Chapter 11: Conflict

20 2 0
                                    

"A-anak, pasensiya ka na." sambit ni Magda.

"Pasensiya? Pasensiya po saan, Nay?" tanong ni Karen.

"Anak, patawarin mo ako. Pasensiya na kung nagsinungaling kami sayo." tugon ni Magda.

"Nagsinungaling? Bakit po, Nay? Ano po bang nangyari kay Tatay?" tanong ni Karen.

"A-anak, may kabit ang papa mo. At, matagal na siyang umalis dito sa bahay." tugon ni Magda.

Napaluha si Karen. Hindi niya alam ang magiging reaksyon niya.

"Po? A-ano? Kabit? May kabit si Tatay?" tanong ni Karen.

"Oo, anak. Sorry. Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sayo." tugon ni Magda.

"Nay, bakit naman po hindi ninyo sinabi sa akin?" tanong ni Karen.

"Kasi anak, ayoko nang makadagdag pa sa mga problema mo. Alam kong, pumasok ka na sa buhay may asawa, at ayoko nang dumagdag pa sa mga iniisip mo, anak." tugon ni Magda.

"Pero Nay, kahit na po. Kahit na may asawa na ako, pamilya niyo pa rin ako. May karapatan pa rin po akong malaman ang totoo." sambit ni Karen.

"Anak, sorry. Sana mapatawad mo ako. Sorry. Sorry kung, hindi ko sinabi sayo. Ikaw lang naman kasi ang iniisip ko eh. Ayoko na ma-stress ka pa." tugon ni Magda.

"Ma-stress? Nay, mas lalo akong ma-iistress kung hindi ninyo sasabihin kaagad ang problema. Nay, sana po, lagi ninyong tatandaan, pamilya ninyo ako. Kahit na may asawa na ako, ako pa rin 'yung anak ninyo na inalagaan niyo noon. May karapatan pa rin po akong malaman ang totoo." sambit ni Karen.

----------

"Hay nako, bes. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Na-sstress ako. Nagulat ako talaga nang malaman kong may kabit si Tatay." sambit ni Karen.

"Hay nako, bes. Alam mo, mas malala pa 'yung problema ko dyan kaysa sa problema mo." tugon ni Ariana.

"Ha? Bakit? Anong problema mo?" tanong ni Karen.

"Kasi bes, wala pa akong lovelife eh. Wala akong jowa. Hindi ba, ang laki-laki ng problema ko?" tugon ni Ariana.

"Bes naman eh. I'm being serious tapos magbibiro ka?" tanong ni Karen.

"Sorry na. Ikaw naman, pinapatawa lang kita. Ayoko lang naman kasi na maging sad ka. Alam mo, makakamove-on ka rin sa mga nangyayari ngayon." tugon ni Ariana.

"Naku, bes. Salamat ha. Salamat dahil pinapalakas mo ang loob ko. Alam mo, maswerte ako na naging bes kita." sambit ni Karen.

"Ako rin naman eh. Maswerte din ako sayo, bes. Basta, don't lose hope. Okay?" tanong ni Ariana.

"Okay." tugon ni Karen.

----------

"I don't care! I don't care kung nanumpa kayo noong nagpakasal kayo! I want to file an annulment para sa inyong dalawa. Annulment is cheap. At afford na afford natin 'yun, right, anak?" sambit ni Rita.

"No Mama, I won't file an annulment para sa aming dalawa ni Karen. I loge her." tugon ni Edward.

"Talaga bang mahal mo ang babaeng 'yun? Oh, c'mon, Edward. Ang daming babae sa mundo, at doon ka pa nagkagusto sa babaeng Karen na 'yun? Mukhang, bumaba na yata ang standards mo sa babae. Hindi 'yan ang Edward na kilala ko." sambit ni Rita.

"Mama, nung una kong nakita si Karen, hindi ko rin siya nagustuhan. But Mama, noong mas matagal ko siyang nakilala, doon ko siya natutunang mahalin. I realized na Karen has a kind heart. Kaya Mama, please. Hayaan niyo na po ako. Malaki na po ako. Kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko." tugon ni Edward.

