoo kong pagkatao." tugon ni Leslie.

"A-ano? Anong nangyari sa kanila? At tsaka, anong nalaman mo tungkol sa pagkatao mo?" tanong ni Magda.

"Nay, alam ko na po ang lahat. Alam ko na po ang totoo. Alam ko pong may kakambal ako. Nakita ko po siya. Siya po si Sabrina." tugon ni Leslie.

"A-ano? Karen, totoo ba 'to?" tanong ni Magda.

"Opo, nay. Nagpaliwanag na po kami ni tatay tungkol doon." tugon ni Karen.

"Nay, tama po si ate. Tanggap ko na rin po si Sabrina. 'Yun nga lang po, pinipigilan ng nanay niya na magkita kami." sambit ni Leslie.

"Leslie, patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung 'di namin sinabi sayo ang totoo. I-I'm sorry." tugon ni Magda.

"'Wag po kayong mag-alala, nay. Naiintindihan ko na po ang lahat." ani Leslie.

Bigla namang bumalik si Rico sa kwarto ni Magda. Nasorpresa siya nang makita niyang may malay na si Magda.

"M-Magda? Gising ka na?" tanong ni Rico.

"Oo, Rico. Bumalik na ako. Gising na ako." tugon ni Magda.

"Naku, salamat sa Diyos at gising ka na! Alam mo, miss na miss ka na namin, lalo na ng mga anak mo." sambit ni Rico.

"Oo, Rico. Na-kwento na nila ang lahat ng mga nangyari. Alam ko na kung anong mga nangyari noong nawala ako." tugon ni Magda.

"Ibig sabihin, alam mo rin ang tungkol kay..."

"Oo, Rico. Alam ko na. Alam ko na lahat. Alam ko na 'yung tungkol sa kakambal ni Leslie. Siya raw si Sabrina." tugon ni Magda.

"Opo, tay. Na-kwento na po namin ang lahat kay inay. Alam na po niya ang totoo." sambit ni Leslie.

—————

Makalipas ang ilang araw...

Tuluyan na ring naiuwi si Magda sa kanilang tahanan. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang sorpresahin.

"Welcome home, nay!" sambit nina Karen at Leslie.

"Naku, salamat mga anak." tugon ni Magda.

"Hello po, tita! Welcome home!" sambit pa ni Ariana.

"Naku, Ariana, salamat. Ang blooming mo ngayon. Mas lalo kang gumanda." tugon ni Magda.

"Naku po, tita, maliit na bagay. Hahaha!" pabirong sambit ni Ariana.

"Naku, ang dami namang mga pagkain! Talagang nag-abala pa kayo, ha?" sambit ni Magda.

"Siyempre naman, nay. Eh, si tatay kaya ang nag-isip niyan. Bumili pa nga po siya ng cake para sa inyo, e." tugon ni Leslie.

"Opo, nay. Totoo po 'yon. Ito po oh, red velvet chocolate cake." dagdag pa ni Karen.

"Naku, ang sarap naman niyan. Mukhang, mapaparami yata ako ng kain ah." tugon ni Magda.

"Eh teka, nasaan nga po pala si Edward? B-bakit wala siya? Akala ko po ba, pupunta siya rito?" tanong ni Karen.

"Sorry, we're late!" biglang sambit ni Edward.

Napalingon si Karen nang biglang dumating sina Rita at Edward.

"Guys, sorry we're late. Kakatapos lang kasi ng second session ng chemotherapy ko. Pero, nakahabol pa rin naman kami, 'di ba?" sambit ni Rita.

"R-Rita? Kamusta ka na? Anong nangyari sayo? Anong chemotherapy ang sinasabi mo? At tsaka, bakit may takip ka sa ulo?" tanong ni Magda.

"Magda, may sakit ako. Alam na nilang lahat 'yun. But don't worry about me, ginagawa ko ang lahat ng ipinapayo ng mga doktor ko." nakangiting tugon ni Rita.

"Naku Rita, get well soon." sambit ni Magda.

"Salamat, Magda." tugon ni Rita.

"Oh, ano pa bang hinihintay natin? Kumain na tayo!" sambit ni Rico.

"Ay, oo nga no! Hahaha! Halika na!" tugon ni Ariana.

Naging masaya sila nung araw na 'yon. Marami silang pagkaing inihanda. Masaya sila sa pagbabalik ni Magda.

—————

"Oh, mama? Ano pong nangyayari sa inyo? Nagsusuka na naman po kayo?" tanong ni Edward.

"Don't worry about me, anak. I'm fine. I'm totally fine." tugon ni Rita.

"Alam mo mama, dapat siguro, we must hire another maid. Wala pong mag-aalaga sa inyo dahil marami na po akong trabaho." sambit ni Edward.

"Naku, anak. 'Wag mo na akong isipin pa. Kaya ko ito." tugon ni Rita.

"Mama, trust me. You need a new caretaker. 'Yung, mag-aalaga po sa inyo. You know what, I will here one. Para, 'di na po kayo nahihirapan." sambit ni Edward.

"S-sige, anak. Salamat." tugon ni Rita.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now