Chapter 84: Goodbye, Mystie

5 2 0
                                    

"Mystie!" malakas na sigaw ni Roxanne.

Kaagad nilang pinuntahan ang nakahandusay na katawan ni Mystie. Tinignan ni Edward kung may pulso pa siya.

"May pulso pa, dalhin natin sa ospital!" sambit ni Edward.

"Sige, Edward. Ipapahanda ko na 'yung sasakyan." tugon ni Bella.

"Jusko, sino naman kayang babaril sa kaniya?" tanong ni Ariana.

"Malamang sa malamang, ang mga Villanueva na naman ang may pakana nito." tugon ni Roxanne.

"Mga hayop sila, pati si Mystie idinamay nila." ani Edward.

—————

"Please, save her. Iligtas niyo po siya. Gawin niyo po ang lahat." nagmamakaawang sambit ni Bella nang madala si Mystie sa emergency room.

"Grabe talaga. Grabe talaga ang mga Villanueva. Mga hayop sila. Pati si Mystie idinamay nila." tugon ni Roxanne.

Tumunog ang telepono ni Karen. Tumatawag ang nanay niya.

"Wait, I have to answer this call."

"Hello, Nay?"

"Anak, nasaan kayo?" tanong ni Magda.

"Nay, nandito po kami sa ospital. Nabaril po si Mystie." tugon ni Roxanne.

"A-ano? Sige, pupunta kami d'yan! I-text mo na lang ang address ng ospital!" sambit ni Magda.

"Opo, Nay." tugon ni Roxanne at kaagad na ibinaba ang telepono. Kaagad niyang tinext ang address ng ospital sa kaniyang ina.

"Sinong tumawag?" tanong ni Edward.

"Tumawag si Nanay. Sinabi ko na sa kaniya ang nangyari kay Mystie." tugon ni Roxanne.

"Alam mo, insan, natatakot ako para kay Mystie. Sana, mailigtas siya ng mga doktor." sambit ni Bella.

"Tiwala lang, Bella. Tiwala lang. Huwag kang mag-alala, babawi tayo sa mga Villanueva. Babawi tayo sa lahat ng mga ginawa nila sa atin." tugon ni Roxanne.

"Insan, handa na ako. Handa na akong ipaghiganti si Inay. Handa na akong maghiganti sa lahat ng mga ginawa nila sa atin. Kasama mo ako sa laban natin." sambit ni Bella.

"Salamat, Bella. Kukunin natin ang hustisya para sa nanay mo at para kay Mystie." tugon ni Roxanne.

Makalipas ang ilang sandali, dumating na rin sina Magda, Rico, at Leslie.

"Ate, anong nangyari kay Mystie?" tanong ni Leslie.

"Nabaril siya, Les. Nabaril si Mystie." tugon ni Roxanne.

"A-ano?"

Maya-maya lamang ay lumabas ang doktor na galing sa emergency room.

"Dok, ano pong lagay ni Mystie? Okay na po ba siya?" kaagad na tanong ni Bella.

"I'm sorry. She didn't make it. She was dead-on-arrival noong dumating siya rito. We tried our best, but she didn't make it. My condolences." malungkot na saad ng doktor.

Napaluha si Bella.

"Dok, please, kung kinakailangan, i-revive ninyo siya ulit. Gawin ninyo ang lahat. Hindi pwedeng mamatay si Mystie!" naluluhang sambit ni Bella.

"We revived her a few times. Hindi na talaga niya kaya. I'm really sorry. Maybe it's her time to go. Maiwan ko na muna kayo." tugon ng doktor.

Napatingin si Bella kay Karen.

"Insan." naluluhang sambit niya.

"Wala na si Mystie." tugon ni Roxanne.

"Hayop sila! Mga hayop sila! Magbabayad ang mga Villanueva sa ginawa nila kay Mystie pati na rin sa nanay ko! Mga hayop sila." sigaw ni Bella.

"Napakawalanghiya pala talaga ng mga Villanueva na 'yan. Mga wala silang puso!" sambit ni Magda.

"Mismo, nay! Hindi na rin ako magtataka kung mapatay nila tayong lahat! Mga maimpluwensiya sila. Marami silang pera. Kaya nilang magpapatay ng tao kung kailan nila gusto!" tugon ni Leslie.

"Kaya nga anak. Alam mo, sana, may tumulong sa atin para mapagbayad sila sa lahat ng krimen na nagawa nila." sambit ni Magda.

