Chapter 96: The Burning Question

1 0 0
                                    

Sumayaw si Leslie sa saliw ng tugtog. Ang mga tao ay tuwang-tuwa sa kaniyang performance. Maliban lang kina Olivia at Joana. Ginawa ni Leslie ang lahat upang 'di siya magkamali.

Lalo pang napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong lugar nang ipakita ni Leslie ang pinakamahirap na hakbang ng sayaw na talaga namang pinagsanayan niyang maigi. Nabingi si Olivia sa mga palakpakan nila.

"Mga bwisit kayo. Hindi man kami makaganti rito ng anak ko sa beauty pageant na 'to, pwede naman kami gumanti sa ibang pagkakataon." sambit pa ni Olivia sa isip niya.

Matapos ang performance ni Leslie, muling nagsipalakpakan ang mga tao. Napuno ng hiyawan at palakpakan ang buong lugar ng pinagdarausan ng beauty pageant.

"Thank you contestant number 7, Ms. Leslie Raymundo for an awesome performance! Now let's call on contestant number 8, Ms. Joana Salcedo!" sambit ng host.

Nagsipalakpakan ang mga tao. Malalakas ang mga palakpak nila ngunit pinakamalakas ang palakpak ni Olivia.

"Go anak! Woohoo!"

"Ano, papalakpak ba tayo?" tanong ni Ariana.

"Ariana, sige na. Pumalakpak na kayo. Baka kasi sabihin nilang bitter tayo." tugon ni Karen.

"O-okay, fine."

Nagsimulang sumayaw si Joana. Nagsipalakpakan ang mga tao sa kaniyang performance. Ngunit, medyo may step na hindi siya makasunod.

"Ano ka ba naman, Joana? Jusko, galingan mo! Hindi tayo pwedeng magpatalo kay Leslie!" muling sambit ni Olivia sa isip niya.

Sumayaw sa saliw ng tugtog si Joana. Natuwa rin naman ang mga tao sa kaniyang performance. 'Yun nga lang, medyo hindi siya makasunod.

"Anak, galingan mo naman! 'Wag kang shushunga-shunga!"

Few minutes later...

Nagtungo sina Olivia at Joana sa backstage.

"Anak, ano ka ba naman? Ha? Gaga ka ba? Akala ko ba nagpractice ka ng maayos? Eh bakit hindi ka makasunod? Mas magagaling pa nga yata sayo 'yung mga backup dancers mo, e!" sambit ni Olivia.

"Mommy, pwede ba, 'wag kang manermon dito? Nakakahiya! Pinagtitinginan ako ng mga tao oh! Ano ka ba naman?" tugon ni Joana.

"Anak, 'yung question and answer portion na lang ang pag-asa mo. Kailangan mong makabawi dun. Huwag na huwag kang magpapatalo kay Leslie." sambit ni Olivia.

"Okay, fine. But mommy, you have to make a way para manalo ako. Ano bang isasagot ko sa question and answer portion?" tugon ni Joana.

"Anak, malay ko. Hindi naman ako 'yung judge para tanungin mo, 'di ba? At tsaka, malay ko ba?" sambit ni Olivia.

"Hay nako mommy, ewan ko sayo. Ewan ko. Bahala na nga lang. Bahala na si batman. Well, sa kaniya na lang ako aasa." tugon ni Joana.

"Hoy, siraulo ka talaga. Kapag ikaw ha natalo, sinasabi ko talaga sayo. Makakatikim ka ng kutos sa akin." ani Olivia.

Makalipas ang ilang minuto, muling tinawag ang mga contestants para sa question and answer portion.

"Contestant no. 7, or Ms. Leslie Raymundo, heto ang tanong namin para sayo. Bakit ikaw ang karapat-dapat na manalo sa beauty pageant na ito?" tanong ng judge.

"Para po sa akin, ako po ang karapat-dapat na manalo dahil pinagbutihan ko po at pinagsikapan ko po ang pagsali ko rito. Ginawa ko po lahat ng makakaya ko para po matulungan ang aking mga magulang. At kung manalo man po ako, gagamitin ko po ang napanalunan ko sa mga makabuluhang bagay. At gagamitin ko po ito para makatulong sa mga nangangailangan." sagot ni Leslie.

The SwitchOù les histoires vivent. Découvrez maintenant