Chapter 121: Karen in Danger

2 0 0
                                    

"Ano na, nay? Ano pang hinihintay natin? Hulihin na natin si Karen!" sambit ni Roxanne.

"Could you just please calm down? It takes time, Roxanne. 'Wag kang mag-alala, mamaya rin, hawak na natin si Karen sa leeg." tugon ni Vicky.

Pinanonood nina Roxanne at Vicky sina Karen at ang kaniyang pamilya.

"Tay, magbabanyo lang po ako, mauna na po kayo sa sasakyan." sambit ni Karen.

"Sigurado ka, anak? Pwede ka naman naming hintayin." tugon ni Rico.

"Oo nga bes, tama ang tatay mo. Hintayin ka na namin." sambit ni Ariana.

"Hindi na, Ariana. Mauna na kayo. Pangako, susunod ako kaagad, ha?" tugon ni Karen.

"Ay ate sama ako. Gusto ko ring magbanyo." sambit ni Leslie.

"O siya sige, halika na, Les." tugon ni Karen.

Bumalik na sa sasakyan sina Ariana at Rico. Sina Leslie at Karen naman ay nagtungo sa banyo.

"Ayan na, nay. See? Malapit ko na silang makuha. At mamaya-maya lang, hawak ko na sila." sambit ni Roxanne.

Matapos ang ilang minuto, lumabas na ng banyo sina Karen at Leslie. Nakamanman pa rin si Roxanne sa kanila.

"Halika, kuya. Kunin natin si Karen." sambit ni Roxanne.

"Ano? Eh papaano 'yung kapatid niya?" tanong ni Fred.

"Kuya, pwede ba, trust me. Walang magagawa 'yan si Leslie dahil isa rin siyang malaking lampa kagaya ng ate niya. Wala 'yang magagawa." tugon ni Roxanne.

"Sigurado ka?" tanong ni Fred.

"Oo kuya, halika na!"

Kaagad lumabas sina Roxanne at Fred ng sasakyan. Kaagad nilang pinuntahan si Karen.

"Hi, Karen! I missed you!" ani Roxanne at kaagad niyang tinakpan ng panyo na may pampatulog ang ilong ni Karen.

"Hayop ka, Roxanne! Mga hayop kayo! Anong ginagawa ninyo sa ate ko?" sigaw ni Leslie.

"Wala kang pake, Leslie! Kuya, pigilan mo 'yang bwiset na 'yan!" sambit ni Roxanne.

"Well, sige. Halika ditong Leslie ka." tugon ni Fred at hinawakan niya ng mahigpit si Leslie sa braso.

"Aray ko, bitiwan mo 'ko! Nasasaktan ako!" sigaw ni Leslie.

"Talagang masasaktan ka! Tumahimik ka kundi igagaya kita sa ate mo!" tugon ni Fred.

"Demonyo kayo! Hindi ako papayag na gawin niyo 'yan! Magbabayad kayo sa lahat ng kasalanan ninyo!" muling sigaw ni Leslie.

"Ah, ayaw mo talagang tumigil? Sige, pagbibigyan kita sa gusto mo!" tugon ni Fred at gaya ng kay Karen, tinakpan din niya ng panyo ang ilong ni Leslie. Nawalan din ito ng malay.

"Ayan, wala na silang malay pareho. Anong balak mong gawin dito kay Leslie?" tanong ni Fred.

"Sige na, pabayaan mo nalang siya rito. Iwan mo na 'yan d'yan." tugon ni Roxanne.

"Roxanne, sira ulo ka ba? Papaano kung magsumbong 'to? Papaano kung sabihin nilang tayo ang kumuha sa ate niya?" tanong ni Fred.

"Kuya, bobo ka ba? Alam mo namang kahit na magsumbong 'yan, walang magagawa 'yang babaeng 'yan! Kuya, sa laki ng Pilipinas, hindi nila tayo mahahanap! Eh ano naman kung malaman nilang tayo ang dumukot kay Karen? Kahit naman 'di 'yan magsumbong, basta may nawawala sa pamilya nila, tayo ang sisisihin nila! Kaya, tara na!" tugon ni Roxanne.

"Sige na, halika na!" sambit ni Fred at iniwan si Leslie sa may damuhan.

Kaagad na binuhat ni Fred ang katawan ni Karen at dinala ito sa sasakyan. Tinalian niya rin ito.

The SwitchWhere stories live. Discover now