Chapter 76: Frame Up

5 2 0
                                    

"B-bella, hindi 'yun 'yung nakita mo. Hindi ko pinatay si tita!" depensa ni Roxanne.

"Hayop kang sinungaling ka! Hindi ba, umalis ka na? Bakit ka pa bumalik? At bakit mo binaril si inay?" galit na tanong ni Bella.

Napatingin si Karen sa baril na hawak niya. Nabitawan niya ito.

"Hindi ako ang pumatay sa nanay mo, Bella. Hindi ko 'yan magagawa!" depensa ni Roxanne.

"Eh ginawa mo na nga, e! Hayop ka! Akala ko pa naman mabait ka, pero ang totoo, isa kang kriminal! Ipakukulong kitang hayop ka!" galit na tugon ni Bella.

Kaagad pinuntahan ni Bella ang duguang bangkay ng kaniyang ina. Umiiyak siya.

"Nay! Bakit ang bilis mo akong iwan? Nay, gumising ka!" umiiyak na sambit ni Bella.

Nilapitan din ni Karen ang bangkay ni Amy.

"Huwag kang lumapit sa kaniya! Hayop kang mamamatay-tao ka! Tatawag ako ng pulis! Makukulong ka!" sigaw ni Bella.

"Bella! Let me explain! Hindi ako ang pumatay sa nanay mo!" tugon ni Roxanne.

"No way! Hindi kita hahayaang magpaliwanag ng mga kasinungalingan mo! Hindi ako papayag na hindi ka makulong! Makukulong ka!" sigaw ni Bella at kaagad niyang kinuha ang telepono upang tawagan ang mga pulis.

—————

"My plan worked! So ngayong makukulong na ang totoong Karen, magagawa ko na ring ma-solo si Edward. And kuya, I just want to thank you for helping me." sambit ni Karen.

"Friend, nasisiraan ka na ba? Bakit mo pinatay 'yung nanay ni Bella? Bakit niyo binigay kay Karen 'yung baril? Bakit?" tanong ni Mystie.

"Mystie, shut up! Naririndi na ako sa bunganga mo! Baka gusto mong sayo ko iputok 'tong mga natitirang bala ng baril na 'to? Kung hindi ka tatahimik, pasensiyahan tayo!" tugon ni Karen.

"Hey, stop. Huwag mong sigawan si Mystie." pag-aawat ni Fred.

"Friend, ayokong makulong! Hindi bagay ang beauty ko sa loob ng presinto! Hindi bagay sa akin ang kulay orange!" sambit ni Mystie.

"Chill, Mystie. Hindi tayo makukulong, dahil si Karen ang makukulong." tugon ni Karen.

—————

"Ang tagal naman ng anak mo, puntahan ko na kaya?" tanong ni Magda.

"O siya sige, puntahan mo na lang si Karen sa loob. Dito na lang kami ni Leslie." tugon ni Rico.

"Sige."

Bumaba si Magda ng sasakyan upang tignan si Karen sa loob ng bahay nina Bella. Nang malapit na siya sa pinto, naririnig niya na parang may umiiyak kaya't dali-dali siyang pumasok. Nagulat siya nang makitang duguan ang ate niya.

"Ate! A-anong nangyari dito? Anong nangyari kay ate?" tanong ni Magda.

"Tita, pinatay po siya ni Karen. Pinatay siya ng sarili niyang pamangkin! Napakawalanghiya talaga ng anak ninyo! Akala ko mabait siya, pero ang totoo, isa rin pala siyang demonyo!" tugon ni Bella.

"A-ano?"

"Nay, hindi po totoo ang sinasabi ni Bella. Hindi ko po pinatay si tita. Hindi ko po kayang gawin 'yun sa kaniya!" umiiyak na sambit ni Roxanne.

"Anong hindi mo pinatay? Sinungaling! Papunta na rito ang mga pulis, at ikukulong ka na nila!" tugon ni Bella.

"Bella, baka naman pwede, huwag mo namang ipakulong si Karen! Hayaan muna natin siyang magpaliwanag!" sambit ni Magda.

