Chapter 144: Identity Revealed

3 0 0
                                    

"Oh, anak? Napabisita ka? C'mon, let's go inside." sambit ni Vicky.

Kaagad namang sumunod si Iris kay Vicky. Pumasok siya sa loob ng bahay.

"So, kamusta ang pagpapanggap, anak? Kamusta ang pagpapanggap mo bilang si Iris?" tanong ni Vicky.

"Well, okay naman. Ang tatanga nilang lahat dahil hindi nila alam na nagpapasok sila ng kalaban sa mansyon. Hindi nila alam na ako talaga si Roxanne at ginamit ko ang switching machine para makapag-switch kami ng katawan ng totoong Iris." tugon ni Iris.

"Well, that's great. Hindi nila dapat malaman na ikaw si Roxanne. Just continue to pretend. Kailangan mapaniwala mo sila na ikaw talaga si Iris. Okay?" sambit ni Vicky.

"Yes, nay. Actually, nagkakagulo ang pamilya nila ngayon. Oo, ang akala nila, patay na si Roxanne. Ang akala nila, namatay ako sa sumabog na sasakyan. Hindi nila alam na nakaligtas ako sa pagsabog noon. Hindi nila alam na nakalabas ako bago sumabog ang sasakyan. Well, may isang babaeng nanggugulo sa kanila ngayon. And, nakita kong binaril ng babaeng ito ang asawa ni Nerissa." tugon ni Iris.

"W-what? Totoo ba 'yan? Binaril ang asawa ni Nerissa?" tanong ni Vicky.

"Yes, nay. Kawawang Nerissa. Nawalan na nga siya ng anak, mukhang, mawawalan din siya ng asawa." tugon ni Iris.

"Sino ba 'yang babaeng 'yan? Mukhang, makakasundo natin siya." sambit ni Vicky.

"Tama ka, nay. Gusto ko rin siyang makilala. Hayaan mo, gagawan ko ng paraan. And soon, makikilala na natin 'yang babaeng 'yan." tugon ni Iris.

—————

"Anak, a-anong ibig sabihin nito? Bakit may mga kasama kang pulis?" tanong ni Martha.

"Mommy, ganyan ka ba talagang kamanhid? May ginawa kang kasalanan, mommy! Pumatay ka ng tao! At nandito sila para arestuhin ka!" tugon ni Sabrina.

"You're such a traitor! Trinaydor mo 'ko! Hayop ka, Sabrina!" sambit ni Martha.

"Mommy, i'm sorry. Pero kailangan mong makulong. Kailangan mong harapin at pagbayaran ang mga kasalanan mo. Mali ang ginawa mo. Nang dahil sayo, may isang taong malubha ang kalagayan ngayon." tugon ni Sabrina.

"No, hindi ako sasama sa inyo! Hindi ko isusuko ang sarili ko sa inyo!" sambit ni Martha.

"Mommy, wala ka nang takas! Sige po, hulihin niyo na siya!" tugon ni Sabrina.

Kaagad namang hinawakan ng mga pulis si Martha. Sinubukang pumalag ni Martha pero hindi siya nagtagumpay. Kaagad siyang nilagyan ng mga posas ng mga pulis.

"Hayop kayo! No! Hindi 'to pwede! This is against the law! Pwede ko kayong kasuhan!" sigaw ni Martha.

"Ma'am, kayo po ang may kasalanan. Baka po, kung kasuhan niyo kami, eh sa inyo bumagsak ang kaso. At tsaka, anong ikakaso ninyo sa amin?" sambit ng isang pulis.

"Mga hayop kayo! Lalong-lalo ka na, Sabrina! Tinuring kitang parang tunay na anak, pero ganito ang ginawa mo! Hayop ka! I will never forgive you! Never!" tugon ni Martha.

"Sige na po, kuya. Kunin niyo na po si mommy. Dalhin niyo na po siya sa presinto." ani Sabrina.

Naluluha si Sabrina habang pinapanood niyang arestuhin ng mga pulis ang kaniyang ina. Ngunit gumaan din ang kaniyang kalooban dahil alam niyang magiging ligtas na ang totoo niyang pamilya.

"Anak, salamat. Salamat dahil ipakulong mo ang mommy mo." sambit ni Magda.

"Wala po 'yun, nay. Ginawa ko lang po kung anong tama. Gusto ko rin po kasing bumawi sa inyo. Ang tagal ko po kayong hindi nakasama. Gusto ko po sana, ngayong nakakulong na si mommy, makasama ko po kayo." tugon ni Sabrina.

The SwitchWhere stories live. Discover now