Chapter 57: Tapatan

6 3 0
                                    

"Uy, Mystie, salamat sa pa-spa mo ha. Medyo nawala 'yung stress at init ng ulo ko." sambit ni Karen habang papalabas sila ni Mystie ng spa.

"Well, friend, you're welcome. Sabi sayo eh, spa lang ang katapat niyan. So, ano? Kain na tayo ng lunch?" tugon ni Mystie.

"Okay, fine. Let's go." ani Karen.

"Ayan kasi friend, 'wag mo kasi masyadong iniistress 'yung sarili mo kakaisip kay Edward." sambit ni Mystie habang naglalakad silang dalawa ni Roxanne patungo sa kanilang kakainan.

"Kakaisip kay Edward? Bakit, may balita na ba kay Edward?" nagulat ang magkaibigang Mystie at Roxanne nang makasalubong nila si Karen kasama ang pamilya nito.

"K-Karen, anong Edward ang pinagsasasabi mo, ha?" tanong ni Karen.

"I'm sure na tama ang pagkarinig ko sa mga sinabi ni Mystie. Si Edward ang pinag-uusapan ninyo. Tama ba ako?" tanong ni Roxanne.

"Eh, ano namang pake mo kung si Edward ang pinag-uusapan namin?" tanong ni Karen.

"May pakialam ako dahil ako ang asawa niya. Sabihin niyo nga sa akin, may balita na ba kayo tungkol kay Edward?" tanong ni Roxanne.

"Kung may balita man ako, hindi ko sayo sasabihin. At tsaka, bakit ba sa akin mo tinatanong ang tungkol kay Edward? Bakit hindi mo nalang itanong sa biyenan mo? Eh, 'di ba, close naman kayo?" tugon ni Karen.

"Alam mo, Roxanne, kung mayroon kang nalalaman tungkol kay Edward, pwede ba, pakisabi sa anak ko? Nag-aalala na kasi siya ng sobra sa asawa niya eh." pakiusap ni Magda.

"I'm sorry, Aling Magda, pero wala talaga akong alam about d'yan sa asawa ng anak ninyo. Kung gusto niyong makasagap ng balita, then, tanungin mo sa balae mo. Okay? Huwag niyo na kaming istorbohin dahil may pupuntahan pa kami." tugon ni Karen.

"Oo nga, at saka Karen, pwede ba, huwag mong parating dinadamay ang kaibigan ko sa mga problema mo sa buhay." dagdag pa ni Mystie.

"Tama ka, Mystie. Halika na, dahil sinasayang lang natin ang oras natin dito sa walang kwentang babaeng 'to." sambit ni Karen.

"Alam mo, Roxanne, mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Baka nakakalimutan mo, nandito kaming mga magulang ni Karen sa likod niya. Kaya huwag na huwag mong pagsasalitaan ng masama ang anak ko kung ayaw mong makatikim." depensa ni Magda.

"Hoy, Magda, ang tapang-tapang mo talaga, 'no? Eh kapag kaya nawala 'yang anak mo, maging matapang ka pa kaya?" tanong ni Karen.

"Aba, bastos ito, a. Anong karapatan mong sagut-sagutin ako?" tanong ni Magda.

"Nay, alam ninyo, hindi po dapat pinapatulan ang babaeng 'to eh kasi demonyo 'to! Demonyo!" sambit ni Leslie sabay binatukan si Roxanne.

"Ah, demonyo pala ha? Sige!" tugon ni Karen at sinubukang sampalin si Leslie ngunit napigilan ni Leslie si Roxanne.

"Leslie, Magda, tama na 'yan! Huwag niyo nang pansinin ang mga 'yan! Mas lalo lang nila tayong iinisin. Halika na!" pag-aawat ni Rico.

"Mabuti pa 'tong tatay ninyo, 'no? Nag-iisip ng tama. Hindi katulad ninyong dalawang magkapatid kayo, mga makikitid ang utak. Well, keep it up, Rico. Huwag kang tumulad sa mga anak mo. Mystie, halika na." sambit ni Karen at nagwalkout.