"Bakit po, hindi nalang natin sila ipakulong lahat?" tanong ni Leslie.

"Hindi ganoong kadali 'yun, anak. Mas marami silang pera kaysa sa atin. Kayang-kaya nilang suhulan ang mga pulis. Kayang-kaya nilang bayaran ang mga ito para lang hindi sila makulong. At alam kong hahanap at hahanap sila ng paraan para makatakas sa kulungan." tugon ni Magda.

"Huwag po kayong mag-alala, Nay. Alam kong darating ang panahon at magbabayad sila sa lahat ng pagkakautang nila. Sisiguraduhin ko na babalik sa kanila ang lahat ng masasamang ginawa nila sa atin." sambit ni Roxanne.

—————

Nang madala sa morgue ang katawan ni Mystie, nagtungo roon sina Karen at Bella. Nakatakip ang katawan ni Mystie.

Dahan-dahang lumapit si Bella sa katawan ni Mystie at unti-unting inalis ang takip nito.

Lalong naluha si Bella nang makita ang bangkay ni Mystie.

"Mystie, I'm sorry. I'm sorry kung wala kaming nagawa. I'm sorry kung dahil sa amin, napahamak ka. Pero bayaan mo, ipaghihiganti ka namin. Ipaghihiganti kita. Dahil sisingilin ko ang mga Villanueva sa lahat ng mga kasalanan nila. Magtutulungan kami nina Karen para pabagsakin silang lahat." umiiyak na sambit ni Bella ngunit may galit siyang nararamdaman sa puso niya.

"Tama si Bella. Tama si Bella, Mystie. Ipaghihiganti ka namin pati ang nanay ni Bella." dagdag pa ni Roxanne.

—————

"Congratulations, dahil natanggal mo na ang tinik sa ating mga lalamunan." sambit ni Vicky.

"Well, the battle is not yet over. Nandiyan pa 'yung pesteng magpinsan, remember? At tayo ang pinagbibintangan nila sa pagkamatay nung pesteng matandang Amy na 'yon at malamang, pati na rin kay Mystie." tugon ni Karen.

"Oh, yes. I almost forgot. So, ano nang plano mo sa kanilang dalawa?" tanong ni Vicky.

"Well, I want them to suffer too. Gusto kong makita nila kung papaano sila namamatayan ng mga mahal nila sa buhay. Well, nagsisimula pa lang tayo." tugon ni Karen.

—————

"Grabe talaga silang mga Villanueva, Nay. Wala silang mga puso at kaluluwa. Kahit sarili nilang kakampi, kayang-kaya nilang patumbahin. Kayang-kaya nilang ipapatay." sambit ni Roxanne.

"Ganun talaga sila, anak. Basta may pera sila, maimpluwensiya, kayang-kaya nilang patumbahin ang kahit na sino. Kahit na, sarili nilang kakampi, pwedeng-pwede nilang ipapatay." tugon ni Magda.

"Pero Nay, papaano po ang mga taong pinatay nila? Kailangan din nila ng hustisya. Si tita Amy at si Mystie. Kailangan nila ng hustisya." sambit ni Roxanne.

"Huwag kang mag-alala, anak. Alam kong darating ang panahon, babagsak din sila. Pero, bago ang lahat, kailangan mo munang mabawi ang katawan mo kay Roxanne. Kung plano mong maghiganti, kailangang makabalik ka sa katawan mo. Hindi pwedeng nariyan ka sa katawan ng kalaban mo." tugon ni Magda.

—————

"I need to get out of here. Hindi pwedeng nandito lang ako forever." sambit ni Fred kina Vicky at Roxanne nang dumalaw sila sa kulungan.

"Don't worry, kuya. Gagawa kami ng paraan ni Mama. Hindi ka namin pababayaan dito sa loob." tugon ni Karen.

"Dapat lang. Hindi pwedeng maging masaya ang mga kalaban natin tapos ako, nandito, nakakulong sa loob. Hindi pwedeng maging masaya ang pamilya ni Karen." sambit ni Fred.

"Don't worry, anak. Hindi mo naman kailangang problemahin 'yan. Don't forget that we have a lot of money. We can get a lawyer that can defend you." tugon ni Vicky.

"Mama, kung kinakailangang kumuha kayo ng sampung abogado, gawin ninyo. Gawin ninyo ang lahat para lang mailabas ako rito." sambit ni Fred.

"Say no more, kuya. Hindi rin magtatagal, makakalabas ka rin dito." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now