Chapter 49: Banta

6 3 0
                                    

"Ariana, tama na." pag-aawat ni Roxanne.

"Hindi e, ginugulo tayo ng babaeng 'yan e." tugon ni Ariana.

"Eh ano ngayon? Pwede ba ha, 'wag mo 'kong dinadamay." sambit ni Mystie.

"Pwede ba? Kung gusto ninyo, sa iba nalang tayo kumain." tugon ni Roxanne.

"Mabuti pa 'tong kaibigan mong si Karen, nag-iisip. Hindi tulad mo, masyado kang warfreak. Sige na, umalis na kayo." ani Karen.

"Halika na." sambit ni Roxanne.

Wala na lamang silang magawa kundi ang umalis na lang at humanap ng ibang makakainan.

"Alam mo, bes, nangigigil talaga ako sa babaeng 'yun. Alam mo, kung hindi ako nakapagpigil, sasapakin ko talaga 'yung babaeng 'yun." sambit ni Ariana.

"Alam ninyo, mga bes, halika, kumain na lang tayo. Huwag niyo nang isipin 'yung babaeng Roxanne na 'yun." tugon ni Bella.

"Oo nga, tama si insan. Halika na. Kumain na nga lang tayo." sambit ni Roxanne.

—————

"Friend, nakakabwisit pala 'yung friend nung babaeng Karen na 'yun. Nakakagigil ha." sambit ni Mystie.

"Well, hayaan mo sila. Mabuti nga, umalis na sila e." tugon ni Karen.

—————

"Tita, kumusta na po? Ano na po bang balita kay Edward?" tanong ni Robert.

"Ayun, tinawagan ako kanina ng mga pulis. Iniimbestigahan na nila ang nangyaring aksidente. Hinahanap na rin nila ang anak ko." tugon ni Rita.

"Naku, tita, sana po makita na nila si Edward." ani Edward.

Lumapit naman si Janice kay Rita dahil may tumatawag sa telepono.

"Ma'am, si ma'am Karen po. Gusto niya po kayong makausap." sabi ni Janice.

"Ano? Bakit daw? Anong kailangan niya?" tanong ni Rita.

"Hindi ko po alam, ma'am." tugon ni Janice.

Kinuha ni Rita kay Janice ang telepono.

"Tita, ano na po bang balita kay Edward?" tanong ni Roxanne.

"Ano bang pakialam mo? Bakit ka pa ba tumatawag? Pwede ba ha, 'wag mo na 'kong kausapin. Nang dahil sayo, hindi ko pa rin nakikita at nakakasama ang anak ko." tugon ni Rita.

"T-tita, wala po akong kasalanan." sambit ni Roxanne.

"Sinungaling. Hindi na ako papayag na makasama ka pa ng anak ko. Magbibigay ka lang ng perwisyo sa pamilya namin." tugon ni Rita at ibinaba ang telepono.

"Tita, s-sino pong kaaway ninyo?" tanong ni Robert.

"Ah, iho, si Karen. Si Karen ang kausap ko." tugon ni Rita.

"Ah, tita, magkaaway po ba kayo ni Karen?" tanong ni Robert.

"Hindi naman. Pero siya ang dahilan kung bakit nawawala ang anak ko. Siya ang may kagagawan kung bakit naaksidente si Edward." tugon ni Rita.

"Po? Eh, bakit niya naman gagawin 'yon?" tanong ni Robert.

"Kasi kung hindi dahil sa kaniya, hindi magpupunta ang anak ko sa bahay nila. At, hindi siya maaksidente. Kaya 'yang Karen na 'yan, hindi na ako papayag na magkasama pa sila ng anak ko." tugon ni Rita.

—————

Habang naglalakad sina Leslie at Mindy sa campus ay nagulat na lamang sila nang bigla silang banggain ni Joana, kasama ang mga kaibigan nito.

"Are you two going somewhere?" tanong ni Joana nang harangan nila ang daanan nina Leslie at Mindy.

