Chapter 24: Leslie Meets Nikko

18 3 6
                                    

"Leslie, gumising ka!" sigaw ni Mindy.

"Halika na, dalhin natin siya sa clinic!" sambit ng lalaki.

"O sige, halika na!" tugon ni Mindy.

Kaagad binuhat ng lalaki si Leslie at dinala sa clinic. Maya-maya ay nagising na ito. Ngunit, medyo nahihilo pa siya. Nakita niya ang lalaking nakatama sa kaniya.

"Miss?" sambit ng lalaki.

Medyo malabo ang paningin ni Leslie dahil malakas ang pagtama ng bola kanina sa ulo niya. Ngunit makalipas ang ilang sandali, luminaw na ito.

"S-sino ka?" tanong ni Leslie.

"Nikko. I'm Nikko. Ako 'yung nakatama ng bola sayo kanina, and I'm sorry for that." tugon nito.

"S-salamat, Nikko. Ako nga pala si Leslie. Salamat sa pagdala mo sa akin dito sa clinic." sambit ni Leslie.

"You're welcome, Leslie." tugon ni Nikko.

"Teka lang, nasaan nga pala si Mindy?" tanong ni Leslie.

"S-sinong Mindy? 'Yung kasama mo kanina?" ani Nikko.

"Ah, oo. Nasaan siya?" tanong ni Leslie.

"Ah, lumabas lang siya saglit, may binili lang." tugon ni Nikko.

"A-ah, sige." sambit ni Leslie.

Makalipas pa ang ilang sandali ay bumalik na si Mindy. May dala itong tubig.

"Oh bes, inom ka na muna ng tubig." saad ni Mindy.

"Salamat, Mindy." tugon ni Leslie.

"So ano, okay ka na?" ani Mindy.

"Oo, Mindy. Ayos na ako." sagot ni Leslie.

Tumingin si Mindy kay Nikko.

"Uy, salamat nga pala sa pagdala sa friend ko dito ha. Ano nga palang name mo?" tanong ni Mindy.

"Nikko. I'm Nikko. You're welcome." sagot nito.

"Ay naku, Nikko, pasensiya ka na ha, kailangan na naming umalis. Mahuhuli na kasi kami sa klase eh." saad ni Leslie.

"It's okay." tugon nito.

"O siya sige, alis na kami." sambit ni Leslie at tsaka naglakad sila palabas ng clinic.

Hinabol ni Nikko si Leslie.

"Wait!"

"Ah, ano 'yon?" tanong ni Leslie.

"Leslie, pwede bang mahingi 'yung number mo? Gusto ko kasing bumawi sayo eh." ani Nikko.

"Ha? Babawi ka? Naku, okay na 'yung dinala mo 'ko dito sa clinic. Okay na 'yun." tugon ni Leslie.

"No, Leslie. Hindi ako mapapakali kapag hindi ka pumayag na bumawi ako sayo, please?" sambit ni Nikko.

"Bakit? Ano bang gusto mong pagbawi?" ani Leslie.

"Ililibre ko nalang kayo kahit saang kainan. Pwede mo rin isama ang friend mo," tugon ni Nikko.

"Talaga? Naku, 'wag na. Nakakahiya. Salamat nalang." sambit ni Leslie.

"No, no, no. Please, hayaan ninyo akong makabawi. Isa lang, please?" ani Nikko.

"Sige na nga. Mukhang hindi naman kita mapipigilan eh. Eto na 'yung number ko, isave mo na." tugon ni Leslie.

"Naku, salamat! Kelan kayo available?" tanong ni Nikko.

"Pwedeng bukas?" tugon ni Leslie.

"Sure." sambit nito.

"Naku, salamat talaga ha." ani Leslie.

"You're welcome. Okay sige, see you tomorrow." sambit ni Nikko.

"Sige, see you nalang din." tugon ni Leslie at tsaka umalis si Nikko.

"Naku, friend! Mukhang may gusto yata 'yun sayo. Isipin mo, pinilit ka niya!" sambit ni Mindy.