"Bastos 'to ah. Hindi yata siya tinuruan ng mga magulang niya ng magandang asal." ani Magda.

"Hayaan niyo na siya, nay. Huwag niyo nalang pong pansinin." tugon ni Roxanne.

—————

"Hay nako, nakakabwisit talaga 'yung matandang Magda na 'yun. Wala nang ginawa kundi dumakdak ng dumakdak. Nakakabwisit na." sambit ni Karen habang papasok sila ni Mystie sa isang restaurant.

"Friend, hayaan mo na. Ganun talaga kapag tumatanda. Hayaan na natin sila." tugon ni Mystie.

"Anong hayaan? Mystie, hindi nila tayo titigilan hangga't hindi sila nakakasagap ng balita. Kung ako, naghahanap kay Edward, eh papaano pa kaya si Karen?" sambit ni Karen.

"Kaya nga, friend. Bakit kaya hindi mo na lang sabihin sa kanila ang tungkol kay Edward? Para na rin matapos na 'tong gulong 'to." tugon ni Mystie.

"Mystie, tanga ka ba? Kanino ka ba kakampi, ha? Sa akin na bestfriend mo, o kay Karen na walang ibang ginawa kundi ang guluhin tayo?" tanong ni Karen.

"Siyempre, sayo ako kakampi. Pero hindi ka ba nakukunsensiya sa ginagawa mo?" tanong ni Mystie.

"To be honest, nakukunsensiya rin naman ako. Dahil kung sino ang tunay na asawa, siya ang hindi nakakaalam ng balita tungkol sa asawa niya. At kung sino pa ang hindi asawa, siya pa ang may alam tungkol kay Edward. Pero Mystie, kung paiiralin ko 'yung konsensiya ko, edi hindi matutupad ang mga plano ko! Hindi ko maaagaw si Edward kay Karen!" tugon ni Karen.

"Bakit ba baliw na baliw ka d'yan kay Edward, ha? Alam mo, friend, ang dami-daming lalaki sa mundo! Bakit hindi ka na lang humanap ng iba? At tsaka, parati kang magkakaroon ng kaagaw kung si Edward lagi ang pinupuntirya mo! Hindi magiging mapayapa ang buhay mo!" sambit ni Mystie.

"Aba, himala! Mystie, ikaw ba 'yan? Oh my gosh, nag-iisip ka na pala? Parang hindi ikaw 'yan!" tugon ni Karen.

"Friend, sinasabi ko lang 'yung opinyon ko, 'di ba? Kung si Edward lagi ang target mo, aba, edi parati mong magiging kaagaw si Karen!" sambit ni Mystie.

"Well, wala kang magagawa kung si Edward ang gusto ko. Wala kang magagawa, Mystie. Sa kaniya unang tumibok ang puso ko. Gusto kong maranasan kung paano mahalin ng isang kagaya niya. Dahil lahat ng lalaking nakikilala ko, parati akong niloloko, parati akong iniiwan. At gusto ko nang matapos ang lahat ng 'yon. Gusto ko nang magkaroon ng isang relasyon na hindi ako niloloko at hindi ako iniiwan." tugon ni Karen.

"Eh friend, tingin mo, mangyayari pa 'yan? May asawa 'yung tao. Tingin mo, may pag-asa pang maging kayo?" tanong ni Mystie.

"Kaya nga, Mystie. Naisip ko na 'yan. Para maging akin si Edward, kailangan kong maging si Karen. Or mas maganda, ang mawala na ng tuluyan si Karen." tugon ni Karen.

"Eh friend, nasa katawan ka lang ni Karen, pero hindi ikaw si Karen. So, paano na?" tanong ni Mystie.

"I need to get rid of Karen. That's the only way para mapasaakin si Edward."

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now