Chapter 132: Goodbye, Roxanne!

2 0 0
                                    

"Tumawag ka na ng pulis, anak! Kailangang mahuli na si Roxanne! Lahat tayo, idadamay niya sa galit niya!" sambit ni Rita.

"Sige po, mama. Eto na, tatawag na po ako." tugon ni Edward.

Kaagad na tumawag ng pulis si Edward. Hindi niya na hahayaang may madamay pa sa kasamaan ni Roxanne. Hindi na siya makakapayag na saktan pa nito si Karen.

—————

"Away natin 'to, 'di ba? Kung gusto mo, ako ang patayin mo! Huwag mo silang idamay sa galit mo sa akin! Ako! Ako ang saktan mo! Ako ang patayin mo!" sigaw ni Karen.

"Hahahahaha! Talaga, Karen? Talaga ba? 'Pag pinatay kaya kita ngayon, tingin mo, magiging masaya ako? No! Gusto kong mamatay ang buong pamilya mo! Gusto kong mamatay ang lahat ng mga mahal mo sa buhay! Gusto kong ipaghiganti ang kuya ko! Gusto kong makuha ang hustisya para sa kaniya!" tugon ni Roxanne.

"Baliw ka na, Roxanne! Baliw ka na!" sambit ni Karen.

"Oh yes, baliw talaga ako! Baliw na baliw! Hahahahaha!" tugon ni Roxanne at sinubukang barilin si Karen.

Sinubukang agawin ni Karen ang baril sa kaniya, ngunit hindi siya nagtagumpay.

Hinawakan ni Roxanne si Karen sa leeg at itinutok sa kaniya ang baril.

"Lakad palabas." sambit ni Roxanne.

"A-ano?" tanong ni Karen.

"Ang sabi ko, lakad palabas! Bingi ka ba o tanga? Ano, hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog? Ang sabi ko, walk!" tugon ni Roxanne.

Walang magawa si Karen kundi ang sundin ang iniuutos ni Roxanne. Naglakad siya patungo sa pinto.

Binuksan ni Roxanne ang pinto.

"Labas!" sigaw niya.

"Roxanne, 'wag." tugon ni Karen.

"Labas na kung ayaw mong kumalat dito ang utak mo!" sigaw ni Roxanne.

Narinig nina Rita at Edward ang sigaw ni Roxanne. Nakita nilang hostage ni Roxanne si Karen.

"Roxanne, 'wag na 'wag mong sasaktan si Karen!" sigaw ni Edward.

"Roxanne, itigil mo na 'yan!" dagdag pa ni Rita.

"Bakit? Natatakot kayo na sumabog ang utak netong babaeng 'to? Ha? Pwes, wala na kayong magagawa! Mamamatay na si Karen!" tugon ni Roxanne.

Napatigil si Roxanne nang biglang tadyakan ni Karen si Roxanne sa tiyan patalikod. Kaagad siyang napaaray at namilipit sa sakit.

Dali-daling tumakbo si Karen patungo sa labas ng mansyon.

"Susundan ko si Karen, 'wag na 'wag kayong susunod! At mas lalong 'wag kayong hihingi ng tulong sa mga pulis!" sambit ni Roxanne at kaagad niyang hinabol si Karen sa labas.

Nang makalabas si Karen sa mansiyon, nakita niyang bukas ang bintana ng sasakyan ni Roxanne. Kaagad siyang pumasok dito at kaagad niyang pinaandar ang sasakyan.

"Karen! Karen, hayop ka! Nasaan ka? Bumalik ka rito!" sigaw ni Roxanne.

Binilisan ni Karen ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Roxanne. Kaagad siyang nakita ni Roxanne kaya naman ay hinabol niya si Karen.

Nabitawan niya ang kaniyang baril at buong puwersa siyang tumakbo at hinabol ang kaniyang sasakyan. Nang masundan niya ito ay binuksan niya ang pinto at dali-daling sumakay.

"R-Roxanne?"

"Oo, Karen! Nahabol kita! Hayop ka, papatayin kita!"

Paulit-ulit na beses na iniuntog ni Roxanne si Karen sa manibela. Napaaray ito sa sakit.

"Tigilan mo na 'to, Roxanne! Hayop ka! Napakasama mo!" sigaw ni Karen.

"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka namamatay!" tugon ni Roxanne.

Sinubukan namang sakalin ni Roxanne si Karen. Nagpumiglas si Karen kaya naman ay nabitawan siya ni Roxanne.