"Naku, hindi naman siguro. Baka sadyang mabait lang 'yung tao kaya gusto niyang bumawi," tugon ni Leslie.

"Well, pwede rin namang may gusto siya sayo," ani Mindy.

"Sira ka talaga, Mindy! Paano kung may girlfriend na 'yung tao? Tsaka, ayoko nang umasa na magkakagusto pa siya sa 'kin." tugon ni Leslie.

"Ano ka ba, Leslie? Malaki ang chance na magkagusto sayo 'yun si Nikko. Well, maganda ka, maputi, mabait, lahat na. Kaya hindi imposibleng magkagusto siya sayo." sambit ni Mindy.

"Ako naman, Mindy, hindi ko muna pinag-iisip 'yung mga ganyang bagay. Hindi ba nga, study first muna ako," tugon ni Leslie.

"Well, sabi mo eh. Pero nga pala, saan pala tayo ite-treat ni Nikko bukas?" tanong ni Mindy.

"Kahit sa tapsilugan lang, pwede na. Eh kasi naman bes, nakakahiya dun sa tao. Hindi pa naman natin siya masyadong kilala tapos ililibre niya tayo," tugon ni Leslie.

"Sabagay, nakakahiya rin naman sa kaniya kung paggagastusin natin siya sa mamahaling kainan." ani Mindy.

"O siya bes, halika na. Mahuhuli na tayo sa klase. Baka magalit na sa atin si Mrs. Evangelista." sambit ni Leslie.

"Sige, halika na." tugon ni Mindy.

—————

Pagkatapos ng klase, kaagad umuwi ng bahay si Leslie. Ikinuwento niya sa kaniyang mga magulang ang unang araw sa kanilang eskwelahan.

"Alam niyo po ba, Nay, may mga naglalaro po kanina ng basketball sa court, kaya nga lang po, isa po sa kanila ang nakatama ng bola sa ulo ko," kuwento ni Leslie.

"Ha? Natamaan ka ng bola sa ulo? Eh, ayos ka lang ba, 'nak?" tanong ni Magda.

"Opo, Nay. Ayos lang naman po. Nagpakilala nga po 'yung lalaki kanina eh. At ang sabi niya pa raw po, babawi raw siya sa akin. Ililibre niya raw po kami sa kainan," sagot ni Leslie.

"Eh anak, huwag ka basta-basta sasama sa hindi mo kakilala. Mahirap na, baka kung mapano ka." sambit ni Magda.

"Nay, 'wag po kayong mag-alala. Sinabi niya po kanina na pwede ko raw po isama si Mindy kung gusto ko," ani Leslie.

"O siya sige, anak. Pero mag-iingat ka pa rin ha. Mag-iingat kayo ni Mindy." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay. Salamat po. Akyat na po ako sa taas, may mga homeworks na po kasi kami." tugon ni Leslie.

"O siya sige, anak. Mag-aral ka ng mabuti ha." ani Magda.

—————

"Hon, are you okay?" tanong ni Roxanne.

"Yes hon, I'm okay." tugon ni Edward.

"You look tired, magpahinga ka na muna." ani Roxanne.

"Sige hon, salamat. Akyat muna ako sa taas." sambit ni Edward.

"Sige."

Umakyat si Edward sa kaniyang kwarto. Pagkatapos, pinuntahan ni Karen si Janice.

"Janice, hindi ba birthday ng sir Edward mo bukas?" tanong ni Roxanne.

"Opo, ma'am. Bakit po?" ani Janice.

"Wala lang, naisip ko lang kasi kung bigyan natin siya ng surprise party, mukha kasi siyang laging pagod sa trabaho eh," tugon ni Roxanne.

"Sige po, ma'am. Okay lang naman po." sambit ni Janice.

"Pwede mo ba kaming samahan bukas mamalengke habang nasa trabaho ang sir mo? Itatanong ko rin kasi kay Nanay kung okay lang din ba sa kaniya," ani Roxanne.

"Sige po, ma'am. Sasamahan ko po kayo bukas." sambit ni Janice.

"Naku, Janice, salamat ha. Sige, magpapahinga na muna ako." tugon ni Roxanne.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now