Chapter 140: Under Surveillance

2 0 0
                                    

"Iris? Nandiyan ka ba? Iris?" sigaw ni Edward.

"Ay, sir, goodmorning po! A-ano pong kailangan niyo?" tanong ni Iris.

"Iris, painumin mo na ng gamot si mama! Oras na ng pag-inom niya." tugon ni Edward.

"Ay sige po, sir. Ako na po ang bahala." sambit ni Iris.

"Sige."

—————

Makalipas ang magdamag, nagising na lamang si Sabrina. Nagulat siya nang makita niya ang sarili niyang nakatali.

"B-bakit ako nakatali? M-mommy? Mommy are you there?" tanong ni Sabrina.

Mukhang walang nakarinig sa kaniya. Nilakasan pa niya ang boses niya.

"Mommy? Mommy, nandyan ka ba?" sigaw niya.

Maya-maya lamang ay pumasok si Martha sa kwarto ni Sabrina. Nakangiti ito.

"Oh, anak, gising ka na pala! Ipinagluto kita ng paborito mong adobo!" nakangiting sambit ni Martha.

"Mommy, bakit ako nakatali? Mommy, pakawalan mo 'ko!" tugon ni Sabrina.

"What? Pakawalan? Anong tingin mo sa akin, tanga? Bakit kita pakakawalan, ha? Nakalimutan mo na ba 'yung ginawa mo kagabi? Sinubukan mong umalis in the middle of the night! Sinuway mo 'ko!" sambit ni Martha.

"Mommy, I-I'm sorry about that. Patawarin mo 'ko. H-hindi ko naman talaga ginusto 'yun eh. Ginawa ko lang 'yun dahil gusto ko lang silang makasama. Ginawa ko lang 'yun dahil gusto ko silang makita. Pero mommy, wala akong balak na iwan ka. Wala." tugon ni Sabrina.

"So sa tingin mo, madadaan mo ako sa mga pakiusap mo? No, Sabrina! Hindi ba ang sinabi ko, bawal kang pumunta? Eh bakit mo ako sinuway? Bakit?" tanong ni Martha.

"Eh kasi pinagbabawalan mo 'ko! Alam ko namang hindi ka papayag kapag nagpaalam ako sayo, 'di ba?" tugon ni Sabrina.

"Dahil sa ginawa mo, Sabrina, mas mapapahamak ka. Hindi kita pakakawalan hangga't hindi ka nagbabago. Hindi ako papayag na maging masaya kayo ng pamilya mo, habang ako, iniwan mo at nag-iisa." sambit ni Martha.

"Baliw ka na, mommy. Baliw ka na!" tugon ni Sabrina.

"Yes, anak. I'm crazy! Oo, baliw ako! At hinding-hindi ako papayag na maging masaya kayo! Akin ka lang, anak! Akin ka lang! Hahahaha!" sambit ni Martha na para bang nawawala na sa sarili niyang katinuan.

"Demonyo ka, mommy. Demonyo ka! Hindi na ikaw 'yung dati kong mommy na mabait at mapagmahal! Hindi na kita kilala, mommy!" tugon ni Sabrina.

"Bakit, anak? Sa tingin mo ba, ikaw pa rin 'yung dati kong anak na mapagmahal? Tignan mo nga, gusto mo akong iwan, 'di ba? Kaya gagawin ko ang lahat para 'di ka mawala sa akin. At simula ngayon, you're under my surveillance. Babantayan ko ang bawat kilos mo. Babantayan ko ang bawat galaw mo. At kapag nalaman kong nakipagkita ka nanaman sa pamilya mo, pasensyahan tayo. Makakapatay talaga ako." sambit ni Martha.

Pagkatapos ay lumabas si Martha sa kwarto ni Sabrina. Si Sabrina naman ay naiwan sa kaniyang kwarto. Takot na takot siya. Nag-iba na nga ang kaniyang mommy. Ang mommy niya noon na mapagmahal at maalaga, ay naging isang mommy na mapanakit at masama.

"Hindi ako pwedeng tumunganga na lang dito, I must find a way out." bulong ni Sabrina sa kaniyang sarili.

—————

"Ma'am, sir, kain na po tayo. Luto na po ang tanghalian." sambit ni Iris.

"Talaga, Iris? Ano bang niluto mo?" tanong ni Karen.

The SwitchWhere stories live. Discover now