Chapter 34: Palit-Buhay

5 3 0
                                    

Nang makabalik sina Karen at Bella sa bahay nila Karen, sinalubong sila ni Magda.

"Tita Magda," sambit ni Bella.

"Bella? Ano, kamusta? Nagtagumpay ba ang body switching ni Karen?" tanong ni Magda.

"'Yun nga po, tita. Kasama ko po si Karen ngayon." tugon ni Bella.

Nagpakita si Roxanne na nasa likod ni Bella. Nagtaka si Magda kung bakit si Roxanne ang kasama niya.

"Bella, bakit si Roxanne ang kasama mo?" tanong ni Magda.

"T-tita, hindi po siya si Roxanne. S-siya pa rin po si Karen." tugon ni Bella.

"Nay," sambit ni Roxanne.

"A-anak? Bakit nasa katawan ka pa rin ni Roxanne?" nagtatakang tanong ni Magda.

"N-nay, hindi po kasi naging successful ang body switching namin ni Roxanne." tugon ni Roxanne.

"Ha? Bakit?" tanong ni Magda.

"H-hindi ko rin po alam, Nay. Palpak po 'yung ispiritista na kilala ni Roxanne." tugon ni Roxanne.

"Eh, papaano na kayo ngayon n'yan? Ano nang gagawin natin?" tanong ni Magda.

"Hindi ko po alam, Nay. Hindi ko po alam. Siguro po, tatawag nalang po kami ng ibang ispiritista na marunong mag-body switch." tugon ni Roxanne.

"Mukhang ganun na nga, insan. Pero, ano kayang balak ni Roxanne sayo?" tanong ni Bella.

"Balak? Anong balak?" tanong ni Magda.

"Nay, sabi po sa akin ni Roxanne, 'wag ko na raw po sabihin kay Edward na hindi successful ang switching. Baka raw po kasi mag-alala siya," tugon ni Roxanne.

"Ano? At bakit naman bawal sabihin kay Edward? Naku, Karen, mukhang may masamang binabalak 'yang Roxanne na 'yan." ani Magda.

"Huwag po kayong mag-alala, Nay. Hahanapan ko po ito ng solusyon. Hindi po ako papayag na hindi ako makabalik sa katawan ko." sambit ni Roxanne.

—————

Umakyat si Roxanne sa ikalawang palapag ng bahay. Papunta siya sa kwarto.

Nakita niya ang isang pinto. Siguro naman ay kwarto niya ito kaya naman ay binuksan niya ito.

"Jusko, ano ka ba? Bakit ba basta ka na lang nagbubukas ng pinto?" nagulat si Rita nang makita nito si Karen.

"Ay, s-sorry po, tita." tugon ni Karen at muling isinara ang pinto.

"Weirdong babae." bulong ni Rita.

Patuloy naman na naglakad si Roxanne at nakita ang ikalawang pinto. Siguro naman ay kwarto na niya ito.

Binuksan niya ang pinto. Walang tao rito. Nakita niya ang mga litrato ni Karen. Mukhang kwarto na nga niya ito.

"Wow, ang gaganda naman pala ng mga gamit ni Karen. Sana ako rin may ganito." sambit ni Karen.

Nagtingin-tingin si Roxanne ng mga kagamitan ni Karen. Napansin niyang ang mamahal ng mga kagamitan nito. Mga bag, damit, at kung ano-ano pa. Manghang-mangha si Roxanne sa kaniyang nakikita.

"Grabe naman 'tong bag na 'to, ang mahal! Isipin mo 'yon, fifty-thousand? Grabe! Oo, hindi naman kami sobrang hirap, pero, wow! This bag is so expensive!" sambit nito.

"Well, Roxanne, just enjoy yourself here. Siguro naman, hindi sasabihin ni Karen ang totoo kay Edward. Subukan mo lang na sabihin ang totoo, Karen. Magkakamatayan tayo. Gusto ko munang ma-experience kung paano ka mabuhay. At hindi magtatagal, tuluyan ko nang aangkinin ang buhay mo." dagdag pa ni Roxanne.

