Chapter 105: Pakiusap

4 0 0
                                    

"Kriminal? H-hindi po ako kriminal! Sino po ba kayo?" tanong ni Karen.

"Oh, so you don't know who I am? Ako lang naman ang nanay ng pinapatay mo! Hayop ka! How dare you kill my daughter? Wala kang puso!" tugon ni Nerissa.

"Sandali, pwede ba miss, ibaba mo muna 'yang baril mo. Ano bang sinasabi mo? Anong pinapatay? Walang pinapapatay ang anak ko!" sambit ni Magda.

"Mga sinungaling kayo! Pinapatay ninyo ang anak ko! Nang dahil sa anak mong si Karen, nawala ang anak ko!" tugon ni Nerissa.

"Anak? Sino pong anak ang tinutukoy ninyo?" tanong ni Karen.

"Si Mystie. Siya ang anak ko. Hayop ka, bakit mo siya ipinapatay?" tugon ni Nerissa.

"Kayo po ang nanay ni Mystie?" tanong ni Karen.

"Yes. I am the mother of Mystie. I am Mrs. Nerissa Policarpio. And how dare you kill my daughter?" tugon ni Nerissa.

"H-hindi ko po pinatay ang anak ninyo, Ms. Nerissa. Wala po akong pinapapatay. Hindi ko po kayang pumatay ng tao. Pero, kilala ko po kung sinong totoong pumatay sa kaniya. Pwede ko po siyang ituro sa inyo." sambit ni Karen.

"Oh, and now, ibinabaligtad mo ang sitwasyon? Pinagtatakpan mo pa ang kasalanan mo? Well, I won't believe you! Isa kang kriminal!" tugon ni Nerissa.

"Mrs, 'wag mo namang pagbintangan ang anak ko. Hindi siya ang pumatay sa anak mong si Mystie. Alam naming lahat at kilalang-kilala naming lahat kung sino ang totoong killer. Alam namin kung sino ang pumatay sa anak mo." sambit ni Rico.

"At sino naman ang sinasabi niyong killer? Ha? Sino?" tanong ni Nerissa.

"Si Fred Villanueva po ang totoong pumatay sa anak ninyo. Kapatid po siya ni Roxanne Villanueva. Malaki po ang galit nila sa pamilya namin." tugon ni Karen.

"Hahahaha! Are you serious? So si Roxanne ang tinuturo ninyong killer? She's the bestfriend of my daughter! She can't do that to Mystie!" sambit ni Nerissa.

"Mrs. Nerissa, totoo po ang sinasabi ng insan ko. Totoo pong ang mga Villanueva ang nagpapatay sa anak ninyo. Pinatay din po nila ang nanay ko. Si Mystie po ang tumulong sa amin para ituro kung sinong pumatay sa nanay ko. Nagsasabi po ng totoo si Karen. Hindi po siya nagsisinungaling." tugon ni Bella.

"Ano 'to, nagkakaisa kayong lahat? Ang sabi sa akin ni Roxanne, si Karen ang pumatay sa anak ko!" sambit ni Nerissa.

"Ms, hindi po totoo 'yun. Wala po akon pinapatay na kahit sino. Kayang-kaya ko pong patunayan sa inyo." tugon ni Karen.

"Sige nga, papaano mo patutunayan sa akin na wala kang kasalanan?" tanong ni Nerissa.

"Gawin niyo po ang lahat para alamin ang totoo. Gawin niyo po ang lahat para malaman ninyo kung sinong pumatay sa anak niyo. At kapag napatunayan niyo po talaga na may kinalaman ako, sige po. Papayag po ako na pagbayaran ang kasalanan ko. Pero kung mapatunayan niyo po talaga na wala akong kasalanan, pwede ko po kayong tulungan na pagbayarin ang totoong may sala." tugon ni Karen.

—————

"Mommy, ano na? Ang tagal-tagal ko nang nag-iisa sa bahay! Kailan ka ba kasi makakalabas dito?" tanong ni Joana nang dalawin niya ang kaniyang ina sa kulungan.

