Chapter 153: Huli sa Akto

4 0 0
                                    

"Bes! Bakit kayo nandito sa ospital? Anong nangyari?" tanong ni Ariana nang makarating siya sa ospital matapos siyang tawagan ni Karen.

"Bes, si tita Nerissa. May masamang nangyari sa kaniya. Naaksidente siya. Pero, hindi ko alam kung aksidente nga ba o insidente. Pakiramdam namin, sadya ang lahat ng nangyayari ngayon." tugon ni Karen.

"Oo nga, bes. Nga pala, nabalitaan ko rin 'yung sunog sa mansyon niyo. I'm so sorry to hear that. Hindi ko alam na ang dami na palang nangyayari." sambit ni Karen.

"Oo, Ariana. At isang tao lang ang pinaghihinalaan naming may gawa nito." tugon ni Karen.

"Ha? Sino?" tanong ni Ariana.

"'Yung bagong kasambahay namin. Si Iris. Pakiramdam namin na siya ang may gawa ng lahat ng 'to. May hindi siya sinasabi sa amin. Ganun din ang sinasabi sa akin ni Leslie at ni tita Nerissa. May iba silang nararamdaman kay Iris." tugon ni Karen.

"Eh teka, bakit si Iris? Bakit 'yung kasambahay niyo pa? A-anong meron?" tanong ni Ariana.

"As of now, hindi pa namin alam. Pero kailangan naming alamin kung ano ba talagang meron sa kaniya. Kung may sikreto man siyang tinatago, kailangan kong malaman. At pakiramdam ko, si tita Nerissa lang ang makakasagot sa lahat ng mga tanong ko." tugon ni Karen.

-----

"Tita, si Ariana po 'to, bestfriend ni Karen. Tita, magpagaling po kayo ah. Kailangan niyo pa pong magising. May mga tanong po kami na ikaw lang ang nakakaalam." sambit ni Ariana habang pinagmamasdan si Nerissa.

"Oo nga po, tita. Tama po si Ariana. Kailangan niyo na pong magising. Nag-aalala na po sa inyo si April." tugon ni Karen.

"Huwag kayong mag-alala, magigising din siya. Tandaan natin palagi na may awa ang Diyos. Tutulungan Niya tayo kapag may mga pagsubok tayo. Basta, dapat lagi lang tayong kumapit sa Kaniya. Hindi Niya tayo pababayaan." sambit ni Rita.

"Tama po kayo, tita. Tutulungan Niya tayo. At alam kong magigising din si tita Nerissa." tugon ni Karen.

-----

"Nay, kailangan hindi magising si Nerissa. A-anong gagawin ko? Na-sstress na 'ko dito! Kanina pa 'ko paikot-ikot dito! Nay, hindi ako makapag-isip! Ano bang dapat kong gawin para mapatahimik ko na 'yang Nerissa na 'yan?" tanong ni Iris habang kausap si Vicky sa telepono.

"Roxanne, ang hina mo naman. Akala ko ba, matalino ka? Eh bakit simpleng bagay lang, 'di mo pa naisip?" tugon ni Vicky.

"Nay, pwede ba ha, 'wag ka ngang mamilosopo. Kailangan ko ng way para mapatahimik si Nerissa! I'm sure na kapag nagising 'yun, ibubuking niya ang lahat ng kalokohan ko kay Karen! Masisira lahat ng plano ko!" sambit ni Iris.

"Roxanne, bakit kaya hindi ka pumunta sa ospital at tuluyan mo na 'yung babaeng 'yun? Bakit, hindi mo siya tanggalan ng oxygen? Or bakit, hindi mo siya sakalin hanggang sa hindi na siya makahinga?" tugon ni Vicky.

"Nay, pano ko gagawin 'yun? Ang daming tao sa ospital! Palang may Karen, April, o Edward na nakabantay sa kaniya. Anong gusto mong gawin ko? Paalisin ko sila?" tanong ni Iris.

"Anak, edi syempre, magandang timing ang kailangan mo. Kapag nakita mong walang tao sa loob ng kwarto, edi dun mo gawin ang plano!" tugon ni Vicky.

"Well, sige. Sana lang, magkaroon ako ng magandang timing. Magagawa ko rin ang mga plano ko." sambit ni Iris.

"'Yan, d'yan ka dapat mag-focus, sa mga plano mo." tugon ni Vicky.

-----

Kasalukuyang nagbabantay ngayon sina Karen at Rita sa ospital. Ilang oras na rin silang nagbabantay.

The SwitchWhere stories live. Discover now