—————

"Nay, mukhang kailangan ko pong tawagan si Edward. Baka po, hinahanap na niya ako." sambit ni Roxanne.

"Anak, mukhang kailangan mo nang sabihin ang totoo. Hindi tama na magsinungaling ka sa kaniya." tugon ni Magda.

"Opo, Nay. Sasabihin ko na po sa kaniya ang totoo. Baka po, patuloy pa siyang lokohin ni Roxanne. Hindi po ako papayag." ani Roxanne.

—————

"Ang gaganda ng mga gamit mo, Karen. Mabuti na lang at pumayag ka sa gusto ko. Mabuti na lang at nauto kaagad kita. Thank you, Karen." sambit ni Karen at ngumiti ito ng nakakaloko.

Muling pinagmasdan ni Roxanne ang kwarto ni Karen at tsaka bumaba ito.

"Hon, maliligo lang ako. May meeting kasi kami ng client ko later." sambit ni Edward.

"Sige lang, hon." tugon ni Karen.

Kaagad nagtungo si Edward sa banyo upang maligo. Sakto namang naiwan niya ang kaniyang telepono sa lamesa.

Maya-maya lamang ay tumunog ito. Nakita ni Roxanne na tumatawag si Karen.

"Bwisit, pwede ba Karen, tigilan mo na kami?" bulong ni Karen sa sarili.

Maya-maya rin ay sinagot niya ang tawag.

"Hello, hon?" sambit ni Roxanne.

"Hello, hello, hello, Karen! It's me, Roxanne!" tugon ni Karen.

"Roxanne? Anong ginagawa mo? Bakit hawak mo ang cellphone ni Edward?" tanong ni Roxanne.

"It's because, I'm her new wife! Ako na ang papalit dito sa pwesto mo, Karen. Don't worry, dahil aalagaan ko naman si Edward at pasasayahin." tugon ni Karen.

"What? Anong pinagsasasabi mo?" tanong ni Roxanne.

"Ako na ang bagong asawa ni Edward. At magmula ngayon, kikilalanin na nila ako bilang si Karen." tugon ni Karen.

"Hayop ka, Roxanne! Anong gagawin mo?" tanong ni Roxanne.

"It's none of your business, Karen. Goodbye!" tugon nito at ibinaba ang telepono.

"Well, hindi ko na hahayaang istorbohin mo kami. I will make sure na hindi na kayo magkakausap ni Edward." sambit nito.

Dali-daling pumunta si Roxanne sa contacts at i-blinock ang numero ni Karen upang hindi na nito matawagan si Edward.

"I'm sorry, Karen. Pasensiya ka na dahil sadyang uto-uto ka. Ayan, hindi mo alam na pinapaikot na pala kita." sambit ni Karen at ngumiti.

—————

"Ano, anak? Anong sabi sayo ni Edward? Nasabi mo na ba ang totoo?" tanong ni Magda.

"N-nay, hindi ko pa po nasasabi ang totoo," tugon ni Roxanne.

"Bakit naman?" tanong ni Magda.

"N-nay, si Roxanne po ang sumagot ng telepono. Sinabi niya po sa akin na siya na raw po ang papalit sa pwesto ko sa mansyon. Siya na raw po ang magiging asawa ni Edward." tugon ni Roxanne.

"Ano?" tanong ni Bella.

"Oo, insan. Sinabi sa akin 'yon ni Roxanne. May masama siyang plano." ani Roxanne.

"Napakasama pala talaga ng ugali ng babaeng 'yan! Tama ang kutob ko, insan. May masama siyang balak sa'yo!" tugon ni Bella.

"Anak, kailangang malaman ni Edward ang totoo. Kailangan mong sabihin ito sa kaniya." ani Magda.

"Opo, Nay. Pupuntahan ko po siya sa mansyon." tugon ni Roxanne.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now