"Bahala ka sa buhay mo. Basta, I don't like her!" sambit ni Rita.

----------

"Alam mo tol, hindi ko maintindihan si Mama eh. I don't know kung bakit ayaw na ayaw niya kay Karen." sambit ni Edward.

"Alam mo, ngayon lang 'yan. Siguro kapag tumagal, malalaman na talaga ng nanay mo ang totoong ugali ni Karen. Malalaman niya ang dahilan kung bakit mo siya minahal. Ngayon lang 'yan siguro. Pero tignan mo, sa mga susunod na panahon, magugustuhan na ng nanay mo si Karen." tugon ni Robert.

"'Yan nga ang sinabi ko sa kaniya tol, eh. I told her na hindi naman talaga masama ang ugali ni Karen. But I don't really know kung anong problema ni Mama. But I hope, I hope na magustuhan din niya si Karen." sambit ni Edward.

----------

"Hay nako, anak. Sana patawarin pa ako ng ate mo sa ginawa kong pagsisinungaling sa kaniya. Hindi ko naman talaga 'to ginusto eh." sambit ni Magda.

"Nay, huwag po kayong mag-alala. Mapapatawad rin po kayo ni ate. Alam niyo naman Nay, hindi kayo matitiis non. Eh mahal na mahal kayo non eh." tugon ni Leslie.

"Salamat, anak. Salamat dahil nauunawaan mo ako." sambit ni Magda.

----------

"O ayan, Nay. Sinabi po sa akin ng doktor na pwede na raw po tayong umuwi mamaya." sambit ni Bella.

"Salamat, anak. Naku, dahil sa pag-aalaga mo eh mas bumilis ang paggaling ko." tugon ni Amy.

"Naku, Nay. Wala po 'yun. At tsaka Nay, 'di ba? Simula po nung mawala si Tatay, ipinangako ko po sa inyo na ako na ang mag-aalaga sa inyo?" tanong ni Bella.

"Naku, anak. Napakabait mo talaga. Salamat, ha? Salamat kasi kahit matanda na ako, mahal na mahal mo pa rin ako." tugon ni Amy.

----------

"Karen, sagutin mo naman 'tong phone mo! Hay!" bulong ni Roxanne sa sarili.

Sinusubukang tawagan ni Roxanne si Karen. Gusto niya ulit na bumisita sa mansyon.

Makalipas ang ilang sandali, sumagot na si Karen sa tawag ni Roxanne.

"Karen, mansyon ka ba? I mean, nasa mansyon ka ba?" tanong ni Roxanne.

"Hello, Roxanne! Wala ako sa mansyon. Umalis kasi kami ni Ariana. Tsaka, bumalik na ako sa dati kong bahay. Si Edward lang ang tao sa mansyon." tugon ni Karen.

"Ariana? Sinong Ariana?" tanong ni Roxanne.

"Ah, si Ariana, 'yung bestfriend ko. Andito kami sa café, tambay-tambay lang. Bakit ka nga ba napatawag?" tanong ni Karen.

"Ah, wala. Gusto ko lang kasi sanang bumisita sa mansyon. Eh kaso, wala ka pala. Siguro bukas na lang." tugon ni Roxanne.

"Oh, siya sige." sambit ni Karen.

"Ay nga pala, bakit ka nga ba bumalik sa dati mong bahay?" tanong ni Roxanne.

"Tsaka na, Roxanne. Mahabang kwento." tugon ni Karen.

"Oh siya, sige. Bye!" sambit ni Roxanne at ibinaba ang telepono.

Masaya si Roxanne dahil mukhang masosolo niya si Edward sa mansyon.

"Oh, Roxanne, saan punta mo?" tanong ni Fred.

"Well kuya, pupunta ako sa mansyon. Si Edward lang ang mag-isang nandoon at, mukhang masosolo ko siya." tugon ni Roxanne.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now