"Aba, malay ko. Kailangan ko pang kausapin 'yung abogado ko. Hindi ako papayag na hindi ako makakaalis dito." tugon ni Olivia.

"Mommy, gawin mo na kasi 'yung sinasabi ni aling Magda. Tumestigo ka na lang kasi laban kina tita Vicky at Roxanne. Kaysa naman sa nandito ka lang at nakatunganga." sambit ni Joana.

"Joana, gaga ka ba? Malaki ang utang na loob ko sa tita Vicky mo! Nakakahiya naman kung tatraydurin natin sila, 'di ba?" tugon ni Olivia.

"Pero mommy, kaya nila tayong ipapatay! Hindi mo ba narinig, wala silang balak na bigyan tayo ng ransom! Gusto nilang angkinin lahat! Papatayin nila tayo kapag nagsumbong tayo sa pulis!" sambit ni Joana.

"Hindi ko alam, hindi ko alam." tugon ni Olivia.

"Please, tumestigo na kayo laban sa kanila. Para rin po 'to sa ikabubuti nating lahat." napalingon silang mag-ina nang biglang magsalita si Leslie.

"Hoy, anong ginagawa mo ritong babae ka?" napatayo si Joana at nagsalita.

"Joana, nakikiusap ako sa inyo. Sa inyo ng mommy mo. Please, tumestigo na kayo laban sa kanila. Kailangan nang matapos ang lahat ng kasamaan nila." sambit ni Leslie.

"Ang kapal din naman talaga ng mukha mong pumunta rito, 'no? Pagkatapos ninyong ipakulong ang mommy ko? Ano, masaya ka na ba ha? Masaya na kayo? Masaya na ba kayong nakikitang nandito ang mommy ko?" galit na tugon ni Joana.

"Joana, hindi. Hindi kami masaya na nakikita ang mommy mo na nandito. Gusto nga namin kayong tulungan, e. Gusto ko kayong tulungan na makaalis sa kulungang 'to. Kailangan din namin ng tulong niyo para pabagsakin ang mga Villanueva." sambit ni Leslie.

"So, anong gusto mong gawin namin? Tumestigo laban sa kanila? Bakit, makakalaya ba agad-agad ang mommy ko kapag ginawa niya 'yon?" tanong ni Joana.

"Oo. Gagawin natin ang lahat para makaalis kaagad ang mommy mo rito. Tutulungan namin kayo. Pero nakikiusap ako, tumestigo na kayo laban sa kanila. Kayang-kaya nila tayong ipapatay. Hindi ba kayo natatakot?" tugon ni Leslie.

"Natatakot din naman kami, siyempre. Pero Leslie, kamag-anak namin sila. Hindi namin sila pwedeng basta-bastang traydurin." sambit ni Olivia.

"Ma'am Olivia, Leslie, sana pag-isipan ninyo 'tong gagawin ninyo. Makakabuti po 'to para sa ating lahat." tugon ni Leslie.

—————

"Bwisit naman, nay. Kelan ba tayo makakaalis dito sa pesteng kulungan na 'to? Ang baho tas ang init pa!" sambit ni Roxanne.

"Anak, please. Magtiis na muna tayo. Don't worry, i'll call my lawyer. We'll do everything para makaalis dito." tugon ni Vicky.

"Nakakainis naman kasi dito. Ang babaho ng mga kasama natin dito! Tapos ang init-init! Wala man lang pa-aircon!" reklamo ni Roxanne.

"Anong sabi mo? Sinong tinutukoy mong mabaho? Kami ba?" tanong ng isang preso.

"Oo! Kayo nga! Buti alam ninyo! Ang problema kasi sa inyo, hindi kayo naliligo! Mga dugyot!" tugon ni Roxanne.

"Aba, gago pala 'to ah. Feeling mayaman, bulok naman ang ugali. Ano bang gusto mo, ha?" tanong ng isang preso.

"Ang gusto ko, lumayo kayo sa akin dahil mga mababaho kayo! Mga dugyot!" tugon ni Roxanne.

"Ah, eh gago ka pala eh!" sambit ng isang preso at sinikmuraan si Roxanne. Napangiwi siya sa sakit.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now