"Hayop ka!"

"Mas hayop ka, Karen!" kaagad namang ipinihit ni Roxanne ang manibela.

"Roxanne, babangga tayo!" sigaw ni Karen.

"Wala akong pakialam! Kung mamamatay rin lang naman ako, mas mabuting mamatay ka na rin!" tugon ni Roxanne.

Nagpatuloy ang pag-andar ng sasakyan hanggang sa bumangga ito sa isang poste. Kaagad umusok ang sasakyan.

"Roxanne! Roxanne!" sigaw ni Karen.

Dumudugo ang ulo ni Roxanne sa lakas ng pagkakatama nila sa poste.

"Dito ka lang, hihingi ako ng tulong!" sambit ni Karen.

Pinilit na lumabas si Karen kahit hirap siya. Nang makalabas siya, nagsisigaw siya at sinubukang makahingi ng tulong. Makalipas ang ilang sandali ay nagulat siya nang biglang sumabog ang sasakyan!

"Roxanne!" napasigaw ng malakas si Karen nang makita niyang sumabog ang sasakyan at nagliyab ito.

Lumingon naman si Karen sa kaniyang likod at nakita niyang dumating ang mga pulis pati na rin sina Edward at Rita. Kaagad silang lumabas ng sasakyan.

"K-Karen?" sambit ni Edward.

"Edward!" tugon ni Karen.

"Hon, salamat at ligtas ka. Ano, okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ni Edward.

"W-wala hon. Ayos lang ako. Pero hon, si Roxanne, wala na siya. Patay na siya. Nandun siya sa loob ng sumabog na sasakyan. Hon, wala na siya. Wala na." tugon ni Karen.

"A-ano? Patay na si Roxanne?" tanong naman ni Rita.

"Opo." sagot ni Karen.

"Thank God, you're safe. Ligtas ka na, hon. Ligtas na tayong lahat. Wala nang manggugulo sa atin. Wala na si Roxanne." sambit ni Edward.

"Hon, iniwan ko siya sa loob kasi hihingi ako ng tulong. Nagulat na lang ako na biglang sumabog ang sasakyan. Hon, kasalanan ko 'to kung bakit siya namatay! Anong gagawin ko?" tugon ni Karen.

"Hon, please don't blame yourself. 'Di mo kasalanan 'yung nangyari kay Roxanne." sambit ni Edward.

"Tama si Edward, ang mahalaga, ligtas ka. Wala nang mananakit sa atin, Karen. Tapos na ang kalbaryo natin kay Roxanne." dagdag pa ni Rita.

—————

"Anak, kamusta ka? Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" tanong ni Rico kay Karen nang makadalaw sila sa mansyon.

"Oo nga ate, bakit ganyan itsura mo?" tanong pa ni Leslie.

"Tay, Leslie, Ariana, tapos na po." tugon ni Karen.

"Tapos na ang alin?" tanong ni Ariana.

"Tapos na po ang pagdurusa natin kay Roxanne. W-wala na siya. Patay na siya." tugon ni Karen.

"A-ano? Patay na si Roxanne? Papaanong nangyari 'yun, ate?" tanong ni Leslie.

"Sumabog 'yung sasakyang sinasakyan namin. Nabangga kasi kami sa poste kasi nag-aagawan kami sa manibela. Tapos ayun, bumangga kami. Lumabas ako para humingi ng tulong pero, pero biglang sumabog 'yung sasakyan nung pagkalabas ko. Naiwan si Roxanne sa loob." tugon ni Karen.

"A-ano?" gulat na sambit ni Leslie.

"Hay! Finally! Tapos na rin ang kalbaryo natin sa kanila. Wala nang manggugulo! Tama lang sa kanila na mangyari 'yon, no? Sa kabila ng lahat ng kasamaang ginawa nila sa atin, deserve nila 'yon." tugon ni Ariana.

"Oo nga, Ariana. Ligtas na tayo. Ligtas na tayo mula kina Roxanne." sambit ni Karen.

"Salamat sa Diyos! Wala na tayong problema." tugon ni Rico.

"Eh teka, papaano si Vicky? Baka nakakalimutan niyo, buhay pa siya?" tanong ni Ariana.

"Hindi ko rin alam, Ariana. Ang mahalaga, wala na si Roxanne. Mababawasan na kayo ng tinik sa lalamunan." tugon ni Karen.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now