Chapter 30: Pagtaboy

6 3 0
                                    

"Yes, Ma. Naaksidente si Roxanne. Nandito kami sa ospital. Katabi ko siya." ani Fred.

"Baka naman, binibiro ninyo lang ako ha?" tanong ni Vicky.

"Ma, look, I'm not pranking you. Kung gusto mo, i'll send you a picture." tugon ni Fred.

"Okay, sige. Just make sure that this is not a prank." ani Vicky.

Ibinaba ni Fred ang telepono at kinuhanan ng litrato si Roxanne.

"Kuya, bakit mo ako kinukuhanan ng litrato?" tanong ni Karen.

"Ipapadala ko kay Mama. Ayaw niyang maniwalang naaksidente ka." tugon ni Fred.

"Ano? Hindi siya naniniwala? Ang kapal talaga ng mukha niya. Pagkatapos niya tayong iwan, ang kapal ng mukha niyang sabihing hindi 'to totoo?" ani Karen.

"Kaya nga, humiga ka na muna d'yan. Kunwari, wala kang malay tapos isesend natin kay Mama." sambit ni Fred.

"Sige. Basta dapat mukha akong kawawa d'yan para maawa sa akin si Nanay." tugon ni Karen.

Humiga si Roxanne at nilitratuhan siya ni Fred. Ipinadala niya ito kay Vicky.

Mama:
Ano? So ibig sabihin, totoo nga?

Fred:
Yes, Ma. It's true. Naospital si Roxanne ng dahil sayo.

Mama:
What? Anong pangalan ng ospital? Pupuntahan ko kayo.

Fred:
Ma, huwag ka ng magpunta. Baka mas lalo pang magalit si Roxanne. Hayaan mo na muna kami.

Mama:
Anak, please, tulungan mo na ako. Magsosorry ako sa mga nagawa ko. Pls anak.

Fred:
Okay, fine. Nasa Manila Medical Center kami Ma.

Mama:
Okay, anak. Pupuntahan ko kayo.

—————

"Roxanne, pupuntahan daw tayo dito ni Mama." ani Fred.

"Ano? Bakit? Ayoko siyang makita." tugon ni Karen.

"Pwede ba, Roxanne, mag-sosorry na raw siya." sambit ni Fred.

"Kahit na, kuya. Siya pa rin ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Kung hindi dahil sa kaniya, wala ako dito sa ospital ngayon." tugon ni Karen.

"Roxanne, hayaan mo muna na makausap ka niya. Magkakaayos din kayo," ani Fred.

—————

"Miranda, kailangan ko munang umalis. Naospital ang anak ko, si Roxanne. Kailangan ko siyang puntahan." sambit ni Vicky.

"Ano? Anong nangyari sa anak mo?" tanong ni Miranda.

"Naaksidente raw. Kailangan ko siyang puntahan para makausap." tugon ni Vicky.

"O siya sige, sasamahan kita." ani Miranda.

"Hindi na, Miranda. Kaya ko na. Kaya ko na mag-isa." tugon ni Vicky.

"O sige. Magpahatid ka nalang kay George." ani Miranda.

"Sige, Miranda. Salamat ng marami." tugon ni Vicky.

Makalipas ang halos kalahating oras, nakarating na si Vicky sa ospital. Inabangan siya ni Fred sa may harapan ng ospital.

The SwitchWhere stories live. Discover now