Chapter 122: Goodbye

1 0 0
                                    

Dahil sa nakita ng lalaki, hindi na siya nagdalawang-isip pa na i-report ang mga ito sa pulis.

Dali-daling nagpunta si Charles sa presinto. Kaagad niyang ipinaalam ang mga nangyayari.

—————

"Malapit na tayo sa presinto. Kakailanganin natin ng tulong ng mga pulis para iligtas si Karen." sambit ni Edward habang nagmamaneho.

"Kuya Edward, bilisan natin! Papaano kung may gawin na silang masama kay ate? Papaano kung mas mahirapan tayo sa paghahanap sa kanila?" natatarantang tanong ni Leslie.

"Leslie, anak, pwede ba, tumahimik ka na muna? Nandito kami ng kuya Edward mo para hanapin ang ate mo. Hahanapin natin ang ate mo. Hindi tayo susuko. Nawala na nga sa atin ang nanay mo, hindi ako papayag na mawala pa sa atin ang ate mo." tugon ni Rico.

"Oo nga, Les. Tama si tito. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Alam kong mahahanap din natin ang ate mo." sambit ni Ariana.

"Sana nga, Ariana. Baka hindi ko kayanin kung mawawala pa si ate." tugon ni Leslie.

Makalipas ang ilang sandali, narating na rin nila ang presinto.

"Nandito na tayo. Nandito na tayo sa presinto. Halika na, hihingi tayo ng tulong sa mga pulis." sambit ni Edward.

"Mabuti pa nga. Halika na!" tugon ni Ariana.

Dali-dali silang bumaba ng sasakyan. Kaagad silang pumasok sa presinto upang humingi ng tulong.

"Mga sir, tulungan niyo po kami. Nawawala po 'yung asawa ko. Dinukot po siya, at hindi po namin alam kung saan siya dinala. May tatlong dumukot po sa kaniya." sambit ni Edward.

Napatingin ang lalaking nasa tabi nila. Napatingin si Charles sa kanila.

"Nawawala? May nakita po ako sa abandonadong pabrika. May babae po akong nakita. At tatlong tao rin po ang nakita kong nagpapahirap sa kaniya. Baka po, siya 'yung tinutukoy ninyo." tugon ni Charles.

"A-ano? Sigurado ka ba sa nakita mo?" tanong ni Edward.

"Opo, sir. Totoo po ang nakita ko. Baka po siya 'yung hinahanap ninyo." tugon ni Charles.

"Sige, puntahan natin sila. Tutulungan namin kayo." sambit ng isang pulis na si PO1 Ramirez.

"Sige po, maraming salamat." tugon ni Rico.

"Sige po, sasamahan ko po kayo sa pabrika. Kung ayos lang po sa inyo." sambit ni Charles.

"Oo, sige. Sumama ka na sa amin. Ituro mo sa amin ang daan. Sumakay ka na sa kotse namin." tugon ni Rico.

"S-sige po."

Hindi na sila nag-aksaya ng panahon sina Rico. Kaagad silang rumesponde.

Sa tulong ni Charles, natunton nila ang abandonadong pabrika, kung saan naroon si Karen sa loob.

"Abandonado 'yan ah? Papaano namang may nakapasok d'yan?" tanong ni Edward.

"Hindi ko rin po alam. Ang mabuti pa po, puntahan na po natin sila." tugon ni Charles.

—————

"Mga hayop kayo! Tigilan niyo na ako, please!" sigaw ni Karen.

"Ah, ayaw mo talagang tumigil? Alam mo, rinding-rindi na ako sa boses mong hayop ka! Hindi ka talaga titigil? Etong sayo!" tugon ni Fred at binuhusan ng malamig na tubig si Karen.

"Ayan! Ayan ang napapala ng mga taong kumakalaban sa amin! 'Yan ang napapala ng mga taong umaaway sa pamilya namin! Ano Karen, masarap ba? Masarap ba?" sigaw ni Roxanne.

The SwitchWhere stories live. Discover now