"Joana, pwede ba? Ano nanaman bang trip mo?" tanong ni Leslie.

"Alam mo, nag-iinit ang dugo ko sayong malandi ka. Nangigigil ako sayo." tugon ni Joana.

"Hoy, ano na naman bang problema mo?" tanong naman ni Mindy.

"Well, kahit kailan talaga, para talagang higad 'yang kaibigan mo. Lapit ng lapit sa jowa ko. Ano ba, Leslie? Ano bang pinakain mo sa jowa ko at lapit siya ng lapit sayo? Ginayuma mo ba siya?" tanong ni Joana.

"Una sa lahat, Joana, hindi ko nilalandi ang jowa mo. Pangalawa, wala akong gusto sa kaniya. At pangatlo, paraanin niyo 'ko." tugon ni Leslie.

Bago pa man makalayo si Leslie ay hinila ni Joana ang kaniyang buhok at sinabunutan ito.

"Aray! Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Leslie.

"Ayan! Ayan ang napapala ng mga taong higad na dikit ng dikit sa jowa ko! Wawasakin ko 'yang pes mo!" tugon ni Joana.

"Pwede ba, tigilan mo ang kaibigan ko!" pag-aawat ni Mindy.

"Bakit, Mindy? Gusto mo rin bang wasakin ko 'yang pes mo, ha?" tanong ni Joana.

"Pwede ba, tumigil ka na nga!" tugon ni Leslie.

"You know what, Leslie, kapag hindi mo pa nilayuan ang jowa ko, I will make sure that I will turn your lives into a living hell. Hindi ako titigil hangga't hindi ka nahihirapan. Kaya kung ako sayo, layuan mo ang bebe ko. Layuan mo ang jowa ko! Dumistansya ka! Alam mo ba 'yon?" pagbabanta ni Joana.

"Huwag kang mag-alala, Joana. Hindi ko lang lalayuan ang jowa mo. Ipagtatabuyan pa namin siya kung kinakailangan. Para tigilan mo na ako, tigilan mo na kami, at para matahimik ka na rin. Sige, kung 'yan ang gusto mo, gagawin ko." tugon ni Leslie.

"That's good. Sige. Aasahan ko 'yan." ani Joana at nagwalkout.

"Alam mo, bes, nakakagigil talaga 'yung Joana na 'yun! Ang kapal ng pes niya!" sambit ni Mindy.

"Hayaan mo na siya, Mindy. Titigilan din tayo nung babaeng 'yun." tugon ni Leslie.

—————

"Anak, anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Magda kay Leslie.

"Nako, nay, inaway na naman ako nung Joana na 'yon. Binuwisit na naman ako nung babaeng 'yon. Nako, nay, pigilan niyo 'ko talaga kasi nangigigil ako sa kaniya. Hindi ko lang siya pinapatulan." tugon ni Leslie.

"Ano, gusto mo bang kausapin ko siya?" tanong ni Magda.

"Hindi na po, nay. Ako na pong bahala." tugon ni Leslie.

"Nako, anak, hindi pwedeng laging ganyan. Isang-isa na lang, susugurin ko talaga 'yung babaeng 'yun. Eh, ano bang dahilan ng pag-aaway ninyo?" tanong ni Magda.

"Nako, nay, 'yung jowa niya, lapit po ng lapit sa akin. Pinagbibintangan niya po ako na inaagawan ko raw siya." tugon ni Leslie.

"Nako ha, hindi pwede 'yan. Nako talaga, sinasabi ko sa 'yo, baka mapatulan ko 'yan." ani Magda.

—————

"Ano, anak? May nababalitaan ka pa ba tungkol kay Edward?" tanong ni Vicky.

"Aba, malay ko naman, nay. Ewan ko ba dun sa nanay niyang hilaw." tugon ni Karen.

"Eh bakit, galit pa rin ba siya sayo?" tanong ni Vicky.

"Ewan ko sa kaniya, nay. Nako, bahala na siya sa buhay niya." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now