"Magpaliwanag? Eh kahit naman magpaliwanag siya, hindi naman aamin 'yan sa kasalanan niya eh! At kung wala siyang balak patayin si inay, eh bakit siya bumalik?" tanong ni Bella.

"Insan, kasi..." hindi pinayagan ni Bella na magsalita si Karen sa sobrang galit niya.

"Wala nang kasi-kasi. Makukulong ka, that's it!" galit na sambit ni Bella.

—————

"Anak, bakit kaya ang tagal nila? Ano bang ginagawa nila sa loob? Puntahan mo na kaya sila?" sambit ni Rico.

"Sige po, tay." tugon ni Leslie.

Bumaba si Leslie ng sasakyan upang tignan ang nangyayari sa loob ng bahay nina Bella. Nagulat siya sa kaniyang nakita nang makapasok siya sa loob.

"Oh my... Ate, Nay, ano pong nangyari kay tita?" gulat na gulat si Leslie nang makita ang bangkay ni Amy.

"Leslie, pinatay siya ng magaling mong ate!" sambit ni Bella.

"A-ano? Hinding-hindi magagawa ni ate 'yun!" tugon ni Leslie.

—————

"Oh, well, let's see kung makukulong 'yang Karen na 'yan. Good for her. Malapit na siyang mawala sa buhay ni Edward. At kapag nangyari 'yon, magpapa-party ako ng bonggang-bongga." sambit ni Karen nang makabalik sila sa kanilang bahay.

"Friend, hindi ka ba natatakot? Hindi ka ba natatakot na baka may nakakita sa atin?" tanong ni Mystie.

"Well, Mystie, 'wag kang tanga. For sure, wala namang makakakita sa atin dahil wala naman akong nakitang mga CCTV sa bahay na 'yon. Well, don't be afraid kasi hinding-hindi tayo makukulong. Si Karen ang makukulong." tugon ni Karen.

Wala na lamang magawa si Mystie. Hindi niya matulungan si Karen dahil alam niyang magagalit sa kaniya si Roxanne. Kinakain na siya ng kaniyang konsensiya. Hindi niya akalaing aabot sila ng ganito.

—————

"Anak, Leslie, bumalik ka muna sa sasakyan! Dun ka na muna! Sabihin mo sa tatay mo ang nangyari!" utos ni Magda.

"S-sige po." tugon ni Leslie at kaagad siyang nagtungo sa loob ng sasakyan.

"Ano, anak? Bakit daw ang tagal nila?" tanong ni Rico.

"Tay, hindi po kayo maniniwala sa sasabihin ko." tugon ni Leslie.

"A-ano ba 'yun?" tanong ni Rico.

"Tay, patay na po si tita Amy. At si ate po ang pinagbibintangan nilang pumatay sa kaniya." tugon ni Leslie.

"A-ano?" nagulat si Rico sa sinabi ni Leslie.

Napalingon sila nang may bigla silang marinig na kotse ng mga pulis.

"Tay, andiyan na po ang mga pulis! Baka ikulong nila si ate!" sambit ni Leslie.

"Sandali lang, dito ka lang. Pupuntahan ko lang ang ate mo at ang nanay mo. Dito ka lang." tugon ni Rico at dali-dali siyang bumaba ng sasakyan.

Naiwan mag-isa si Leslie sa loob ng sasakyan. Natatakot siya. Hindi niya alam ang gagawin. Hanggang sa sumagi sa isip niya na tawagan si Edward. Maaaring makatulong siya.

Dali-daling kinuha ni Leslie ang kaniyang telepono at tinawagan si Edward.

"Kuya Edward, please pick-up! Sagutin mo 'tong telepono!" bulong ni Leslie sa kaniyang sarili.

'Di nagtagal ay sinagot na rin ni Edward ang telepono.

"Leslie, napatawag ka? Anong meron?" tanong ni Edward.

"Kuya Edward, 'yung nanay kasi ni Bella eh, patay na siya! At si ate ang pinagbibintangang pumatay sa kaniya!" tugon ni Leslie.

"W-what?"

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now